Prologue

743 Words
Cruel "Ma pwede po ba 'kong magpakulay ng buhok?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin. Hindi mawala sa isip ko ang nakita sa internet na babaeng kulay bublegum ang buhok. It looks beautiful and satisfying to see. Gusto ko rin nun. Nakita ko sa repleksyon na tumayo si Mama sa likod at ngayo'y papalapit na sa akin. "Sure, baby girl! Why not?" sabi niya at hinawakan ako sa magkabilang braso. "I'm sure it would look good on you!" masayang dagdag niya habang malaki ang ngiti sakin sa salamin. I was 14 years old that time. Kulay blue ang kauna-unahang ipinakulay ko sa buhok. Mom and Dad even went to the salon with me since it was a Sunday. I was so happy at how it turned out. It made me feel more beautiful and confident about myself. Ilang beses pa kong nagpakulay ng buhok bago ako na-inlove sa mixture ng blonde and green. It instantly became my favorite at iyon na ang laging kulay ng buhok ko. My parents have always been supportive of me. I think it helps that I'm an only child. Para sa kanila ay ayos lang gawin ko ang kahit anong gusto ko basta't wala akong tinatapakang tao. Sinisiguro rin nila na hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko. Pinalaki nila akong may takot sa Diyos at alam ang tama sa mali. I was 16 when I asked them if I can get an ear-piercing. They told me it was fine. Pero biglang may naisip si Papa at nagpahabol na saka na raw kapag naka-95 ako sa Math. It's almost just like saying yes without conditions since they know I always do good in school. And so I got pierced right after the release of our grades. I liked it very much that I immediately forgot about the pain it made me feel. On my 17th birthday, we went to a tattoo shop instead of throwing a party because it was what I asked for. Pinilit pa ko nila Mommy na magkaroon pa rin ng pagdiriwang pero sabi ko ay sapat na iyon. Hindi naman kailangang palaging may handa pag-birthday. I got a minimalist tattoo on my wrist and it looks super cool and cute. I almost just stared at it the whole day. My family were also very supportive when it comes to my hobbies. They even provided a crafts room for me because of my love for the arts. Niregaluhan din ako ni Papa ng bola na pang-basketball dahil napansin niyang mahilig ako rito. But it was when we were about to graduate in junior high when I noticed how things are slowly changing. Ang mga malalapit sa akin ay unti-unting naglaho. "Ang dami mo kasing lalaking kaibigan eh. Ayaw namin sa malandi," sabi ni Maevie at agad nila akong nilampasan habang mahigpit ang kapit sa mga libro. Napanganga ako sa sinabi niya habang sinusundan sila ng tingin na papasok sa library. Dahil sa sinabi nila ay hindi muna ako masyadong pumunta sa court ng subdivision namin para maiwasan ang mga lalaking kaibigan. Ngunit matapos ang ilang araw at muli kong sinubukang tumabi kina Maevie sa study area ay umalis pa rin sila na parang nandidiri sa akin. Dala ng pinaghalong lungkot at sama ng loob kinahapunan ay napagdesisyonan kong puntahan na lang sa bahay nila si Briggs para ayaing mag-basketball. Ang mommy niya na unang beses kong nakita ang sumalubong sa akin. Nagtaas ito ng kilay. "Good afternoon po! Nandyan po ba si Briggs?" magalang na tanong ko atsaka ngumiti. Nakita ko ang pagpasada niya ng tingin sakin mula ulo hanggang paa bago sumagot. "Wala siya. Umalis." sagot niya atsaka mabilis na tumalikod para bagsakan ako ng gate. Natulala pa ko sa harap nun bago makabawi. Hindi pa man ako nakakahakbang ay narinig ko ang boses ni Briggs mula sa loob. "Mommy may naghanap ba sakin? Baka si Lia na yun!" "Sshh! Ayaw kong nakikipagkita ka pa ron! Mukhang p****k at walang maidudulot na mabuti! Kababaeng tao!" Iyon ang unang beses kong nakatanggap ng ganung salita ngunit hindi iyon ang huli. "Hoy ikaw! Nag-cheat ka 'no? Bat ang taas mo sa exam? Umamin ka na! Mandaraya!" Ilang pangkukutya pa ang natanggap ko hanggang halos maging normal na sa pandinig ko ang paulit-ulit na panghuhusga nila sa akin. It was that very day when I became conscious of the slightest changes in my surroundings. Ang simula ng pagka-ilang sa mga mapanuring tingin ng mga tao sa paligid. Ang mga bulong na halos magdamag gumulo sa isip. Ang paglayo ng mga dating akala ko'y malapit sa akin. It was that very day when I finally realized how cruel this world can be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD