Chapter 9 (Cont. 1)

1909 Words
Nakapaikot kasi sa gitna yung napakaraming bulaklak na iba't iba ang klase at pagkaka-ayos. May mga lobo-lobo pang lumulutang at nagliliparan sa hangin yung ibang petals non pero pinaka-agaw atensyon doon ay yung mesa at dalawang upuan na magkaharap ang pwesto. May electric fan rin sa magkabilang bahagi non at may tila kurtinang background sa gilid, naka-arrange rin yung mga plato't kubyertos pati na rin ang baso sa mesa. "That's for you." Pinandilatan ko sya. "S-sa akin?" "Yeah." Tila lalakeng hinawi nya yung buhok nya paitaas. "I want to eat with you but you said that you only have limited time to take a break." "Pero ano yang mga yan? Bat may pa-ganyan?" "You can't go with me to eat in a restaurant that's why I just brought the restaurant to you in order for us to eat together." "O-oo nga pero b-bakit ganito? Sa gitna talaga ng parking lot, Morgan?" "Why not?" "Parking lot ito, Morgan. Parking lot." Pagdidiin ko pa. "Your school's parking lot is not that bad." "Paradahan ng sasakyan ito, hindi picnic ground." Napaatras nya nang mameywang ako tsaka salubong ang kilay na tinitigan sya. Bakas sa mukha nya ang gulat dahil sa pantay na pagtaas na kilay nya at bahagyang pagkakaawang ng labi. "Ito na ang una't huling beses na gagawin mo to, okay?" "Are you ordering... me?" Natitigilan at naniniguradong tanong nya. "Hindi yun utos pero gusto kong mangako ka." "Nobody tells me what to do." "Morgan?" "I am a Verdan." Mariin nyang anya na para bang napakahalaga ng ibig sabihin non kaya bumuntong hininga ako. "Okay, alam kong Verdan ka pero hindi tama yung ginawa mo—" "What a Verdan wants, a Verdan gets." Singit nya bigla. Hindi na maipinta yung mukha nya, salubong ang kilay at masama ang tingin sakin pero hindi ko yun pinansin. Sinamaan ko rin sya ng tingin at mukhang natinag sya ron, parang nagtataka at nagugulat sya sa ginagawa namin pareho. "Hindi sa lahat ng oras ay magagawa o makukuha mo yung gusto mo kaya makinig ka sa sinasabi ko." "We, the Verdans don't obey orders, we make them—" "Morgan." Putol ko sa sasabihin nya, agad naman nyang itinikom yung bibig nya. "School parking lot ito, kung uulitin mo to malamang hahatak ka ng maraming atensyon ng mga estudyante at paniguradong makakarating to sa Dean. Mapapagalitan tayo pareho, lalo ka na baka ma-ban ka kasi hindi ka naman nag-aaral rito." Wala syang isinagot pero nanatili syang nakatitig sakin kaya nagpakawala ako ng buntong hininga. Kinuha ko yung kamay nya tsaka pinisil yon, walang imik naman syang nagbaba ng tingin sa kamay namin kaya nginitian ko sya.  "Galit ka ba?" Sumama yung tingin nya sakin pero nilawakan ko naman yung ngiti ko. "Dinner tayo sa sabado? Treat ko." Nawala bigla yung kunot ng noo nya at bumalik sa pagiging blanko yung ekspresyon ng mukha nya, walang emosyon pero kalmado at panatag. "Okay." "Hindi ka na galit?" "I'm not mad." Lumamlam yung mga mata nya bigla habang diretsong nakatingin sakin. "I'm just... confuse..." Lalong lumawak yung ngiti ko sa mabilis nyang sagot na yon. Pansin ko rin yung paghigpit ng hawak nya sa kamay ko bago pa bumaling sa kapatid nyang si Linus. Nagulat pa ako ng makitang hindi lang luha yung tumutulo kay Linus, literal na pati sipon tumutulo habang kagat-kagat ang ibabang labi na tila nagpipigil humikbi. Si Salazar naman ay panay ang himas sa likod nya. "Here. Give this to your Dean." Abot nya ng sobre sa kapatid, ni hindi man lang pinansin yung pag-iyak nito. "O-okay." Singhot ni Linus sa sipon nya tsaka ako nilingon. Nagtataka ko syang nginitian, pinandilatan nya lang ako tsaka sinenyasan ng dalawang daliri na tila ba sinasabing binabantayan nya ako. Matapos non tumalikod na sya para maglakad palayo, kasunod nya si Salazar na kinindatan pa ako. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung anong nangyari sa kapatid mo at umiiyak sya?" "Don't worry, he's just being exaggerated." Hinila nya yung kamay ko. "C'mon, let's eat." Nagpatianod ako sa hila nya. Habang naglalakad ay tila naging bingi ako sa ingay ng mga kabataan na nagtitilian sa paligid at  hindi ko rin sila napapansin. Yung buong atensyon ko kasi nasa kanya, sinasabayan ng pagpintig ng puso ko yung ingay sa paligid pero himalang wala akong marinig kaya kagat labi akong nagbaba ng tingin. Ano bang nangyayari sakin? (Third Person's POV) TANGING dalawa na lamang sila ang nasa parking lot. Inutusan kasi ni Morgan yung mga tauhan nya na paalisin yung mga estudyanteng nakiki-usosyo sa kanila kanina, yung mga tauhan rin yung naglabas ng pagkain nila mula sa truck na nakaparada sa gilid. Delivery truck pala yun ni Theo na ginagamit sa paghahatid ng mga pagkain kapag may catering services sya. Matapos non ay saglit na kinausap ang mga ito at tila may iniutos dahil nagsitanguan ito sa babae at mabilis na nagsi-alisan. Mas naging kumportable sya noong sila nalang ni Morgan ang naiwan, hindi rin nagtagal ay nagsimula na rin silang kumain. "Hindi mo naman kailangang gawin to." Panimula ni Noam bago sumubo nung ulam kaya lumobo yung kaliwang pisngi nya. "Pwero shalamat pwa rin." "Welcome." "Pwero sha shushunod wag ka ng bibwili dun." Tukoy nya sa restaurant ni Theo. Nilunok nya yung laman ng bibig nya tsaka tinusok yung patatas. "Ang taas ng presyo ng luto ng kaibigan mo pero konti lang ang servings, hindi mo ba napapansin na overpricing sya? Though masarap naman lahat." "Say that to his face and you're dead." Ngumuso si Noam tsaka sinubo yung patatas. "Grabe naman." Humalumbaba si Morgan ng patagilid habang ang paningin ay nasa lalaki, hindi lang halata pero kulang nalang ay kuminang yung mga mata nya habang pinanonood si Noam na maganang kumain. Ke payat-payat na lalake pero ang lakas kumain. "Hmn... I think I can't spend the rest of my day without seeing your pretty face from now on." Hirap na lumunok si Noam bago sya pinandilatan. "A-ano bang sinasabi mo dyan?" "What I'm saying is that I think I'll be needing a daily dose of my Noam." Umangat yung sulok ng labi nya na bibihirang mangyari. "Don't forget to kiss me later before I leave, alright?" Umakyat lahat ng dugo nya sa mukha nang sabihin yon ni Morgan kaya mas natuwa ang babae.  "A-akala ko ba friends lang tayo?" "Yeah, friends." "Eh b-bakit panay ang hingi mo ng kiss?" "It's just a friendly kiss. You know, the one left on the cheeks or forehead, everyone can do that. I'm not referring to the kiss that is done by the use of lips—" Tumigil sya tsaka nang-aasar na muling ngumisi. "—unless you want us to skip the getting-to-know each other stage and proceed to the kissing part." "U-uy! Hindi ah!" Tanggi ng lalake kasabay ng paggalaw ng mga kamay. Pati tuktok ng tenga ay namumula na sa kahihiyan at sinasabayan pa ng malakas na pintig ng puso nya sa hindi malamang dahilan. "Wala akong ibig sabihin na ganon, n-nagtataka lang kasi ako." "About what?" "Nagtataka kasi ako sa mga kilos mo, napaka-natural at totoo. Hindi mababakasan na pinagti-tripan mo lang ako o ano ganon." Kumurap-kurap sya habang nagsisimula nanamang mamula ang mukha. "Ang sweet-sweet mo sakin kahit ilang araw palang ang lumipas mula ng magkakilala tayo, kung tutuusin napaka-unreasonable ng ginagawa natin kasi bigla nalang tayong kumakain ng sabay tapos hinahatid mo ko na para bang sanay na tayong gawin yon. Napapaisip tuloy ako na baka ano..." "Na?" Nabibitin na dugtong ni Morgan. Alanganing tumingin si Noam sa kanya, hindi alam kung itutuloy yung sasabihin o hindi pero itinuloy pa rin nya matapos ang isang buntong hininga. "N-na baka crush mo ko." "So what if I have a crush on you?" Diretsong sagot ni Morgan. Ikinagulat nya yung walang paligoy-ligoy ng babae, na para bang walang nakakahiya sa sinabi nya at wala ng dapat pag-isipan don. "S-seryoso ka ba?" "Look at my face and ask me again if I'm kidding." Napalunok sya habang nakatitig sa mukha ni Mo rgan.  'Right. Itsura palang ni Morgan, ngumingiti at ngumingisi lang kapag natutuwa sya pero wala talaga sa itsura nya ang magbiro.' Anya sa isip nya. "Pero bakit?" "Why not? It's not that hard to like you." "Hala sya..." Bulong nya. Hindi naman nagbago yung seryosong tingin ni Morgan sa kanya. Sa totoo lang ay nagtataka sya, kung kumilos at magtanong kasi si Noam ay para bang hindi ito makapaniwala sa sinasabi nya. "Pero paano kung..." Lumunok sya tsaka naiilang na nag-iwas ng tingin. "Paano kung h-hindi ako katulad ng ibang lalake dyan?" Tumabingi yung ulo nito. "Hmn... What do you mean?" "I mean... kakaiba ako." Huminga sya ng malalim tsaka bahagyang yumuko habang balisang nilalaro ang sariling kamay. "Sobrang kakaiba, to the point na malalaman mo agad kung anong pinagkaiba ko sa kanila kaya parang imposibleng magka-crush ka sakin. H-hindi ako ano eh, y-yung para bang tinatawag nilang 'ideal man'. Kumbaga parang hindi naman ako pasok sa standards mo, t-tsaka mukhang hindi naman ako yung tipo mo ng lalake—" "Does it matter?" "A-ang alin?" "That standards that you're saying." Dinampot nya yung tinidor at nilaro-laro yung carrots na nasa pinggan. "Does it matter?" Hindi sya nakasagot dahil hindi nya rin naman alam ang isasagot. Sa totoo lang hindi na rin nya alam kung bakit napunta sila sa ganoong usapan basta nakaramdam nalang sya ng kaba at takot. Kaba na baka magising nalang sya isang araw at nahulog na sya sa babae at takot—takot na baka pandirihan sya neto. Kumuyom yung palad nya sa naisip nyang yon. Eh bakit ba naman kasi iniisip nyang magkakagusto sya kay Morgan? Sweet nga ito at talaga namang madaling magustuhan pero hindi ibig sabihin non ay pareho sila ng nararamdaman. Tsaka masyado pang maaga para mag-isip sya ng ganon, ni wala pa nga sa kalahati yung nalalaman nila sa isa't isa tapos tumatalon na agad sya sa hulog-hulog na yan? Kung tutuusin eh kakaumpisa palang nila bilang magkaibigan, masyado naman syang assuming na aabot talaga sa ganon. "What are you worried about, Noam?" Biglang tanong ni Morgan na ikinalingon nya rito. Malamlam nanaman ang mga mata nitong nakatingin sa kanya kaya mas lalo syang kinabahan.  Right, ano ba kasing ipinag-aalala nya? Tsaka bakit sya kinakabahan? Nababaliw na yata sya, kailan lang naman nya nakilala si Noam pero kung makapag-isip sya tungkol dito eh para bang ang lalim-lalim na ng pinagsamahan nila. "P-parang hindi mo dapat ako maging crush o magustuhan, Morgan." Hindi napigilang saad nya. "Why?" "I..." Kinagat nya yung ibabang labi nya. "...I'm broken, Morgan." "Broken..." Pabulong na ulit ng babae sa sinabi nya. Tumango sya tsaka mapait na ngumiti. "Broken pride, broken dignity, broken soul... Alam mo yun? Yung tipong buhay pa ako pero sirang-sira na ako sa loob-loob ko." Saglit silang natahimik. Hindi na rin sya umasang sasagot si Morgan dahil ano bang pakielam nito sa kanya? Malamang ay naguguluhan na ito sa mga pinagsasabi nya, pero wala rin naman syang balak na magpaliwanag kung ano yung tinutukoy nya. Kaya naman nagulat sya nang kunin ni Morgan yung parehong kamay nya at mahigpit na hinawakan.  "Noam." Nang mag-angat sya ng tingin ay nakangiti ng pagkaliwa-liwanag si Morgan dahilan para malaglag yung panga nya, tinalo pa yung ganda ng ngiting kaya nyang ibigay at talaga namang mapapanganga ang kahit na sinong makakita. "Let me stay in your life." Anya. "Then I'll spend every minute of my life to fix everything that is shattered inside you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD