PASADO alas-dose na ng makarating si Ysabel sa bahay. Sinubukan ni Blaine na matulog ngunit hindi siya dalawin ng antok. Mula kaninang umaga hanggang bago dumating ang dalaga ay hindi na napanatag ang kanyang kalooban dahil sa pag-aalala. Nang bumukas ang pinto at pumasok si Ysabel ay agad siyang tumayo. Natigilan pa ito at tila nagulat nang makita siya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong nito. Sa halip na sumagot ay agad siyang lumapit at niyakap ito ng mahigpit. He did not utter a single word. He didn’t even ask. Blaine just held her tight in his arms. Sa wakas ay nakahinga siya ng maluwag ngayon yakap na niya ito. “Hindi ka ba magtatanong kung saan ako galing?” “No need. Masaya na ako na nakauwi ka ngayon na ligtas,” sagot niya. Mayamaya ay bahagya siyang tinulak nito palayo. “