Chapter 2

1184 Words
Alexa POV Natigilan ako sa pagpasok opisina ng biglang magkagulo ang mga kasamahan ko sa harap ng opisina ni Boss Douglas. May namatay ba? Ang morbid mo, Alexa. Nagkagulo lang may namatay na agad? Hindi ba pwedeng excited lang ang mga tao? "Ano'ng meron?" Hindi ko napigilang magtanong sa kanila dahil mukhang bulateng hinagisan ng asin ang mga ito. Kilig na kilig at kung ano ang dahilan ay hindi ko mawari. Tuwi na lang kasi may celebrity na maliligaw dito ay ganyan din ang gawi nila noon. "Hi Alexa," bati sa akin ni Japet. Si Japet ay isa mga manunulat dito sa kumpanya. Nakasama ko na s'ya sa ilang editing sessions ng magazine covers. Kumindat pa ito sa akin bago ako naupo sa silya ko. Nilingon ko s'ya ulit at hindi ko na napigilan na magtanong. "Ano'ng meron? Bakit ang daming tao sa harap ng opisina ni Boss?" "Nandiyan daw ang The destiny band," walang gatol na sagot n'ya sa akin. Napanganga ako ng wala sa oras ng marinig ang pangalan ng banda ni Forth. Kaya naman pala nagkakagulo kanina, nandito ang mga iniidolo nila. Kasama ni Forth sa banda ang mga pinsan n'ya -- Uno, Dos, Tres at Cinco. Sikat na sikat ang grupo nila dito sa Pilipinas. "Seriously?" "Oo nga." "Kasama ba si Forth," pangungulit ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Japet. "I don't know! Hindi ko rin nakita ang pagdating nila ---but they are having a private conversation with Sir Douglas," kibit-balikat nitong sagot sa akin. Nakaramdam ako ng kilig sa posibilidad na nandito si Forth sa building. Writer ako dito sa publication at marami talaga ang nagagawing celebrity dito kung minsan. Ilang taon ko na kasi s'yang hindi nakikita. Pagkakataon ko na ito. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Jhynne, isa sa mga katrabaho ko dito sa publication. Bakas ang pagkawalang gana sa mukha nito. "Ms. Gomez, pinatatawag ka ni Sir Douglas," Tumalikod ito walang paalam. Sinulyapan ko si Japet na natatawa sa asal ni Jhynne. Daig pa ang matandang dalaga sa kasungitan samantalang hindi nagkakalayo ang edad namin. Hindi ko alam kung bakit inis na inis s'ya sa akin kahit wala akong ginagawang masama sa kanya. "Ano kaya kailangan sa akin ni Boss," mahina kong tanong kay Japet. As usual, kibit-balikat ang tanging naging tugon n'ya sa akin. "Puntahan mo na para masigurado mo rin kung nandoon nga 'yong hinahanap mong si Forth," sabi n'ya sa akin. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Excited akong nagtungo sa opisina ni Boss at lihim na umasam na nandito nga ang mahal ko. Nandito pa rin sa harap ng opisina n'ya ang mga katrabaho ko at nakikiusyoso. Hindi tuloy ako makadaan. "Excuse me, guys." Nahawi sila. Ang iba ay naiinis sa akin at ang iba ay kinikilig dahil bubukas ang pinto. Kumatok ako ng tatlong beses. May nagbukas ng pinto at pumasok ako. Nandito nga ang buong banda n'ya. "Pinapatawag n'yo daw ako?" Nag iinit ang pisngi ko sa dami ng tao sa kwarto. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Confirmed -- nandito ang buong banda ni Forth. Ang swerte ko naman! Huli na nga akong dumating pero ako ang nakasama nila dito sa loob. Malas na lang ng mga tao sa labas. "G-goodmorning, sir!" nauutal na bati ni Alexa sa amo niya. Nakangiti siya nitong hinarap kasabay ang pag lingon ng limang panauhin nito sa gawi ng dalaga. "She is Ms. Alexa Gomez," pagpapakilala n'ya sa akin ni Boss sa mga panauhin n'ya. Bukod kina Uno, Dos, Tres at Cinco ay may isa silang kasama na hindi ko kilala. Lumaylay ang balikat ko ng hindi ko makita si Forth. Pero okay lang, sanay na ako sa pagpapaasa ng tadhana sa akin. "Magandang umaga," nakangiting bati ko sa kanilang lahat. "Hi! My name is Cinco." Pagpapakilala ni Cinco kay Alexa--- sabay lahad ng kamay nito na maagap niyang tinanggap bilang pormal na pagpapakilala. "Alexa," maiksing sambit sa pangalan niya. "I'm Tres." "Dos." "Uno." Sunod-sunod niyang tinanggap ang pakikipagkamay ng mga ito maliban sa isang binatang walang kibo sa likuran ni Uno. Dahil hindi ito nag-abalang magpakilala ay nagkusa na si Dos na ipakilala ito. "By the way! This is Gelo. He is temporarily replacing Forth while he is on leave." Nang mapatingin ako sa kanya ay ngumiti s'ya sa akin. Hindi naman pala suplado. Likas lang s'yang tahimik at mapagmasid. Pero naalala ko ang sinabi ni Dos kanina -- umalis na si Forth? Matapos kaming magpakilala sa isa't isa ay hinarap ko si Boss at tinaonong. "Ano po maipaglilingkod ko, Sir?" "I want you to handle them. Write an article for them," diretsong sabi n'ya sa akin. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa boss ko at sa mga miyembro ng banda. "Article, sir?" "Yes, an article about them. Kailangan nating silang ipakilala sa lahat dahil may bago silang miyembro. Makakatulong ito para lalo silang sumikat at kagatin ng mga tao." Wala naman akong magagawa kundi ang sumang-ayon sa kanya. "Okay, Boss." "Jean can help you about task, Ms. Alexa." Hindi ko napigilang lingunin si Jean. Nagtaka pa ako ng makita s'yang nakangiti sa akin. First time ha!? Ano kayang nakain nito? Baka naman pakitang gilas dahil nasa harap kami ni Boss. Isa pa ay nandito ang banda. Pa-tweetums rin ang isang 'to eh. "We can talk about this further, Alexa. For now, Jean will share the information with you." Tumango ako kay Boss at nagpaalam sa kanilang lahat. Isa isa ko uli silang kinamayan ng marinig ko ang boses ng mahal ko. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi ko 'yon makakalimutan. "Good morning everyone," masayang bati n'ya sa lahat. "Mabuti naman dumating ka, Forth." Humingi naman ng paumanhin ito sa lahat. "Sorry, natraffic ako." Nang mapatingin sa akin si Forth ay tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Libo libong boltahe ang nanalaytay sa buong katawan ko at walang tigil sa pagtibok ng mabilis ang aking puso. Pati ang tiyan ko ay nakisali pa at parang may nagliliparang paruparo. Labis na kilig ang nararamdaman ko ngayon. Pero gayon na lang ang pagkadismaya ko ng makitang may kasama itong babae. "By the way, guys -- Chelsea's with me." Ang ganda nya! Kahit parang binibiyak ang puso ko ay hindi ko naiwasan na hangaan ang babaeng ito. Bakit hindi? Para s'yang lumabas mula sa telebisyon. Maganda na sa tv, maganda pa sa personal! Bagay nga sila ni Forth. At mukhang sila na dahil ang paghawak ni Forth sa baywang nito ay kapansin pansin. "You may go now, Alexa," sabi ni Boss. Kung inaakala n'yo na matagal kaming nagtitigan ni Forth -- ay hindi. Ako lang ang gumawa no'n sa kanya habang s'ya ay bahagya lang akong tinapunan ng tingin kanina. Palabas na ako ng pinto ng may tumawag sa akin. "Alexa," tawag ni Dos sa akin. "Si Forth and Chelsea nga pala." "Hi," maikiling bati ni Forth sa akin. "Hi, nice to meet you. I'm Alexa." Tumango lang s'ya sa akin at itinuon na ang pansin sa mga kasama n'ya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang extra care na binibigay n'ya kay Chelsea. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD