Prologue

1336 Words
Chase' POV "Chase and Chasper, remember what I told you; behave." Bumuntong hininga ako't tumalikod kay dad para i-mock ang pagmumukha niya. Nakakainis! Nakakaasar! Nakakapikon! Basta lahat ng nakakaumay na pakiramdam, dumadaloy sa dugo ko. Dumating na ang takdang panahon na ipapakilala sa 'min ni dad ang bago niyang kasintahan. Bwiset. Ang hirap tanggapin. Paano siya naka-move on nang gano'n-gano'n lang samantalang four years pa lang ang nakalipas noong namatay si mom. Diba kapag mahal mo ang isang tao, hindi ganoon kadali na ipagpalit siya lalo na kung siya ang great love mo. Ay ewan! Wala naman akong alam sa lintek na love na iyan. "Samora is a nice woman. Be good to her. Wag ninyong ipapakita ang pilyo ninyong ugali sa kanya, for Christ's sake." Paulit-ulit si dad habang hinihintay namin ang pagdating ng kasintahan niya sa labas ng bahay. Nakakainip! Nangalay na 'ko kakatayo. "Yes dad. You said that many times already," ani ng bunso kong kapatid na si Chasper. Napapasimangot na lang ako. Si Chasper naman ay panay oo lang kasi kay dad. Minsan sumasagot siya pero kapag sumigaw na ang butihin naming ama, bumabaluktot na siya na parang bulateng duwag. "Does she really have to live here, dad?" Busangot kong tanong. Badtrip kasi, tatanggapin ko na sanang may pinalit siya kay mom pero bakit naman kailangan tumira pa rito sa mansyon? Ayokong may makasamang iba sa bahay namin. Hindi ko kayang palitan ang nanay ko nang gano'n-gano'n lang. "We've been through this, Chase. Look, I still love your mom but she's not here anymore. Samora made me feel alive again, special. Pwede bang tanggapin ninyo na lang din siya sa buhay ninyo? We're starting over again but that doesn't necessarily mean we're forgetting your mom. She's still in my heart, boys." Tumirik ang mata ko. "I'm asking if she really have to live here? I mean pwede ka namang magmahal ng iba pero kailangan talaga titira rito?" "Watch your words, Chase." Dumilim ang pagmumukha ni dad. "Don't talk to me like that in front of her and yes, she really have to live here. Accept it or not, she's your second mom now." Niyukom ko ang kamao at doon na lang binuhos ang gigil. Nagmura ako sa hangin at halos mawala ang itim sa mga mata sa sobrang inis. Second mom. I snorted. Bahala siya sa buhay niya! Kung tama man ang hinala ko, baka ginagamit lang siya nung babae niya. Hindi ako makapaniwalang hahanap na lang siya ng ipapalit kay mommy, secretary niya pa talaga. Maaaring pineperahan lang siya niyon. Hindi na ako magugulat kung isang araw ay layasan siya ng babae kapag nakuha na ang lahat ng luho nito. "By the way, she has a daughter so--" "What?!" Halos lumuwa ang mga mata ko sa gigil. "Magkakaroon din kami ng bagong kapatid?" dugtong ni Chasper. Ginulo ko ang buhok ko sa inis; no f*****g way! Magkakaroon pa 'ko ng kahati sa mga luho. Damnit! Dagdag pa sa budget namin. Sabi na nga ba eh, baka pineperahan lang si daddy. "Yes and I want you to be nice to her as we'll. She's almost at your age, Chase." "I don't care." Pumamulsa ako't tinago ang mga kamay kong nanggagalaiti. Umay talaga! May extra pang makakasama sa bahay. Ayoko pa naman ng magulo sa pamilya. May tumawag kay dad kaya lumayo muna siya sa 'min para sagutin iyong caller. Siniko ko si Chasper. "Why are you so chill about this? Okay lang sa 'yo na papalitan na ni dad si mom?" "Wala naman tayong choice, kuya eh." "Pucha tumutol ka rin kasi!" Binatukan ko siya. "Hindi niya naman tayo papakinggan, kuya lalo na ako. Bahala na. Sabi naman ni dad, mahal niya pa rin si mom." "Tanga! Tingin mo kung mahal niya pa rin ang mommy natin, magkakagusto siya sa iba?" Napailing-iling na lang ako. "Di ko alam. Wala naman akong alam sa ganyan. Nagmahal ka na ba para malaman mo?" Binatukan ko ulit siya. Ang hirap namang kausap ng sixteen years old. Di ko mawari kung inosente ba siya o nanggagago lang eh. Sakto pa namang kamukha ko siya, hindi man lang nakuha ang way of thinking ko. "Mamaya ginawa lang pala siyang sugar daddy ng secretary niyang iyon." Para kong sinasaksak ng kutsilyo si dad habang nakatalikod siya sa 'min, may kausap pa rin sa phone. "Sugar daddy? Iyong mga nanghihingi ng pera sa boyfriend nila?" "Basta! Oo gano'n. Baka mamaya pera lang ang habol nung babae sa pamilya natin." "Marami naman tayong pera." Nagkibit balikat siya. "Hindi tayo mauubusan." Binatukan ko siya. "Ewan ko sa 'yo, ugok ka talaga." Tinignan ko ang asul na langit. "Sana kasi nandito pa rin si mom. Ba't ba binawi siya agad mula sa 'tin." "Oo nga eh. Sana nga nandito pa rin si mommy, mas masaya kung nandito siya. Miss ko na siya." Tumingala rin si Chasper. "O'diba! Mas gusto mo rin si mom kaysa sa magiging stepmom natin. Ah basta, hindi ko alam kung paano iyon tatanggapin." Napatingin kami sa kotseng pumasok sa loob ng garahe. Finally, nakabalik na ang driver na inutusan ni dad na sumundo sa girlfriend kuno niya. Tumulis ang tingin ko na parang kutsilyo. Na sa loob pa lang ng sasakyan ang kung sino man, hindi na agad maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko sila vibes. Bumalik sa gilid ko si dad. Inayos niya ang tindig niya saka pa-cute na ngumiti. Pucha, kunwari pang mabait. Madalas namang umuusok ang ulo. Goodluck na lang talaga at sana'y hindi manggagamit ang inuwi niya rito. Nang naparada ng maayos ang sasakyan, lumabas mula ro'n ang isang magandang babae na siguro'y mga na sa thirties ang edad, forty na si dad. Sabi na nga ba'y sugar daddy ang dating niya lalo't secretary niya pa noon iyong babae. Mas maganda pa rin si mom; mas magaling pumorma kaysa sa suot nung kasintahan niya na mukhang pa-sext lang. Naka-pencil skirt at fitted na button down polo, parang papasok lang ng opisina ah. Sinalubong agad siya ni dad, nagyakapan sila saka naghalikan. Nangasim ang mukha ko, napatingin ako kay Chasper na napaiwas din ng tingin. "Kadiri," bulong ko. Hinawakan ni dad ang kamay nung babae saka sila lumapit sa amin. "Chasper, Chase..." Nagbabantang tingin ang binato sa 'kin ni dad. "This is Samora and from now on, you're gonna call her mom." Gusto kong masuka sa sinabi ni dad. "Hello po, I'm Chasper." Naglahad ng kamay si Chasper. Gusto ko ngang paluin ang kamay niya, mabuti't nakapagpigil ako. "Hi Chasper..." Tinignan ako nung babae. "Chase," simpleng pagpapakilala ko, hindi pinansin ang kamay niyang nakalahad. Dad cleared his throat. Lalong sumama ang tingin niya sa 'kin pero binaling ko lang ang paningin sa kawalan. "Don't mind him," ani dad. "Ganyan talaga si Chase minsan." The woman smiled. "No worries." Lumingon siya sa kotse at ilang sandali'y bumukas ang pinto roon, napatingin agad ako sa makinis na hita ng dalagang bumaba sa sasakyan. Nang maglakad iyon palapit sa 'min ay unti-unting nag-angat ang tingin ko mula sa makurba niyang baiwang at malamang dibdib; katawan ng isang perpektong dalaga. Nang tuluyan siyang makalapit, saktong nagtama ang mga mata namin. Pumintig ang alaga kong nagpapahinga sa pagitan ng hita ko at halos magwala ang dibdib ko habang ineeksamina ang mukha ng binibini. Ang mga mata niyang gulat ay tila nagpatindig sa balahibo ko, ang matangos niyang ilong ay sobrang pamilyar at ang labi niyang mamula-mula, oh f**k! Napalunok ako nang maalala ang mamasa-masang labi na iyon. f**k this s**t, may nag-uudyok sa 'king halikan siya; I looked away. Hindi tama 'to, parang na sa panaginip na naman ata ako. "Ito nga pala ang anak ko, Chasper, Chase... meet Shydes." Lalong bumilis ang pintig ng dibdib ko, sumikip din ang pants ko nang maalala ang gabi ng kaligayahan ko; oh damn! "Shydes is your new sister. Treat her nicely." Napalunok na naman ako. Putangina! This is not a f*****g dream. The woman I had one night stand with a few days ago is now my stepsister? What an actual s**t!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD