Nang makababa kami, nauna ang asawa ko sa akin, kasi may tinawagan pa ako, kita kung nag uusap ang asawa ko, sina Alexa at Alice, lumapit ako sila Mommy din pala. Narinig nila ang pag uusap ng mga ito, kasi nga naman, e halos kanognog lang ng kusina namin, ang kinaroroonan nilang tatlo. "Te pano yan, mukhang matatanggal ako sa trabaho, ikaw naman may asawa kana, si Alexa naman, kakatanggal lang, kailangan pa naman sana na bayaran na ang tuition namin." si Alice na pinoproblema ang mga bayarin ng mga ito. "Sige maghahanap ako ng trabaho, malapit na din pala ang bayaran sa tuition niyo, naitabi ko yung binayad sa akin, na kay Peachy pa ang kalahati. Di naman siguro tayo magugutom kahit wala kayong trabaho," ang asawa ko, ang kulit sinabi na marami siyang pera, mukhang di naniwalang kaya n