KYLIE POV Nang imulat ko ang aking mga mata, nasilaw ako sa sinag ng araw na tumatama sa bintana. Tapos tumunog pa ang alarm clock ng cellphone ko. Lintik na yan! Ang sarap sarap ng tulog to tapos ito lang ang gigising sa akin? Pinilit kong ibangon ang sarili ko kahit na ang bigat pa ng ulo ko. Nang mapatingin ako sa aking paligid, tsaka ko lang din naalala na kasama ko nga pala kagabi si Evan. At dito, tuluyan nang nagising ang diwa ko. "Evan? Evan?" ang malakas na pag tawag ko sa pangalan niya habang iniikot ko ang aking mga mata sa paligid. Subalit kahit na anong tawag ko sa kanyang pangalan, walang Evan na lumilitaw. Last option ko ay ang pumunta sa cr dahil baka nandito siya. Subalit pag pasok ko sa loob, wala rin itong laman. Napa kamot ako sa aking ulo! Saan kaya nag punta