Chapter XV *** HINDI KO ALAM kung anong tumatakbo sa isipan nitong si Ryuu ngayon. Hindi ko rin alam kung anong ideya ang pumasok sa maliit niyang utak para sabihin sa akin ang mga salitang ‘yon kahit alam niyang may makakarinig na iba. Noong ipakasal kaming dalawa ni Ryuu, sinabi sa akin ni daddy na dapat ay alam ng mga tao lalo na ang mga fans niya tungkol sa aming dalawa para maiwasan ang scandal at para na rin malaman ng lahat na kasal na siya. Pero tumutol ako sa ideyang ‘yon dahil sa oras na pumayag ako, alam kong ipagkakait ko sa aking sarili ang simpleng buhay na gusto ko. I hate being the center of attraction. I hate it when people talked behind my back. Ayokong gerahin ako ng mga tao sa tuwing may nadadawit si Ryuu sa mga issues na pilit nilang pinapalaki. Hangga’t maaari,