CHAPTER TWENTY-NINE: ••• ••• ... So ganito 'yun diary. Pagkalabas ko pa lang kasi ng building sa dorm diary ay agad may kumaladkad sa'kin. Sabay hila sa buhok ko diary, ang sakit. Si Li ang kumaladkad sa'kin. Dinala niya ako sa Classroom ko. Nang dumating kami kanina sa Classroom ay nagulat pa ako nang may madaanan kaming mga ilang nurses habang dala-dala nila ang walang malay na si Darelle sa isang stretcher. May ambulansiya pa sa ibaba ng building diary. At pagkapasok pa lang sa Classroom diary habang hila-hila ni Li yung buhok ko ay ang bugbog sarado naman na mukha ni X ang nakita ko... ... Hindi ko kinaya diary kaya tumakbo kaagad ako pabalik dito sa dorm. Nagkulong at wala na akong balak pang lumabas. Hindi ako papasok ngayon. Naguguluhan na kasi ako diary eh. Ang gusto ko lang a