CHAPTER NINETEEN: ••• ••• "Ilagay mo na." sabi ko. Kaya ginawa niya kaagad ang sinabi ko. Tatayo sana siya nang mabunggo siya sa ilalim ng mesa na kung saan naka-upo ang apat na mysterious persons. Gusto ko namang matawa. Pero pinipigilan ko lang. "Hoyy po!" Nang makatayo na siya ay hinarap niya kaagad ang pumatid sa kaniya kaso nakatalikod na ito at naglakad na paalis. "Bakit mo naman po ako pinatid?!" Halos napatingin na sa gawi ni Aphrodite ang mga ibang kumakain sa cafeteria dahil sa sigaw niya. Pero natahimik siya nang halos makilala niya ang likod pa lang na pag mamay-ari ng pumatid sa kanya. Tss! Napangisi ako. "Tapusin mo na ang task mo Aphrodite." Mabilis siyang napalingon sa kanina pang nakatitig sa kanya na mga mysterious persons dito sa University. Binalaan ko n