“Wade, Baby? What is the meaning of this? Who is she?” Agad ko'ng tinanggal ang aviators na suot ko at masamang tiningnan yung babae. She's actually a stunner. But it's not enough for Wade to fall for her.
Wade stood up from his seat, kunwari ay nagulat.
“Uh.. She's Sandra. Let me explain.” Akmang hahawakan nya na ako pero umiwas ako, inilayo ko yung kamay ko. Geez! Still bad at acting.
Tumayo na rin yung babae. “Wade? S-sino sya?” Itinuro nya ako.
Ohh. She look innocent too. I hate girls like her. Looking so innocent and all, pero binola lang ng isang Wade Feliciano, bumigay na. Well, i don't even know if naka ano'ng base na si Wade sa kanya. All i know is sya ang recent subject matter ni Wade na gusto nya nang idispatsa.
“Sandra, i'm sorry.” Damn Feliciano! Wala sa mukha nya ang nagsosorry.
But the girl seemed to fell for it. “What is this? May girlfriend ka na? Bakit.. Bakit di mo sinabi?” Mangiyak ngiyak na yung babae.
Gusto kong matawa ng malakas, if not for Wade's sake. I really like to clap for my performance. Pinagtitinginan na kami ng mga tao, but sanay na kami sa atensyon. Kaya nga sa medyo cheap na restaurant nya lang dinala si Sandra this time para hindi naman kami masyado makilala ng mga tao dito if ever lumaki ang eksena.
“Sorry, Sandra.” Ulit ni Wade. He looked confused, rather than being sorry.
“You heard? Yes, may girlfriend na sya. Kaya kung ako sayo, tsupi na!” I even put my hands in front of her, gesturing for her to go.
“Pero Wade.. bakit? Akala ko iba ka. How could you?” Now the girl's crying. Titig na titig sya kay Wade na hindi naman mapakali.
“Hey!” Hinarang ko na ang sarili ko. Hindi sanay si Wade sa mga ganitong confrontation. Ako lang naman ang nagpilit sa kanya na gawin namin 'to. I mean, it was my idea, this way as mas magagalit sa kanya yung mga babae at kakalimutan sya agad.
But this one's seemed different. I mean, usually yung iba sasampalin lang si Wade at mag wo walk out. Mukhang may balak pa ito'ng i guilty si Wade. Goodluck if she can.
“Shut up!” Biglang lumakas yung boses ng babae at pagalit na humarap sa akin. “Ako ang mahal nya! How can you barge in here?!”
I was damn shock by this girl's guts. Sandali lang ako nagulat. “Excuse me? Kung hindi ka ba naman tanga na pumatol sa boyfriend ko? Nabola ka lang bumigay ka na. See this?” Ibinalandra ko sa kanya ang props naming engagement ring. Tapos kinuha ko yung kamay ni Wade. “See for yourself, bitch.” Inis na sabi ko.
Never pa kami dumaan sa ganito. Ang props namin ang pinaka alas namin. This one's feisty she's really getting on my nerves. Masyado nyang na feel na mahal daw sya ni Wade.
Bigla itong umiyak ng malakas. Damn. Sabay pa kami napa ngiwi ni Wade.
“Wade! Mahal na mahal kita! Iwan mo sya, ako na lang!” She said in between sobs. Hinila pa si Wade mula sa likod ko.
Pero mabilis naman iyon na binitiwan ni Wade. “Enough, Sandra. Can't you see? Pinaglaruan lang kita. I never loved you.” Pagalit na sabi nya tapos hinila na ako palabas doon.
Wala kaming imikan hanggang sa sumakay na kami sa kotse nya.
“Damn. That was messy. Saan mo ba nakuha iyon? Nakaka imbyerna.” Naka nguso na sabi ko.
“Forget it.” Nilingon ko sya. Straight face lang sya as he started the car's engine. He looked pissed, but who wouldn't? Nakakainis ang Sandra na iyon. Geez!
I just shrugged my shoulders. “Idaan mo ako sa salon. Ipa trim mo na rin yang buhok mo, masyado na mahaba.” Sabi ko na lang.
“Okay.” Sagot nya.
Good boy, Feliciano. Ngumisi ako.
“Kamusta ang pangbansang mag bestfriend?” Ang favorite stylist ko na si Megan ang sumalubong sa amin. Naka schedule na kasi ngayon na magpapalit ako ng kulay ng buhok. Hinabol ko na lang kanina habang nasa byahe kami na kasama ko si Wade at na mag papa trim sya.
“Shut up, Meg. Nakaka stress ang araw ko kaya wag ka na dumagdag.” I rolled my eyeballs at her as we enter the place. I just heard her giggle.
Kasunod ko lang si Wade after nya maipark ng maayos yung kotse nya.
“What color for the month?” Agad na tanong nya nang maka upo na ako sa usual seat ko.
“I want ash gray.” Sabi ko habang kinakapa ang cellphone ko sa bag ko.
“Alright.” Naka ngiti naman na sabi ni Megan.
Sigurado na magtatagal ako dito. I don't know about Wade if makakapag hintay sya. The last time kasi na nag inarte ako sa kulay ng buhok ko, umabot kami dito ng halos limang oras at inis na inis na sya sa akin.
“Uh Clarence! Trim lang kay Wade. Paki ahit na din yung patilya nya. Thanks!” Kinindatan ko pa si Clarence bago tuluyang lapitan si Wade na busy sa pag pindot ng cellphone nya at tila oblivious na bata na naligaw lang sa salon.
Although his physique is very far from being a kid.
“Yes Madam!” Mabilis naman na sagot nito.
Mabibilis kumilos ang mga tao dito. Sa mahal ba naman ng ibabayad at tip. But i also like the atmosphere here. Dito na ako nagpapa salon mula college ako. I use to just do my hair and all personally.
Hindi pa tapos ang paglalagay sa akin ng hair color tapos na ang ginawa kay Wade.
Akala ko ay tatayo na sya pero busy pa rin sya sa cellphone nya. Kumuha pa sya ng magazine to entertain his self.
Two girls went in the salon and binati naman sila ng mga staff. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtigil ng tingin nila kay Wade. Geez. Ngayon lang ba sila naka kita ng gwapong lalaki? Ako nga nasasawa na sa kanya. Hindi na sya gwapo para sa akin.
“They're checking out Wade.” Mahinang sabi ni Megand while still putting the cream into my hair.
“Tell me something i don't know.” Then i went back into reading the magazine i was holding.
Wade was wearing a plain white v-neck t shirt plus a rugged maong pants. Kumikinang ang bling ng hikaw nya sa kaliwang tenga nya. He could pass as an actor, a model. Hell, he could even pass as a prince.
Sya yung playboy na namimili. Unlike others na makakita lang ng opoortunity, susugod na. He can be moody at times. And i can use it to my advantage, knowing his mood swings.
“Wade!” I suddenly called him.
“What?” He answered, pero nasa magazine pa rin ang tingin.
Automatic na nakita ko sa gilid ng mata ko na nagtinginan yung dalawang babae na kapwa na nakaupo sa salon chair. I smirked.
“Pakikuha naman sa kotse mo yung earphones ko. Naiwan ko sa dashboard.” I don't actually need it. What i need is these girls to know that i'm with Wade. That he's mine, technically.
“Fine.” Sagot nya lang. He closed the magazine slowly and stood up.
“Ngiting tagumpay ka na naman.” Naiiling at natatawa na sabi ni Megan.
“Shut up.” Nakangiting sabi ko naman.
Megan's my fave for three reasons. I can tell her stories about me and she would listen and not judge me. Two, I can be a handful at times, at kahit na demanding ako, never pa sya nag reklamo hanggang sa sya na ang kinasanayan ng buhok ko. Kuhang kuha nya agad ang gusto ko. Pangatlo, well, she perfectly understands my evil plans and intentions.
Kung tutuusin ay apat na taon ang tanda nya sa akin pero walang age gap tuwing kami ang magka usap. And i like it very much. Recently ko lang nalaman na she's promoted as a senior hair stylist now. Nakilala ko sya noong trainee pa lang sya, but she's already good. Kaya after three years ay no wonder, nakasungkit sya ng title. Means sya na ang may hawak ng particular branch na ito.
“Here.” Hindi ko napansin na nakabalik na pala si Wade at inaabot nya na yung earphones ko sa akin.
“Thanks, Baby.” I made my voice sweet.
Napa ubo naman kunwari si Megan.
Wade's eyeballs just rolled at me and i giggled. Bumalik sya sa dati nyang inuupuan.
I saw the two girl's reaction. Obviously ay hindi sila natuwa sa itinawag ko kay Wade.
Dalawang oras lang tumagal ang pagpapakulay ko. I'm loving the new color. And the two girs were long gone. Nagpa hair cut lang naman kasi sila. May mangilan ngilan na rin na bagong customers.
“Hurry up!” Halata ang iritasyon sa boses ni Wade nang tumayo na sya after ma blower yung buhok ko.
“Oo na, mauna ka na.” Sabi ko naman.
Natawa na lang si Megan nang mag walk out na si Wade.
Ako na rin ang nagbayad ng pagpapa trim nya. I bid my goodbye at thanks tapos lumabas na rin ako.
“Wala ba tayong schedule tonight?” Tanong ko nang makapasok na ako sa kotse nya. I still checked my new hair style sa rearview mirror nya.
“Your new hair color's annoying.” Imbes ay sabi nya tapos ini start na yung kotse.
He dropped me off our house. Hindi na sya bumaba dahil may dadaanan pa daw sya. Nagpatulong ako sa kasambahay namin na ibaba yung mga paper bags na nasa bag ni Wade. Nag shopping na kasi ako bago kami sumabak kanina sa pagda drama.
Wade scheduled their supposed to be date, tapos two hours before the supposed to be date ay nasa mall na kami. Hinila ko na si Wade para may taga bitbit ako.
“Elise! What the! Ano na namang ginawa mo sa buhok mo?!” Kunot na kunot ang noo ni Mommy ng makita nya ako. She was having a leisure time in the veranda when i came.
Natatawa na yinakap ko sya at bineso. “Hello to you too, mother dear.” Then i sat at the opposite chair. Nagpadala na din ako ng juice.
“Seriously, Elise? Hindi ka ba naaawa sa buhok mo? It's cursing at you silently.” Naiiling na sabi nya sa akin na ikinatawa ko.
“I know mom. But i'm treating them just fine. Si Daddy?” Imbes ay tanong ko. I instructed the maids na idala na sa wlak in closet ko yung paper bags. Personal ko'ng inaayos ang mga damit ko.
“He'll come home late. Paalis pa lang sila sa Baguio.” Mom answered before she took a sip at her coffee mug.
“Oh, alright. I just hope hindi nya makalimutan.” I grinned.
“Kailan ba nakalimutan ng Daddy mo ang mag request mo? Sabihin mo lang sa kanya na bilhan ka ng sariling mall, he would gladly buy one for you.” Naiiling na sabi ni Mommy.
“Ang O.A mo talaga Mommy!” Nakanguso na sabi ko.
Although it's true.
“What the hell! Elise! What did you do to your hair?!”
Mula sa likod ko ay may alam ko na parang magwawala na. Kuya Raniel.
Nakangiwi ako na lumingon sa kanya “Hi Kuya!” Mahinang bati ko.
“Don't you Hi Kuya me, young lady! Ano na naman yan? Hindi nga pula, ash gray naman!” Nasapo na nito ang noo nya. He was still wearing his suit. Malamang na kakakagaling lang din nito sa office. Maya maya pa ay si Kuya Reid naman ang dadating.
Huli ko na iisipin ang reaction nila Daddy at Kuya Drake.
“Raniel, hayaan mo na.” Narinig ko na saway ni Mommy. “Nasa huli ang pagsisisi. Magsisisi lang yan kapag nakalbo na sya.” Mom said busy reading at her news paper.
“Geez! Calm down guys.” Napatayo na ako at hinalikan sa pisngi si Kuya.
Narinig ko na may kotse na naman na papasok. I'm damn sure si Kuya Reid na iyon kaya nagpasya na ako'ng umalis. Hindi ko na pinansin ang pasigaw na tawag ni Kuya Raniel.
I was chuckling when i came into my room. Ang epic talaga palagi ng reaction nila kapag nag iiba ako ng hair color. Hindi na muna ako magpapakita kay Daddy at Kuya Drake. Medyo uptight ang mga iyon kumpara kila Kuya Raniel at Reid.
Pero hindi ako nakaiwas nang bago mag hapunan ay dumating na sila Daddy at Kuya Drake. Naka ngiwi pa ako na bumaba mula sa kwarto ko. Pinasundo na nila ako sa katulong dahil nagdadahilan ako na busog pa ako when all the while ay gutom na gutom na ako.
“Dad, Kuya, look at her hair.” Parang bata na sumbong ni Kuya Raniel.
Sabay sabay pa na lumingon sila Kuya Drake, Daddy at Kuya Reid. All of them gasps at my sight.
“Hi guys.” Mahinang bati ko.
“Elise Margarette!” Dumagundong ang tawag na iyon ni Daddy.