CHAPTER 2

1699 Words
“Awww!” malakas na mura ni Kelvin nang bumagsak siya sa sahig kasabay ng pagkadismaya. Agad siyang bumangon at na-iiling na tinungo ang pinto ng banyo. Bwesit na bwesit na naman siya sa partikular na panaginip na palagi na lang siyang dinadalaw nitong mga nakaraang linggo. Hindi na niya nagugustohan ang nangyayari, buti sana kung sinong babae lang ang laman ng panaginip niyang iyon, At mabuti sana kung normal na panaginip lang din iyon. Ang kaso, hindi, hindi normal na panaginip, at hindi rin kung sinong babae lang ang laman niyon dahil walang iba iyon kundi ang bukod tanging babae na malayang nakakalabas-pasok sa silid niya at bahay nila maliban sa kanyang ina. Si Lena! Si Lena na kasama niya simula pa man musmos siya hanggang mag-college na sila. Si Lena na kababata at para na niyang kapatid. Si Lena na... “s**t!” malakas na mura niya habang hindi magkandatuto sa pagtaas muli ng zipper ng pantalon niyang binuksan niya sa tapat mismo ng toilet bowl. “Ano b’ang ginagawa mo rito, Lena? Para kang kaluluwa bigla-bigla ka na lang sumusulpot,” inis na saad niya nang magkumahog siya palabas ng banyo. “Ang hard mo sa’kin ha, kaluluwa talaga? Sa ganda kong to,” nakasimangot na saad nito habang nagpa-pagpag ng basang kamay sa lababo. Hindi pa ito nakuntento dahil nang matapat ito sa kanya ay ang t-shirt naman niya ang pinagdiskitahan nitong gawing pamunas. “Magdalena Tuazon!” mariing banggit niya sa buong pangalan nito. At ang pang-asar nitong ngiti kanina ay napalitan ng nagbabantang tingin. “Hoy Kelvin De Dios, sinong nagbigay sayo ng karapatang tawagin ako sa pangalang ‘yan?” Alam niyang sa puntong iyon ay panalo na siya. Madali lang kasing mapikon ang dalaga kapag buong pangalan na nito ang pang-asar na depensa niya. “At sino rin ang nagbigay ng karapatan sayo na gawing basahan ang damit ko? Balenciaga to, baka akala mo,” sikmat niya sa nakangusong dalaga. “Ang aga-aga nandito ka sa bahay. Bakit wala na naman bang pagkain sa inyo?” “May tama ka!” agad nitong tugon. Nawala bigla ang nakasimangot nitong mukha at napalitan ng mala-siraulo na naman nitong awra. Sanay na sanay na siya sa topak ng dalaga. At sanay na rin siya na nakiki-almusal ito sa kanila kaya ganito ito ka-aga. Wala namang kaso roon dahil halos isang bloke lang naman ang layo ng bahay nila mula sa bahay ng mga ito. At sanay na sanay na siya na bigla na lang sumusulpot si Lena sa kung saan-saang parte ng bahay nila Minsan nga ay nagigising pa siya na nasa kama niya ito at nakahilata na akala mo ay pag-aari nito iyon. Wala namang problema noon, pero ngayon hindi na niya ikinatutuwa na palaging nasa kwarto niya si Lena. Lalo na nitong mga nakaraang linggo, nang mag-umpisa ang mga panaginip niyang weird. Hindi na rin siya kumportable na nagdi-didikit ito sa kanya. At hindi niya alam sa sarili niya kung paano niya iyon sosulusyonan. Lena is the only woman he’s comportable with, minsan nga mas alam pa nito ang nangyayari sa buhay niya kaysa sa sarili niyang ina. At natatakot siya na magbago ang lahat ng nakasanayan nila nang dahil lang sa mga walang kwenta niyang panaginip. Kung wala nga ba talagang kwenta ang mga iyon. Hindi niya maipaliwanag sa sarili kung wala nga bang kwenta ang mga bagay na pinananabikan niya sa tuwing matutulog siya. “Bwesit,” wala sa sariling sambit niya dahil sa ideyang pumasok sa isip. “Grabe ka sa’kin Pards, ah! Para kang others, para makiki-kain lang e.” maktol nito sa pag-aakalang para rito ang sinabi niya. “Baliw! Walang akong sinabi ha, tigilan mo ‘yang pagka-retarded mo hindi na uubra sakin ‘yan.” “Talaga lang ha?” anito na sinabayan pa ng pagyakap sa beywang niya, dahilan nang bahagyang pagtigil ng kanyang paghinga. “Lena... ano ba?” “Bumaba na kayong dalawa r’yan. Nakahanda na ang almusal dito sa lamesa.” Dinig niya ang pagtawag ng kanyang ina mula sa kusina. Hindi na siya nagsalita pa bagkus ay binaklas na lang niya ang nakabuhol na braso nito sa kanyang katawan. “Hmmp! Akala mo naman talaga ang yummy,” saad nito bago siya talikuran at padabog na nagmartsa palabas ng kanyang silid. Wala sa loob na napabuntong-hininga na lang siya sa inasal ng dalaga. Ganoon kasi palagi si Lena sa kanya, yayakap, kakalong at papasan na akala mo ay mga bata pa rin sila hanggang ngayon. Minsan nga ay gusto niya itong tapatin at pagsabihan na hindi na dapat ganon dahil hindi naman na nga sila mga bata. Hindi lang niya magawa dahil alam niyang pagtatawanan at tukso lang ang aabuin niya sa siraulong kababata at bestfriend niya. Kaya naman isang malaking pagsubok para sa kanya ang nangyayari sa kanya ngayon dahil mukhang siya lang naman ang apektado. Mukha namang normal pa rin kay Lena ang lahat, bagay na ikinalulungkot din niya minsan. Isa lang kasi ang ibig sabahin noon, iyon ay ang hindi niya maaaring tawirin ang pagkakaibigang nakapagitan sa kanila nang dahil lang sa mga bagay na nararamdaman at nasa isip niya. Masyadong mahalaga para sa kanya ang pinagsamahan nilang dalawa ng dalaga. At hindi niya hahayan na masira iyon nang dahil sa isang pagkakamali. Kung malalaman lang nito kung anong laman ng mga panaginip niya gabi-gabi. Magawa pa kaya siyang yakapin o tingnan man lang nito sa mata. “Hoy, akin na lang ‘tong hotdog mo, ha? Mukhang wala ka naman sa mood kumain e, ” paalam nito pagkatapos tinidurin ang hotdog sa plato niya. Naiiling na lang niya itong tiningnan. Wala talaga itong kamalay-malay sa mga mahahalay na tagpo sa utak niya. Napalunok na lang siya ng wala sa oras habang sumisimsim ng kape. “May sakit ka ba, Pards?” Nag-angat siya ng tingin sa tanong nito. “Bakit?” sa halip na sagutin ay tanong din ang ibinato niya rito. “Wala naman, ang suplado mo lang lately. Napansin ko lang,” seryosong saad nito. “Baka may problema sa love-life,” biglang singit ng kanyang ina na hindi niya alam kung saang bahagi ba ng bahay galing. Kung hindi pa niya napansin ang bitbit nitong ulam ay wala siyang ideya sa pagsulpot nito. “May love life ka?” Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang biglang pagbabago sa tono ng boses ng dalaga. Agad siyang nag-angat ng ulo at sinalubong siya ng matalim nitong tingin, kasama na ang kilay nitong halos umabot na sa kisame ng bahay nila ang taas. “Luma-love life ka?” ulit pa nito na sinabayan ng pagtayo. Nakapatong ang dalawang kamay nito sa lamesa habang nakaharap sa kanya. “Umayos ka! Hindi ako natutuwa sayo, Kelvin De Dios!” may pagbabanta sa tono nito, pagkatapos ay pabagsak na naupo ulit at hinarap ang pagkain. Napatanga na lang siya sa hindi inaasahang reaction ni Lena. Hindi na siya nakapagsalita pa sa tinuran nito dahil nasa harap na niya ang kanyang ina na naglalagay sa plato ng sariling pagkain. Hindi niya maintindihan ang trip na naman ni Lena at bigla-bigla nagsasalita ng wala sa hulog. Ano naman ngayon kung lumablayp siya? Binata naman siya . Single and he think he is available. Muli niyang sinipat ang dalaga na abala na ulit sa pagkain, at nang mapansin nito na nakatingin siya ay bigla na lang itong umingos. Pati ang mga mata nito ay umikot pa pa-itaas . Napaismid na lang din siya sa ikinikilos ni Lena, wala siyang ideya minsan sa mga trip nito sa buhay. Madalas naman talagang topakin at daanan ng kabaliwan ang babaeng ito kaya wala ng bago sa ikinikilos nito ngayon. “Uuwi na po ako, Tita Janet! Nawalan na po ako ng gana,” paalam nito sa kanyang ina. Pagkatapos ay deretsong tumayo at walang lingon-likod na lumabas. “Wow! Nawalan ka pa ng gana n’yan? Hiyang-hiya naman ‘yung ulam namin na inubos mo,” pang-aasar niya. Pambawi sa tensyon na hindi niya alam kung bakit bigla niyang naramdaman. “Lampake!” Nabitin sa ere ang kutsarang dapat sana ay isusubo niya nang marinig iyon. Ni hindi niya namalayan na nakanganga rin pala siya nang sundan ito ng tingin palabas. Inisip niyang babalik din naman ito paglipas ng ilang minuto, kaya naman nang hindi mangyari ang inaasahan na niya ay wala siyang nagawa kundi ang magkamot ng ulo at sundan ang dalaga. Nasa tapat na ito ng gate nila ng abutan niya ito. “Hoy Lena, problema mo?” tawag at tanong niya rito pero hindi man lang siya nito nakuhang lingunin. “Aba tingnan mo to, hoy Magdalena!” muli niyang tawag pero dere-deretdo lang ito sa paglalakad na animo’y walang naririnig. Hinabol niya ito at hinagip ang braso nang maabutan niya ito sa tapat mismo ng bahay na nito. “Bitawan mo nga ako!” sikmat nito sa kanya. “Aba’t—” Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin dahil mabilis nitong inalis ang braso nito sa pagkakahawak niya at pabagsak na pinagsarahan siya ng pinto. Naiwan siyang nakatanga sa labas ng bahay ng mga ito. Thinking about Lena’s reaction. Kung bakit bigla-bigla na lang itong nasisiran na naman ng bait. Wala sa sariling naglakad siya pabalik sa bahay nila. Ano naman ba kasing nakain ng ina niya at naisip pa at nagkomento ito ng ganoong bagay. Siya la-love life pa? Sakit na nga sa ulo ang dalawang babae sa buhay niya , dadagdagan pa ba niya. Lena and his mother was enough torture already. Wala siyang balak kumuha ng bato na ipu-pokpok sa ulo niya. He can supressed his manly needs without being into a relationship. He was just a man, and a healthy male species can be sexually active without being commited. Pero syempre walang alam si Lena sa bagay na iyon. Kahit naman araw-araw silang magkasama nito kailangan pa rin niya ng personal space at privacy. At isa pa hindi rin niya alam kung paano niya iyon sasabihin sa dalaga. Iniisip niya ang magiging reaksyon nito. Importante sa kanya ang opinyon at mararamdaman nito because somehow, he is the one who’s responsible why Lena was still NBSB.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD