(Third Person's POV)
A five year old boy was rushing towards his parent's room. Lumilikha ng mahinang tunog ng yabag yung bawat paghakbang nya at ni hindi man lang alintana yung aligasgas ng alikabok na natatapakan nya dala ng kawalan ng sapin sa paa.
He's wearing a stained old shirt and shorts, his tiny little feet was covered with dirt while his face and small hands got some black dust came from the backyard where he was gone to play.
"You don't have to f*cking care where I get this money from! You're f*ckin useless anyway so why bother asking me?!"
The kid stopped running towards the door right after hearing his mother shouting again just like the usual and of course, his father's loud and angry voice always comes after.
"How dare you b*tch, talking back to me like that! You think you'll earn millions from being a wh*re?! Why can't you just sit in a corner and watch me earning money!"
"Watch you earning money my *ss! You're a d*mb*ss who can't even shot a kid so that we can just keep the money for ourselves-"
"Shut the f*ck up!"
"Shut up?! You want me to shut up?! F*ck you!"
"I'm not f*cking do it!"
"Then I'll do it! Useless coward!"
The boy didn't flinched, nor tried to move his feet. He's just standing in front of the closed door, nakatitig sa nababakbak na pintura non at nabubulok na bahagi dala ng kalumaan. Walang emosyon syang nakatitig doon, wala man lang kagalaw-galaw habang tahimik na nakikinig sa ingay ng pag-aaway ng mga magulang nya.
He's used to this, hindi normal ang araw nya kung hindi nya maririnig yung maingay na pagtatalo ng mga magulang nya. When he was three years old, he was always crying in the corner whenever his parents are quarreling but instead of being comforted by them, his mother would eventually hit him out of annoyance. Ever since then, he practiced not saying or doing anything aside from listening on their fights. He looked like he doesn't care anymore but deep inside he's shattering, his little heart was shattering bit by bit every single day but he knows that nothing is gonna change.
He stood there for about five more minutes, after a long silence the door finally opened where his father came out. Natigilan ito nang magtama yung tingin nila pareho matapos nyang mag-angat ng tingin.
"Hey..." Tawag nito sa kanya tsaka mabilis na isinara ang pinto sa likuran. "Where have you been?"
Hindi sumagot yung bata pero itinuro naman nito yung daan palabas kaya sinundan yon ng tingin ng ama nya, nang maunawaan nito na galing sya sa bakuran kung saan ito laging naglalaro ay tumango ang lalake tsaka ipinatong ang kamay sa ulo nya para guluhin ang kanyang buhok.
"Look at you growing so fast." Anya ng ama tsaka sya pinasadahan ng tingin. "You're such a beautiful kid but your clothes are ruining it, I'll buy you new ones tomorrow after work, okay?"
"Okay."
"Never mind whatever it is that you've been hearing from us, okay?" Pinisil nito yung pisngi nya. "You're a good kid, always remember that."
Tinitigan nya lang ang ama kaya bumuntong hininga ito. Isang ngiti na naman yung iginawad nito sa kanya bago tuluyang tumalikod para maglakad palabas ng bahay.
Sinundan nya lang ng tingin ito at nang marinig yung yabag ng ina na papalapit sa pinto ay dali-dali syang tumakbo patungo sa kabilang kwarto kung saan sya natutulog. Taranta nyang ini-lock yon tsaka dumiretso sa isang luma at maliit na cabinet para magtago.
He can't be seen by her mother, paniguradong hindi lang palo ang aabutin nya rito. Ayaw nyang masaktan dahil yung huling beses na naabutan sya ng mama nya ay napalo sya, pagkatapos ay ikinulong sa kwarto at hindi pa makakakain hangga't hindi dumarating yung tatay nya.
Sa murang edad ay alam na nyang hindi sya sinwerte sa magulang. His father is a driver pero alam nyang higit pa sa pagiging driver ang trabaho nito dahil lagi itong may dalang baril, while her mother is a prostitute. Neither the two of them likes him, alam at ramdam nya yon. Kahit pa sabihing limang taong gulang pa lang sya ay nauunawaan nya kung bakit ganoon ang trato sa kanya ng mga magulang nya. Siguro ay dahil hindi talaga mahal ng mga ito ang isa't isa o pwede ring disgrasya lang sya.
His mother treats him poorly while his father treats him with pity but despite of the bitter truth, he still doesn't want to leave because just like what a child normally does, he loves them very much.
NAGISING si Noam mula sa pag-iisip nang mapaso ang daliri nyang dumampi sa takip ng kaldero kasabay ng pagtunog ng cellphone nya.
"Ouch, ouch, ouch." Dali-dali nyang binuksan ang gripo at itinapat ang daliri doon. "Whooo, ang sakit!"
Sumabay pa yung pagkulo ng tubig sa takure kaya natataranta nyang pinatay ang kalan bago ipinagpatuloy ang pagpapalamig sa daliring napaso. Hindi na nya pinansin yung cellphone nyang tumunog kanina.
Nagluluto kasi sya ng hapunan pero yung isip nya kung saan-saan lumilipad, siguro dahil tahimik yung apartment nya kaya natutulala sya bigla. Hindi na kasi sya sanay na walang maingay-though hindi naman maingay si Morgan kapag magkasama sila pero kahit papaano ay kinakausap sya nito kahit pa may pagkamatipid sa salita.
"Gagabihin raw sya." Pagkausap nya sa sarili. "Okay lang sa'kin kung gabihin sya o kaya naman ay kung mauna na syang kumain doon. Okay lang, sanay naman akong kumain ng mag-isa noon."
Lumingon sya sa niluto nyang adobo sabay napangiwi. Medyo nasunog yon, nalakasan nya kasi ng apoy kanina kaya hindi nya napansin na nasusunog na pala. Ayan, tulala pa more.
Tinanggal nya muna yung salamin nya tsaka hinilamos ang palad sa mukha bago tinapik-tapik ang sariling pisngi.
"Aaah! Hindi na ako sanay ng wala sya sa tabi ko! Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis! Hmmmp!" Mahinang sigaw nya.
Namumula na yung pisngi nya hindi lang dahil sa kakatapik nya doon, kundi dahil naiisip nya si Morgan. Nagtext kasi ito sa kanya kanina na gagabihin raw, biglaang trabaho raw kasi kaya aabutin ng mga alas otso mahigit.
So bakit nga ba sya namumula? Namumula sya kasi kinikilig sya, wala silang label pero ina-update sya? Doon pa lang ramdam na nyang house husband kaba-bagsakan nya balang araw kung kay Morgan sya ma-e-end game eh. Ayos lang rin naman kasi hindi sya maselan at marunong naman sya sa gawaing bahay-pero dapat linawin muna ni Morgan yung totoong 'status' nila! Tanungin muna sya nito kung mag-bf-gf na ba sila, payag naman kasi sya eh. Hehehe.
Huminga sya ng malalim. Maya-maya pa ay ginulo nya yung buhok nya na parang nababaliw habang panay ang bulong ng amga reklamo sa buhay.
"Natitimang na yata ako, nahahawa na ako sa ka-abnoyan ni Morgan." Pinisil ni Noam ang sariling pisngi tsaka minasa-masahe yon.
"Ganito ba ang magkagusto? Ang magka-crush? Ang ma-inlove? Parang napa-praning na ewan! Lahat ng pwedeng i-flashback kahit hindi naman related sa iniisip ko, nagpi-play ng kusa!"
Oo, kinakausap ng bida natin yung sarili nya. Natuluyan na.
Kasalanan to ng biglaang flashback sa utak nya tungkol sa kabataan nya, sa dami-dami ng pwedeng mag-play sa isip nya ay yun pang isa sa hindi nya malilimutang araw dahil yun ang huling beses na nakita nya ang tatay nya.
Kinuha nya ang malinis na sandok at ipinukpok sa ulo nya-wala lang, trip nya lang. Ginigising nya yung sarili nya mula sa pagkahibang.
"Hala Noam para kang tanga, sige pa, abnoy ka na rin!" Pumalatak sya sabay bumuntong hininga. "Walang nagsabi sa'kin na ganito pala ang ma-inlove, nakakabaliw."
Sa sobrang pagka-praning nya ay ni hindi nya man lang namalayan yung pagpasok ng isang tao na kanina pa nakatayo sa likuran nya at napapangiti sa mga sinasabi nya.
(Noam's POV)
NARAMDAMAN ko yung presensya ng kung sino sa likuran ko pero huli na dahil bago pa ako makalingon ay naitulak na nya ako agad payuko sa lababo.
"Hello, sir." Bulong nya sa tenga ko tsaka sinimulang talian yung mga kamay na nasa likuran ko gamit ang isang medyo makapal na panali-na sa tingin ko ay sinturon base sa kapal.
"Morgan?!"
"You are under arrest for the crime of having an ethereal beauty used in stealing the hearts of the citizens in this city-including me."
"A-anong-a-ah." Hinigpitan nya yung tali kaya napanganga ako. Natitimang na ba sya? Bigla-bigla na lang syang susulpot tapos ganito pa gagawin nya?! Abnormal talaga!
Hindi ko sya malingunan dahil bahagya akong nakayuko sa lababo. Mukha talaga akong inaaresto sa pwesto ko lalo na't ginawa nyang posas yung sinturon nya dahilan para hindi ko maigalaw yung mga kamay ko.
Nakakainis! Pakiramdam ko sasabog na sa sobrang pula yung buong mukha ko, ang bilis ng puso ko. Hindi ko alam kung para saan yung kaba ko, kabang natatakot o kabang na-e-excite?! Ahhh ewan!
Sinubukan ko syang lingunin. "Morgan ano na naman bang kalokohan to-"
Napapikit ako nang may kung anong telang bigla na lang tumakip sa mga mata ko at base sa haba non ay nahihinuha kong yun yung necktie na suot nya kanina.
"You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. You have a right to an attorney, but why would you need an attorney if you have me?"
"Sandali nga, ano bang meron? Para saan to?"
"Didn't you hear me? I'm arresting you."
"Ha ha ha, pasaway ka talaga." Saad ko na lang tsaka ginalaw-galaw yung mga kamay ko. "Alisin mo na nga to."
"Later."
Napanguso ako dahil sa kalokohan nya. Sinusubukan kong kalasin yung tali pero umawang yung labi ko nang maramdaman yung paghigpit nung sinturon nya sa pulsuhan ko nang magkaharapn kami.
Magsasalita pa sana ako pero lumapat na yung labi nya sa'kin. Mariin tuloy akong napapikit dahil doon, ang lambot nung labi nya tsaka ano, parang, parang...
"Nakailang sigarilyo ka ngayong araw?"
Ramdam kong natigilan sya sa tanong kong yon at kahit pa nakapiring ay alam kong nagkakamot sya ng ulo.
"Two sticks?"
"Isa nung umaga, isa pagkatapos ng tanghalian bago ka maligo, malamang isa nung hapon habang nasa work ka na tapos nagsigarilyo ka pa bago umuwi ano?" Panghuhuli ko. "Kapag nagsinungaling ka sa'kin talagang wala ka ng kiss!"
"Uh, I'm trying to control it-"
"Seryoso ako, Morgan."
"D*mn, don't be like that to me, baby." Saad nya na nagpapula sa buong mukha ko. "You're giving me a hard time, smoking is a vice that can't be stopped immediately."
Baby? Aaaaah! Tinawag nya kong baby? Bakit ang husky ng boses nya? Kahit babae sya, ang husky ng boses nya! Aaaaaah!
"K-kahit na! M-masama pa rin yon."
Dumagdag pa sa pagpula ng mukha ko yung pagpulupot ng braso nya sa bewang ko at bahagyang pagdampi-dampi ng labi nya sa panga ko. "I'll try to lessen it."
"Try lang?"
"Then I'll stop smoking."
"Buti naman, hindi maganda sa ano, sa kalusugan yung ano..." Huminga ako ng malalim nang kagatin nya yung ibabang labi ko. "Yung ano..."
"What?"
"Y-yung... s-sandali nga lang, Morgan..."
Para akong napapaos sa ginagawa nya, lalo na noong pumasok sa loob ng t-shirt ko yung kamay nya at humawak sa katawan ko. Pinapaso ng init ng palad nya yung balat ko, bawat dampi non ay may kung anong kiliting hatid sakin. Nadadala na ako sa paraan ng paghalik nya sa'kin nang mapangiwi ako.
"Teka, p-parang... masyadong mahigpit." Humiwalay ako sa kanya.
"Oh, should I loosen it a bit?"
"Luwagan mo nga."
"Like this?"
"Ah! M-morgan?!" Napasigaw ako, abnormal kasi! Hindi naman nya niluwagan, mas hinigpitan pa nga nya!
"Hey, you sound like you're moaning. Keep that up and your neighbors will thought of us having se-"
Isang malakas na tunog ng pagkabasag yung nagpahinto sa'min pareho. Mukhang galing naman sa labas ng building yung ingay pero nakakabahala pa rin lalo na noong sumunod na yung parang ingay ng mga nag-aaway.
"A-ano yon?" Tanong ko habang lumilinga-linga kahit wala aking makita.
Hindi sya sumagot pero lumayo sya sa'kin kaya tumayo ako ng maayos. Alam kong tumungo sya sa may pinto para siguro silipin kung ano man yung nangyayari.
"Hmn... It looks like you have some visitors." Anya tsaka bumalik sa'kin.
"W-wala akong inaasahang bisita."
"Well, they are considered as an intruder then."
Nagmamadali nyang kinalas yung sinturon nya na syang nasa kamay ko, nang matanggal ay ako na mismo yung nagtanggal sa necktie mula sa mata ko tsaka dinampot ang salamin para isuot. Sinuot nyang muli yung sinturon nya habang dumiretso naman ako sa pinto para lumabas at silipin yung mga nagkakagulo doon.
Hindi ko maipaliwanag kung anong mararamdaman ko nang masilip ko mula sa balustre yung hindi mabilang na mga kalalakihan na nagkakagulo sa ibaba ng mismong tapat ng apartment building ko. Naguguluhan ako. Lahat naman sila ay pare-pareho ng suot na suit pero sila-sila ang nag-aaway.
"A-anong... bakit..." Lumunok-lunok ako habang iginagala ang paningin sa ibaba.
Doon ko lang napansin na may pagkakaiba sa kanila, na kahit na pare-pareho silang nakaitim na suit ay nahahati sila sa tatlong grupo.
Yung mga naka-simpleng itim na suit ay hindi ko kilala, habang yung mga may kulay pulang telang may logo at numero ay alam kong tauhan ni Austin dahil minsan ko ng nakita yung itsura ng mga tauhang hawak nya noon.
Ngunit yung mga lalaking may pamilyar na tattoo sa leeg ang syang nagpabato sa'kin sa kinatatayuan ko.
"H-hindi..."
Yung tattoo... yung pamilyar na tattoo sa leeg na yon na nakikita ko noon sa mga direktang tauhan ng pamilya Verratti. Tattoo na katulad ng kay Austin.
Para akong hindi makahinga, nanginginig yung mga kamay ko sa takot at kaba. Gusto kong tumakbo pero hindi ko maigalaw yung mga kamay ko. Kung nandito sila, ibig sabihin alam na nilang nandito ako? Nahanap na nila ako? Si Austin ba yung nagsabi? Pero imposible yon, si Austin ang nagtago sa'kin dito mula pa noon!
Lalo akong nanlamig nang makita sa gitna ng mga kalalakihan na yon ang isang pamilyar na tao. Hindi ito ngumiti pero kinawayan naman nya ako na naging dahilan ng pagkabalisa ko.
Si Dante, yung kanang kamay ni Benedict!
Dahan-dahan akong napaatras palayo sa balustre pero napabalik ako sa pagkakasandig doon nang may umakbay sa'kin, kasabay non yung pagkalanghap ko ng usok ng sigarilyong syang nasa bibig nya.
"You look terrified." Anya tsaka bumuga ng usok at balewalang nilingon ako. "Do you know them?"
"M-morgan..."
"Your hands are trembling and your face became pale, so I'll ask again and I need you to answer."
Hinithit pa muna nyang muli yung sigarilyo nya bago inipit sa pagitan ng mga daliri at may itinuro. Sinundan ko yung direksyon ng itinuturo nyang direksyon at muling napalunok nang mapagtantong si Dante yung itinuturo nya na ngayo'y nakakunot na ang noo habang nakatingin sa'kin.
"Do you know him?"
"Y-yes..."
"Is he the one who hurted you?" Tukoy nya sa taong umabuso sa'kin kaya napatitig ako sa kanya.
Malambot yung ekspresyon ng mukha nya pero iba yung nababasa ko sa mga mata nya. Tila ba nag-aapoy yun sa galit, isang klase ng tingin nya na ngayon ko lang nakita. Kinabahan ako pero para bang otomatikong rumehistro sa akin na ako ang dahilan ng galit nyang yon.
"H-hindi... hindi sya yon." Ikinuyom ko yung kamao ko tsaka humugot ng malalim na hininga. "Pero kanang kamay sya ng taong yon."
Tumango-tango sya tsaka ibinalik sa bibig ang sigarilyo at bumitaw sa'kin. Hinubad nya yung coat ng suit nya at ipinatong sa balikat ko, sumakto lang rin yun sa akin dahil may pagka-payat ako.
Nabawasan ng kaunti yung kaba ko kahit papaano, nababaliw na yata ako kasi nagawa ko pang kiligin kahit na alam kong anumang oras ay pwede akong makuha nung taong yon.
"There. Wear my coat." Tinapik-tapik nya yung balikat ko sabay ngumiti at inumpisahang i-angat hanggang sa siko yung manggas ng suot nyang longsleeve. "Just follow me from behind, okay?"
"A-anong gagawin mo, Morgan?" Tanong ko nang talikuran nya ako habang nagtatali na sya ng buhok.
"I'll get you out of here."
"P-paano?" Napahigpit yung hawak ko sa coat nyang suot ko na. "Ang dami nila, at delikado, baka mapahamak tayo."
Hindi sya sumagot. Doon ko lang rin napansin na may suot na rin pala syang holster vest na may nakasukbit na baril sa magkabilang gilid, bukod doon yung baril na nakaipit sa likuran ng pants nya at yung holster na nasa hita nya.
Naguguluhan ako sa sarili ko dahil kahit na ito ang unang beses na makita ko syang may ganon ay hindi ako natakot pero hindi rin ako nagulat.
"Morgan?"
Kinuha nya yung baril mula sa likod nya at inihagis sa akin na taranta ko naman na sinalo. Ang bigat non! Gusto kong matulala saglit at hayaang mag-buffer yung utak ko pero hindi ko magawa!
Inabot pa nya yung pisngi ko para pisilin habang nagpakawala ng mahinang tawa.
"I'm sorry, baby, but we're going to stay somewhere safe tonight." Saad nya bago nagnakaw ng halik.
"Somewhere safe?" Kumurap-kurap ako. "S-saan naman yon?"
Bahagya syang natigilan bago nagpakawala ng isang nakakalokong ngisi sa'kin.
"To my parent's house." Sambit nya na sinabayan ng kindat.