CHAPTER 3

1040 Words
Nasa isang grocery ang magkaibigang Micon at Sophie,naabusan na kasi sila ng stock sa apartment nila. Magkasama silang dalawa sa isang unit share sila sa lahat ng bayarin para makatipit tipid.Ang pamilya ni Micon ay naninirahan na sa probinsya simula ng mawala ang kanilang ama.Pinapadalhan na lang nya ang mga ito kada sasahod siya. "Balita ko darating daw ang gf ni Sir Giane?tanong ni Sophie sa kaibigan. "Paano mo nalaman yan?wala namang binabanggit si Sir Migs ah?ani Micon habang abala sa pagbisisi sa product na kukunin. "Ikaw pa mawalan ng info?Close ka nga kay Sir Migs" Migs for short ng Miguel ang ama ni Giane.Hindi lang naman ito kay Micon close mabait talaga ito sa mga empleyado nito. "Hmmm....wala kong alam sa bagay na yan at wala ring nabanggit sa kin si Sir Migs. "Ah basta yun ang nalaman sa chikahan ng mga kasamahan natin sa office."How sad naman may biglang darating na kontrabida sa buhay mo". anito sa kaibigan. Napahinto si Micon na hawak pa ang isang brand ng product na kanyang tinitingnan. "What do you mean?sa buhay ko?naguluhang tanong nito. "Hmmm....friend mo ko girl para di ka mahalatang type mo si Sir Giane noh!deadma pa to! "But its hurt naman dapat di na nya papuntahin ang babaeng yon kung sino man siya.Balita ko nga isa rin siyang model walang tigil na balita ni Sophie kay Micon. Namula ang mukha ni Micon pero deadma na lang ang kaibigan,madaldal kasi ito baka makarating sa binata na may gusto siya,naku pagnagkataon lagot siya. "O bakit di ka na kumibo dyan?totoo noh,itatago pa halata naman."biro nya dito. "Hindi noh!At care ko ba kung dumating ang girlfriend nya. Buhay nya yun mapipigil mo ba siya?" ani Micon na tinalikuran ang kaibigan. "Eh bakit mukhang masama loob mo?usisa ng kaibigan na pinameywangan siya. "tseeh manahimik ka na lang."baka gutom lang yan,kung anu -ano ng napapansin mo eh. "Ay tama ka girl gutom na nga ako treat mo ko ha anito na na yumakap kay Micon. "Oo na manahimik ka lang..... "Hmmmmpp.....ayaw mo lang mabuking noh!Hirit pa rin ni Sophie. Kinausap si Micon ni Miguel Monteverde ng masinsininan.Hindi nya malaman kung anong iisipin ng mga sandaling yon. Bakit siya pa ang naisipan ng matanda?Sa dinami dami ng babae ay bakit siya pa?naguluhan siya,hindi kaya naniningil na ito sa mga tulong na naibigay sa kanila ng kanyang pamilya?Hindi naman nya maisip na gagawin ito ng matanda.Mabait ang pagkakakilala niya dito. "Gusto kong pag isipan mong mabuti ang bagay na yan Micon.Ayokong isipin mo na sinasamantala ko ang pagkakataon at ang isang tulad mo but you know what hija I like you very much." Hindi siya makapagsalita ng mga oras na yon.Na shock pa ata siya sa mga binibitiwan nitong pangungusap. "Alam kong mabait kang anak at gagawin mo ang lahat alang alang sa yong pamilya.Lalo na ngayong nag aaral sa college ang isa mong kapatid.At malaki rin ang naitulong ko sa ama mo nung nabubuhay pa siya."patuloy nito na seryosong seryoso. Hindi siya nagkamali ng hinala.Ang hinihingi nitong kabayaran sa lahat ng tulong nito sa pamilya nito ay siya.Ang magpakasal sa isang katulad nito. Nayanig ang mundo nya ng klaruhin nito ang tinutumbok ng kanilang pag uusap. "Gusto kong pag isipan mong mabuti.Im serious kung sa tingin mo ay nagbibiro ako.And please stop calling me Sir,Just Migs is okay..Hindi sa pinapangunahan kita but I think positive na papayag ka.Remember may utang na loob ang pamilya mo sa kin ito na ang pagkakataon mong mabayaran yon. Shock ang makikita sa mukha ni Micon ng iwan ng kanilang Boss. Hindi nya maisip na ang ugali nitong mabait na pinapakita sa kanila ay pagpapanggap lang. Paano nya pakakasalan ang isang tulad nito?Bukod sa mas may edad pa ito sa kanyang ina.Paano na lang ang nararamdaman nya para sa anak nitong itinatago nya. Mas pangarap niyang mahalin ang nagiisang anak nito.Paano kung tanggapin niya dahil wala siyang chooice?Ano na lang sasabihin at iisipin ni Giane sa kanya?Oh my god help me"usal niya. O bakit ganyan itsura mo?mukha kang nalugi ah"puna ni Sophie kay Micon. Buti na lang at wala silang pasok kinabukasan. "Dont tell me nanghihingi na naman ng pera ang nanay mo sa probinsya? "Haist.....problema nga naman...nung isang araw tumawag ang kanyang ina Nalaman nilang ang kapirasong lupa na kinatatayuan ng bahay nila ay naisanla pala ng kanyang ama kay Mr.Monteverde.Wala silang kaalam alam sa bagay na yon.Isa pang problema ang pambayad sa eskwelahan ng kanyang nag iisang kapatid. Nakapagpadala naman siya sa kapatid nung nakaraan lang pero nagastos pala nila ang pera.Kung di pa nya napilit ang kapatid kung bakit hindi naibayad sa matrikula nito ang pinadala nya ay wala sana itong balak na umamin. Inilihim pa sa kanya ang pagkakasakit ng ina sa kanya. Gustuhin man nyang magalit sa mga ito hindi nya magawa.Mahal nya ang pamilya nya.At walang ibang tutulong sa mga ito kundi siyang nakakatandang kapatid. "Kumusta naman ang nanay mo?tanong ni Sophie sa kaibigan. "Ayun ok na naman daw"nakalabas na sa Ospital at nagpapagaling na." "Eh ano bang nangyari?tanong ni Sophie. "Muntikan na daw mapulmonya buti na lang naagapan.Naglalaba pala.Nahihiya na daw sa kin sila na manghingi. "Alam mo naman ang nanay kong yon",hindi naman kaya kailangang gawin yon. "Kahit na ano gagawin ko para matulungan sila. "Ok na naman pala ang nanay mo eh bakit ganyan itsura mo parang pasan mo ang mundo? "Hayssss....di ko alam naguguluhan ako....aniya. "Wait a minute kung ang problema mo yong lupang nakasanla kay Sir Migs eh mapapakiusapan naman yun.Makiusap ka na hulog hulugan mo yung bayad maiintindihan ka naman nya.At mabait naman yong tao baka madaan sa magandang usapan naman." "Haist sana ganun lang kadali ang lahat.Sana nga madadaan sa ganuang pakiusap pero hindi eh."napabuntung hininga siya. "What do you mean?"naguguluhang tanong ni Sophie sa kaibigan. "He ask me to marry Sir Migs kapalit ng mga nagawa niyng tulong sa family at maibabalik niya sa min ang titulo ng lupa namin ng walang kahit isang kusing na babayaran." "What the f*ck!!napamura ito sa narinig. Bes yang bibig mo ha!ani Micon sa napamurang kaibigan.. "Oppss sorry bes!Nabigla lang ako hindi ko akalain lahat ng tulong ni Sir Migs sayo may kapalit at nakakashock ha...ikaw magpapakadal sa kanya?I cant believe it."anito sa naguguluhang si Micon. Pero ito bes ha kung magiging praktikal ka at tatanggapin mo offer ni Sir Migs sa yo hindi mo na problemahin ang pag tubos sa lupa niyo na alam natin na tumutubo yon sa bangko habang nakadanla.At kung iisipin mo rin pamilya mo bes malaking tulong rin yon para sa kanila para kang nabunutan ng tinik."payo ni Sophie sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD