Chapter 3.

2477 Words
The pounding in my head woke me up from my deep slumber. Agad ako'ng napahawak sa ulo ko dahil sa sakit, plus yung sikat ng araw na tumatama sa akin. Damn! May aircon nga, may sikat naman ng araw! Nakabukas yung blinds sa glass walls! Unti unti ako'ng naupo mula sa pagkaka higa. Tinanggal ko ang comforter na naka balot sa akin at luminga sa paligid. “Damn.” Mahinang mura ko. Pababa na sana ako ng kama when the door opened. Iniluwa noon si Wade na naka tapis lang ng twalya while having a toothbrush plus bubbles on his mouth. His hair still dripping wet and his six pack abs is screaming at me. Not that i haven't seen it before. Sabay kami nag wowork out, but i am really in the mood to see a half naked and dripping wet Wade in the morning. Napangiwi ako sa itsura nya at yumuko. “The princess is awake. Bilisan mo.” Sabi nya lang tapos muling lumabas. Tumayo lang ako nang marinig ko na nagsara na ulit yung pinto. I can't believe na nandito ako sa condo nya. s**t. I promise not to go anytime here. Hindi ako comfortable isipin na ang dami nyang babae na dinala nya dito, all willing thinking they could really be Wade's next favorite girl. Naghilamos ako, nagpunas at nagtali ng buhok. Hindi ko na inisip kung sino sino ang may ari ng iba't ibang panali at headbands na naka sabit sa taas ng sink ng bathroom na iyon. I went out at naabutan ko na palabas sya mula sa kwarto nya. Yeah, dalawa ang kwarto sa condo nya, and unfortunately mukhang yung kwarto na tinulugan ko ay yung kwarto kung saan nya literal na ginagawa ang mga kababalaghan nya. I shivered to the though. Sana lang talaga ay malinis yung kama na hinigaan ko. Naka cream pants na sya but he's still half naked. Pumunta sya sa kusina at nakita ko na may tiningnan syang pot. Naka salang iyon. “What's that?” Tanong ko habang papalapit sa kanya. “Pasta.” Tipid na sagot nya tapos ibinalik yung takip. “Maligo ka na, Elise. Pinapapunta nila tayo sa board meeting in an hour and a half. Pinadala na nila yung mga gamit mo.” He said tapos may itinuro syang malaking puting box sa couch. Napa awang ang labi ko. Seriously? “W-what happened last night?” Hindi ko na kasi matandaan. Last thing na naaalala ko ay yung nasa bar kami nila Claudine at Emma tapos may sinampal ako na hindi ko matandaan kung sino. “What happened last night?” Tumaas ang kilay ni Wade. “I didn't got laid because a princess drank too much that i had to bring her to my castle.” He answered sarcastically bago bumalik sa kwarto nya. Napalunok ako at natampal ang noo ko. “Shit.” Ako pa ngayon dahilan ng pagka tigang nya. Kinuha ko yung box. It's not my first time here, but it's my first time to linger here. Maraming beses na ako naka punta dito, pero tumatagal lang ako ng lima o sampung minuto kapag hinihintay ko si Wade kapag may pupuntahan kami. Never pa ako nakapasok sa kahit ano'ng kwarto nya noon. Naligo ako sa kwarto na pinaggalingan ko. Mabuti naman at kumpleto lahat ng pinadala, i mean my mom can be a little stressful sometimes when it comes to my outfits. Natuwa ako sa lacey black dress na napili nya. Naka ready na ako minus my hair. May twalya pa sa ulo ko. Lumabas ako at nakita ko si Wade na prenteng naka upo sa couch habang nililipat ang channel ng tv using the remote. Naka suot na sya ng light blue button down na naka tuck in sa cream pants nya. naka black shoes sya at umaalingasaw ang pabango nya. “Kakain pa tayo. Bakit ang tagal mo?” Magkasalubong ang kilay na tanong nya. “Wala kang blower?” Napa awang ang labi nya. “Why the hell would i have a blower?” “Nagtatanong lang.” Ngumuso ako. “What should i do with my hair? I need a blower!” Humalukipkip ako. Pailing iling na pinatay ni Wade yung tv at dumiretso sa kusina. Sinundan ko lang sya ng tingin. Kumuha sya ng dalawang plato at nilagyan ng mga pasta. Lumingon sya sa akin. “Are you just gonna stand there?” Pumunta na lang din ako sa kusina. Nilalagyan nya na ng carbonara sauce yung pasta. “Ikaw nagluto nyan? Bakit di ko alam na marunong ka magluto?” Kunot noo na tanong ko. “You don't know what i do on times i'm not doing stupid things with you.” He smirked. “Maka stupid things ka naman. Pasimuno ka nga ng mga 'yon.” Bawi ko naman. Nakalimutan ko pansamantala ang problema ko sa buhok ko dahil sumubo na ako. Nakaramdam ako ng gutom nang maamoy ko na ang hawa ni Wade. “Damn. This is delicious.” Hindi ko mapigilan na sabi. “Thanks.” Naka ngiti na sabi ni Wade, obviously satisfied with my reaction. Naka dalawang luwag ako bago ako nabusog ng tuluyan. “Tara na.” Sabi ni Wade matapos ilagay lahat ng ginamit namin sa sink. Surely, someone would do the disher for him later. “What about my hair?” Turo ko sa buhok ko na may twalya pa din. Napamura sya nang makita ang sitwasyon. Then he sighed. “Tara.” Hinila nya ako palabas. “What- Where are we going?” Kinakabahan na tanong ko. Hinila nya lang ako hanggang sa tapat ng pinto ng katabing unit nya. Nag doorbell sya, pero halata ang reluctancy nya. “Wadey Baby!” Isang babae na may pink at violet hair ang lumabas mula sa pinto. Her pearly white teeth is so visible sa lapad ng ngiti nya pagka kita kay Wade. Naka short shorts lang sya at manipis na blouse. May tatlong hikaw na naka hilera sya sa kaliwang tenga nya at isa sa taas ng kanan na tenga nya. Her skin si milky white, just like mine. Jesus! Her n*****s were hard and so visible! Tanga na lang ang hindi makaka alam na wala syang suot na bra underneath her clothes. “Jackie.” Sabi ni Wade bago tumikhim. “I was wondering if you can help Elise here to fix her hair?” Tapos tiningnan nya ako. Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa kanila. Wade is still holding me at my wrist. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa nung Jackie. Then she smiled. “Why the hell not?” Tapos niluwagan nya yung bukas ng pinto nya. Taliwas sa inaakala ko, malinis ang unit nung babae. Mas maliit sa unit ni Wade pero halos pareho lang din ng structure. Nakita ko ang ilang magazines na nagkalat sa table sa gitna ng living room. “Uhm i just need a blower.” sabi ko. Binitiwan na ni Wade yung kamay ko. “I know.” nakangiti na sabi ni Jackie tapos mabilis na pumasok sa isang kwarto. Nilingon ko si Wade na naka tanga lang sa may pinto. “Is she one of your FUBUS?” Mahinang tanong ko. “No.” Matigas na sagot nya. “Then-” Magsasalita pa sana ko pero narinig ko na bumukas na yung pinto. Ibinaling ko na ang tingin kay Jackie. “Here!” May hawak na syang blower. Woah. We have the same brand. This one's surely loaded too. Kita ko sa mga gamit nya. May LV bag sya na nasa couch, a pair of Jimmy Choo pumps near the door and some items i also have. Akmang kukunin ko na pero hindi nya iyon inabot. “Ah-ah! Let me do it for you.” Hinawakan nya ako sa likod at pinaupo sa couch. Sinaksak nya yung blower at tinanggal yung twalya sa buhok ko. Sinimulan nyang ayusin ang buhok ko. Hindi na ako nagsalita. Her hands are so light, natuwa na rin ako. Pakiramdam ko ay si Megan ang nag aayos ng buhok ko, plus a pink and violet hair. “Done!” She said after five minutes. Mabilis na naghagilap sya ng salamin. Maliksi ang babae. “Woah. Thanks!” Nakangiti na sabi ko. Maganda pagkaka ayos nya. Pati bangs ko ay maayos. Nilingon ko si Wade na matiim lang ang titig sa amin. “Thanks so much, Jackie.” I told her. “Welcome!” Then inilahad nya ang kamay nya. “You are Elise Adriano, right?” Noon ko lang napansin na may dimple sya. Tumango ako at nakipag kamay. “Let's go, Elise.” Putol ni Wade. He's being a jerk again. Kung isa si Jackie sa mga babae nya, although sabi nya ay hindi, may nangyari na himala at nagustuhan ko sya. She looked liberated, and she surely looked strong and independent. “Bye Jackie!” I even waved at her bago ko kinuha yung twalya. Humahangos kami na dumating sa hallway papunta sa board room. Huminga ako ng malalim bago kami pumasok ni Wade. Agad na lumanding ang mata ko sa gilid kung saan naroroon na si Jared. He looked very relaxed. Mukhang hindi pa naman nagsisimula ang board meeting. “Wade, Elise. What took the two of you so long?” Si Mommy iyon, papalapit na sa amin. Kasabay nya si Tita Yasmin na Mommy ni Wade. Palagi silang magkasama, halos magka mukha na sila. Wade sighed. “Elise had a little bit of problem with her hair.” I rolled my eyes at him. “Palibhasa hindi ka babae hindi mo alam ang importance ng maayos na buhok sa appearance namin.” Mahinang sabi ko. Narinig ko na tumawa sila Mommy at Tita Yasmin. Sumimangot lang ako. “Oh, umupo na kayo.” Sabi naman ni Tita Yasmin, at itinuro ang hilera ng upuan sa tabi ni Jared. My family is on the real state business, Wade's family on the other hand is on the educational side. Their family, including Jared's owns two private universities, chains of bookstores and a museum. And we were here because our families decided to try the medical business. They wanted to dominate the medical industry too, by owning private hospitals. Two years ago na nagsimula ang pagpagawa ng sabay sabay ng tatlong LIVING GRACE HOSPITAL, iba't ibang parte ng Pilipinas na pinamamahalaan ng tig iisang pamilya. Tita Yasmin's an Oncologist. Tumigil nga lang sya mag practice for ilang years pero she's back before pa masimulan ang project. Si Mommy naman, Surgeon. May sarili syang clinic and she got quite a clientele. While sa family naman ni Jared sya naman na nagtapos ng Nursing. Umupo ako sa gitna nila Wade at Jared. Our families are the owner and all of the people in front of us are shareholders na lahat may say sa kahihinatnan ng kanilang mga pinundar na pera. May nagsasalita na sa harap when i saw Wade yawn. Marahan ko syang siniko, umayos sya ng upo at inayos ang suot nya. Si Jared naman, pormal na pormal at mukhang nakikinig talaga. Display lang naman kami dito ni Wade. Si Jared ang talagang kailangan lang. Wala naman kami nilalabas na perao but our parents were clever enough na maglaan ng stocks sa pangalan namin. Present kami every board meeting dahil member kami ng board. Mabuti na lang talaga at nawala din ang sakit ng ulo ko pagka ligo ko kanina. I was bored the whole two hours ng meeting. Damn. Hindi ko nga alam kung ano ang mga pinaglalaban nila. Nagpapalitan lang kami ng bored look ni Wade the whole time. “HIndi ka pa ba sasabay sa amin?” Kunot ang noo na tanong ni Mommy nang kami na lang ang maiwan sa kwarto. Tiningnan ko si Wade. Lumaylay ang balikat nya at tumingin kay Mommy. “Tita ako na po maghahatid kay Elise. Nasa kotse ko pa rin po mga gamit nya.” He really knows what to say. “Oh, ganoon ba? Alright.” Ngumiti si Mommy kay Wade bago tumingin sa akin. “You go home before eight pm Elise or swear, hindi ka na makakapasok sa bahay.” I just rolled my eyes nang tumaliod na si Mommy. She's not mad, she's just like that. Giving blank threats. Ugh! Maya maya pa ay narinig ko na ang pagtawa ni Wade. “Shut up!”I hissed bago nauna mag martsa sa kanya palabas sa board room. Bumalik kami sa condo nya. Gusto sana ni Wade na sabay kami pumunta pero convoy, pero tamad na tamad ako kanina mag drive kaya sa kotse nya ako sumakay. And now, tatambay na muna ako doon. Eight pm pa naman daw ang curfew ko. Tsk. “Ano, di ka pa ba uuwi?” THhirty minutes na ako'ng nanunuod sa living room nya nang lumabas sya sa kwarto nya at naabutan ako doon. Naka itim na wifebeater na ito at naka checkered na shorts. Tumabi sya sa akin sa couch at inagaw sa kamay ko ang remote. Kumuha rin sya ng isang slice ng apple na nasa platito sa harap namin. Binili ko iyon sa daan papablik sa condo nya. Oh, pinabili ko pala kay Wade. “Boring.” Nakita ko na nalukot ang mukha nya nang makita ang movie na pinapanuod ko. “Boring? That's a classic, mind you!” Nasa Disney channel ako at nanunuod ng Beauty and The Beast. Nagkataon na nakita ko kaya iyon na ang pinapanuod ko. Hindi na sya nagsalita at nagpalipat lipat na lang sya ng channel. Nang iangat nya ang kamay nya, noon ko lang napansin na may sugat sya sa knuckles nya. “What happened to that?” Kinuha ko yung kamay nya, agad nya naman na binawi. “Wala.” Tila iritado na sagot nya lang sa akin at patuloy na nagpalipat lipat ng channel. Hindi na ako sumagot at kumain na lang ng apple. “Decided a freaking channel, will you? Nakaka hilo ginagawa mo.” Inis na sabi ko nang hindi pa rin sya makapag decide. Just then ay itinigil nya sa HBO. Hindi ko alam ang pelikula at wala akong pake. “What happened with your Jenina?” Hindi ko napigilan na magtanong. I was really really actually thinking na aalis si Wade ngayon para makipag kita sa kanya. Kunot noo na nilingon nya ako. “Hindi ko natandaan na sinabi ko sayo pangalan nya?” “Oh. Yeah. I heard on the girls in the ladies room. The name of that girl you're grinding with is Jenina.” Then i smirked. “Selos ka?” May namumuo na ngiti sa mga labi nya. Napangiwi ako. “Yuck, Wade. Pwede ba? Kadiri ka.” Naiiling na sabi ko at napailing. Nag echo sa buong unit nya ng humalakhak sya ng napaka lakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD