Chapter 8 (Cont. 1)

1922 Words
(Third Person's POV) HINDI na naalis yung tingin ni Morgan kay Noam na ngayo'y tahimik na kumakain. Bahagyang nakangiti ang lalaki habang mahinhin na ngumunguya, bawat kilos nito ay banayad na para bang maingat sa bawat galaw ng kamay. Halatang nag-e-enjoy sya sa kinakain dahil kanina pa sya nguya ng nguya, hindi naman napupuno yung bibig nya pero ang dami na nyang nakain, iilang pinggan nalang ang may lamang putahe pero mukhang kukulangin pa. Samantalang yung pasta sa pinggan ni Morgan hindi pa ubos, sabagay ay hindi naman talaga malakas kumain ang babae at isa pa ay mas nag-eenjoy syang panoorin ang kasama kumain ng marami. Wala kasi sa mukha nito na kayang umubos ng pagkain na pang-limang tao. Tumabingi yung ulo nya tsaka bumaba ang paningin sa katawan ng lalaki. "I'm surprised." Anya na ikinalingon ni Noam. "For a skinny guy like you, you sure eat a lot." He chuckled. "Sorry, ganito talaga ako." "Where does the food go after you eat them?" "Hindi ko rin alam." Nginuso nya yung pinggan ni Morgan. "Eh ikaw? Bakit ang konti mo kumain?" "Well, I only eat a little amount of food but I keep on eating from time to time instead of eating plenty on one sitting. It's my way of keeping my body feel lighter so that I could easily move in my work." Tumango-tango sya. "Ah, kung ganon required pala ang panay kilos sa trabaho mo." Ngumiti sya. "Ano nga palang work mo, Morgan?" Natigilan si Morgan at nag-isip kung anong palusot ang gagawin nya. She can't tell him that she's into illegal things like selling different types of firearms, dealing with several foreign syndicates, loan-sharking and annihilating people who are indebted to the organization where she belonged. Then her mother's voice suddenly echoed in her mind. "I just want to warn you, not all people can accept the type of life that we are currently living." She groaned and glanced at Noam whose looking at her with a bright smile plastered on his face. Ayaw nyang magsinungaling sa lalake but she don't want to scare him either. Nakita nya kung paano matakot ang lalake noong pangalawang pagkikita nila sa bar and she don't want to see him being afraid again, that's too cruel. "Morgan?" Morgan can see how Noam's eyes twinkle in hope, hinihintay nito yung isasagot nya kaya napapabuntong hininga nyang ibinaba yung tinidor at diretsong tumitig sa mga mata ng lalake. "I'm... a voluntary worker." Umawang ang mga labi ni Noam bago nauwi yon sa ngiting namamangha. "Talaga?" Ibinaba rin ng lalake ang kubyertos at interesadong umisod palapit lalo sa mesa. "Paanong voluntary? Parang social worker ba?" "Kinda." "Anong ginagawa mo sa trabaho?" "I'm too lazy to elaborate but to keep the long story short, I'm helping the people in need and I'm doing it in many ways. Voluntarily." Walang sablay nyang pagsisinungaling. Paniwalang-paniwala naman ang kausap na tumatango-tango pa, manghang-mangha sa narinig mula sa kanya. "Matulungin ka pala, Morgan." Mahinang natawa si Noam bago matigilan. "Teka, wala namang sinesweldo ang voluntary worker ah? Eh saan ka kumukuha ng sweldo? Kasi sabi mo dito ka madalas kumakain, eh overpriced yung mga pagkain dito tapos konti lang yung servings." Mahinang bulong nya para siguradong walang ibang makakarinig. 'Right. Wrong excuse.' Napangiwi sya. 'But Theo will surely get mad if he heard someone complaining about his dishes.'  Sambit nya sa isip nya. "I have my main job. I'm working under my sister's company, it's a security agency." 'Lies. Lies. Lies.' Gusto nyang pumalatak sa mga pinagsasabi nya. Nag-'aaah' si Noam tsaka tumango-tango. That makes everything sense, ngayon nauunawaan na nya. "How about you? Why did you chose to be a highschool teacher?" Pag-iiba nya ng usapan para hindi na magtanong si Noam tungkol sa kanya. Ayaw na nyang magsinungaling, nakakaramdam sya ng kakaiba eh. Ayun nanaman yung ngiti ng lalake na para bang kayang itaboy lahat ng masasamang elementong nakapaligid sa kanya, ito yata yung klase ng ngiti na tinutukoy ng daddy nya na kayang makapagpaalis ng maitim na ulap na laging nakapaligid sa kanya. Ang liwanag kasi. "Gusto ko kasing maging gabay sa mga bata, alam mo yun? Yung tipong tuturuan ko sila ng tama, kung makagawa man ng mali edi tuturuan ko silang itama yung maling nagawa nila." Itinukod nya ang dalawang siko sa mesa tsaka ipinatong ang baba sa magkabilang palad. "Natutuwa akong tulungan silang kilalanin ng husto ang mga sarili nila, bukod doon ay masaya ako kapag natutulungan ko silang resolbahin yung problema nila." "You like kids that much, huh?" "Oo naman. Gustong-gusto ko ang mga bata lalo na yung mga seven to ten years old, nakikita ko sa kanila yung sarili ko nung ganoong edad ko. Masayahin tsaka punong-puno ng energy, laro dito, laro doon. Walang ibang ginawa kundi ang magsaya." Sabay tawa. "Looks like you had an exciting childhood, I assume you had a great time living your adolescent years too." Nawala yung ngiti sa labi ni Noam at makailang beses kumurap na para bang may biglang may sumagi sa isip nya. Nag-iwas din ito ng tingin tsaka umayos ng upo, ngayon ay bahagya syang nakayuko habang nakatitig sa kamay na parehong magkasalikop habang nakapatong sa mga hita. Naguguluhan naman syang inobserbahan ni Morgan. Mukhang may mali syang nasabi base sa naging reaksyon ng kausap, naging kakaiba ang kilos non at may nababasa syang emosyon sa mukha nito na mas lalong nagpagulo sa isip nya. Takot—yan agad ang rumehistro sa mukha ng lalake matapos nyang magkomento tungkol sa kabataan neto at hindi sya tanga para hindi maisip yung posibilidad na hindi naging madali ang pinagdaanan neto. Kahit na ganon ay wala syang balak ungkatin yon sa ngayon. Tumikhim sya para kunin ang atensyon na Noam na tila nalulunod na sa malalim nitong pag-iisip, nagtagumpay naman sya matapos nitong mag-angat ng tingin. "A-ano ulit yon?" Sambit ni Noam habang lumulunok-lunok. Itinabingi nya ang ulo ng bahagya tsaka itinulak ang isang platito na naglalaman ng cake bilang dessert. "This is Theodore's original recipe of his special dessert. It's called original bittersweet caffe latte mini cake." Pag-iiba nya sa usapan. "A-ang haba naman ng pangalan." "He said he named it like that because of it's flavor. Basically, it tastes like the caffe latte type of coffee which is an espresso mixed with hot milk. The bittersweet taste will pleasure you accompanied by suffering." Kumunot yung noo ni Noam dala ng pagtataka. "Pleasure accompanied by suffering?" "It's deliciousness will pleasure you and make you suffer at the same time because of it's size. It's a mini cake and he didn't made it available in a regular size, therefore you need to order another one if you want to eat more." "Ah, makes sense." Ginamit nya ang kutsarita para tumikim ng kapiraso. Ilang segundo lang ay nagliwanag ang mukha nito tsaka masayang bumaling kay Morgan. "A-ang sarap!" Tinulak nya yung dessert na para sa kanya patungo sa lalake. "Here. Eat well, Noam." Tahimik nyang pinanood si Noam na kumain nung mini cake, tulad kanina ay maliliit lang ang subo neto. Sarap na sarap ito sa pagkain nung cake na hindi na napansin yung konting icing na napunta sa gilid ng labi nya—pero si Morgan, pansin na pansin yon. "Noam." Nilingon sya nito kaya sumenyas si Morgan at itinuro ang sariling labi. Kumurap muna si Noam bago kukuha ng kapirasong cake at iniumang ang kutsarita kay Morgan sa pag-aakalang nagpapasubo ito. "Heto, masarap to Morgan, tikman mo." Saglit na dumako yung paningin ni Morgan sa kutsarita bago sya tumayo mula sa kinauupuan at yumuko kay Noam. Ang sunod nyang ginawa ay talaga namang nakapagpagulat sa lalake. Itinukod nya ang kaliwang kamay sa mesa habang ang kanan naman ang sumapo sa batok ni Noam tsaka iyon hinila palapit sa mukha nya, kasabay ng pagpikit nya ay ang pagdampi ng labi nya sa gilid ng sariling labi neto. Dinilaan nya yung icing na naroon at tumagal ng mahigit limang segundo yung mga labi nya bago tuluyang lumayo mula sa pagkakadampi sa pisngi ni Noam. "Yeah." Pinahid ni Morgan ang sariling labi gamit ang hintuturo habang hindi inaalis ang tingin kay Noam. "You taste good." Bumalik sya sa pagkakaupo na parang walang nangyare tsaka naglabas ng stick ng yosi para sindihan. Tila tuod naman si Noam sa sariling upuan dahil hindi na sya makagalaw dala ng pagkabigla at kahihiyan kasabay ng pag-iinit at pagpula ng mukha nya. Naumid yung dila nya dahil sa hindi inaasahang ginawa ng babae. Kung alam nya lang na sa bawat araw na lilipas  ay marami pang gagawin si Morgan na talaga namang hindi nya inaasahan. *** "YOU live here?" Tanong ni Morgan pagkapatay ng makina ng motor. Tanging sa poste ng mga ilaw nalang nagmumula yung liwanag sa dilim ng gabi, bukod doon yung liwanag na ibinibigay ng buwan at yung kumukurap-kurap na ilaw sa bawat floor ng apartment na tinutuluyan ni Noam. Dumadampi sa balat  nya yung malamig na simoy ng hangin at ang tanging ingay na naririnig nila ay ang pagkikiskisan ng nga dahon mula sa puno na nasa paligid at iilang kuliglig. Hinubad ni Noam ang helmet bago tumango, ganon rin ang ginawa ni Morgan. Itinuro nya yung second floor ng apartment kung saan sya tumutuloy. "Sa second floor ako, yung dulong pinto sa kaliwa yung kwarto ko." "It looks cheap." Suminghap sya tsaka pinandilatan ang babae. "Grabe ka naman, ganyan lang itsura nyan pero maayos at matibay naman kahit papano yung apartment ko." "Still cheap." Kibit balikat ni Morgan. Inilingan nalang sya ni Noam. Isinauli nya yung helmet tsaka inayos ang sarili bago muling hinarap ang babae ng may ngiti sa labi. "Salamat sa libreng dinner, Morgan. Nag-enjoy ako." "Hmn. I can see that." Namulsa sya. "I'm looking forward on your treat." "Wag kang mag-alala, akong bahala sa dinner natin next time." Tumango lang si Morgan tsaka akmang isusuot na ang helmet pabalik nang pigilan sya ni Noam kaya taka nya itong tiningnan. "A-ano... Uuwi ka na?" "Yeah." "Pwede kang tumuloy saglit sa tinutuluyan ko, ipagtitimpla kita ng kape." Nahihiya nyang saad, hinawi pa ang bangs patungo sa likod ng tenga habang namumula ang pisngi. Napapantastikuhan syang pinakatitigan ni Morgan bago umangat yung sulok ng labi nya, bahagya syang lumapit sa lalake tsaka humawak likod ng ulo neto at marahang hinila para dampian ng halik sa noo. Nang humiwalay ay mahina syang natawa sa itsura ni Noam. Pulang-pula nanaman ang mukha neto at tulad kanina ay para bang bigla itong nagyelo sa kinapu-pwestuhan dahil hindi na sya gumagalaw. Nanatili ring nanlalaki yung mata neto, parang hindi na rin humihinga dahil nakaawang nalang ang mga labi nya. Humaplos yung kamay nya sa pisngi neto hanggang sa bumaba iyon sa baba at dinama yung ibabang labi ni Noam gamit ang hinlalaki. "Get inside, Noam." Bulong nya tsaka marahang isinara ang bibig ng lalake mula sa pagkakabuka. "I'll watch you from here before I take my leave." Tila sunod-sunurang tumango si Noam, lutang sa mga nangyayare dala ng gulat. Maya-maya pa'y aligaga itong naglakad palayo patungo sa apartment building nya, si Morgan naman ay seryosong nakamasid. Gaya nga ng sinabi nya ay pinanood nyang maka-akyat si Noam sa kwarto neto, nang makarating doon ay kinawayan sya ng lalake bago tuluyang pumasok sa loob. Nang masigurong nakauwi na ito ng maayos ay bumaling sya sa magkabilang direksyon, hinahanap yung presensya ng kung sino mang nagtatago mula sa dilim na kanina pa nagmamasid sa kanila. Matapos ang ilang segundo ay isinuot na rin nya ang sariling helmet tsaka ini-start ang motor at pinaharurot ito paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD