Chapter Six

1916 Words

DASHIEL Sa bungad pa lang ng bakuran ay dinig ko na ang malakas na pag-iyak ni Mari. Ginapangan ako ng labis na kaba. Sa loob ng bahay ay naabutan ko ang inay na abala sa pagluluto ng tinolang manok. Mabilis akong nagmano bago inilapag ang dala kong buslo at hinubad ang suot na sando. Kagagaling ko lang sa kalamansian dahil tinulungan ko ang tatay sa pagsasalansan ng mga sako ng mga napiling goods. "Nay, anong nangyayari kay Mari? Bakit umaatungal yun?" Tanong ko habang nagsasalin ng tubig mula sa pitsel. Nakatalikod pa rin ang Inay nang magsalita. Nalalanghap ko ang pinagsamang amoy ng luya at dahon ng sili mula sa kumukulong ulam. "Naku, namatay kasi si King kaya ayun inilibing niya sa likod bahay. Ewan ko, balak pa yatang paglamayan ng kapatid mo ang aso niya," naiiling na sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD