EVAN POV Nang magising ako, sobrang init na init ang katawan ko. Minulat ko ang mga singkit kong mga mata at napa bangon kahit na ang sakit sakit pa ng katawan ko matapos kong makatalik ang babae kanina na una kong hinanap ngayon. Paano siya nakatakas sa higpit ng pagkakayakap ko sa kanya kanina? Madali pa naman akong nagiging kapag ginagalaw nang kahit sino ang parte ng katawan ko. "Miss? Miss? Asan ka?" tanong ko pa, wala akong narinig na response sa kabila ng malakas na pag tawag ko sa kanya. Napilitan tuloy akong tumayo. Inikot ko na ang buong paligid ng motel room na ito subalit kahit na saang sulok ay hindi ko siya makita. Mukhang umalis na siya ng walang paalam sa akin. Sayang malaki laki pa naman sana ang ibibigay ko sa kanya. Kasalanan na niya ito kung ayaw niya ng pera. O