Chapter Three

3068 Words
DASHIEL Ipinatawag ako ni Don Manolo isang umaga ng Sabado. Iniwan ko ang pagpapastol ng mga kambing at inihabilin na lang muna sa inay. Sumaglit muna ako sa bahay para makapagpalit ng damit. Basang–basa na kasi ako ng pawis dahil alas–singko pa lamang ay abala na ako sa pagpapastol mas nauna lang ang mga baka. Binati ako ni Manang Caridad. Siya ang mayordoma na magmula pagkabata ko ay namamasukan na sa mga Verasco. Bahagyang pagtango ang naging tugon ko sa huli. "Sasamahan na kita sa opisina ni Manolo," sabi ng mayordoma kaya naman sabay na kaming lumakad. Isa na ring pamilya ang turing ng mga Verasco sa kanya kung kaya ganoon niya lang tawagin ang matandang Verasco. Isang malaking pinto na yari sa punongkahoy ng mahogany ang bumungad sa akin. Ito ang unang beses na makakapasok ako sa silid na ito na nagsisilbing opisina ng pilantropong don. "Salamat po, manang," ang sabi ko sa matanda na mabilis din na umalis. I knocked three times before turning the doorknob. Tahimik na nakapasok na ako sa loob ng opisina at iginala ang aking paningin sa kabuuan nito. The office was very manly and rustic. The hanging abstract paintings on the wall were all luxurious. A large family picture was placed at the center of the brick wall. Everything inside the room was Elysian-designed crafts. "Good morning, Don Manolo. Ang sabi po ng nanay ay pinapupunta niyo daw po ako dito," magalang na sabi ko. Umangat ang ulo nito at sumenyas na maupo ako sa bakanteng upuan sa may kanan. Mabilis na ginawa ko ang utos. Hustong makaupo ako ay saka pa lamang ako tinapunan ng tingin. "How are you, Dashiel?" Malagong ang aristokratong boses nito ngunit mahinahon naman ang pagkakatanong. Nagkibit balikat muna ako bago sumagot. "I'm good, sir. Maayos naman po ang pag-aaral ko." Tumangu—tangu ito bago humithit sa tabako na mabilis din naman na inilapag sa ashtray. Hindi ko alam kung para saan ba ang pag-uusap namin na ito. Muling nagsalita ang matanda. "I heard from Lambert you really are doing good in school and that's good news. Sulit ang pagpapa-aral ko sa'yo." "Thank you, sir," magalang na sabi ko at bahagyang tumango. Pinagsalikop nito ang mga palad bago ikiniling ang ulo. I felt like I was in the hot seat, yet I remained calm. His eyes were scanning me like an eagle. Ayaw ko man pero nakakailang ang paraan ng pagkilatis niya sa akin. "Anyway ipinatawag kita dahil ikaw ang papalit kay Estong. Hindi siya pwede bukas dahil nagkataon na nagla-labor na si Nena." Huminto saglit bago, "malamang ay manganganak na iyon anumang oras ngayong araw." "Sige po, walang problema, Don Manolo," mabilis kong sagot. Iyon lang at muling humithit ito sa kanyang tabako. Nabanggit sa akin ni Mari na bukas gaganapin ang final celebration ng twentieth birthday ni Corinthian. Ang alam ko ay isa si Estong sa sampung waiter na magsisilbi para bukas pero heto at ako pala ang hahalili sa posisyon nito. Tumayo ang don at lumakad palapit sa akin bago naupo sa edge ng mahogany office table nito. Hithit buga na uli sa kanyang tabako. "Alas kwatro ng hapon ang umpisa ng programa. Kailangan alas dos pa lang nandito ka na dahil ikaw ang magiging lider ng mga iba pang kinuhang waiter," maawtoridad na sabi nito at tumango na lamang ako. Matapos doon ay nagpaalam na rin ako. Sa bahay ay naabutan ko si Mari na pinapaliguan si King, ang siberian husky na alaga nito. Si Ian ang nagbigay ng tuta at ito rin ang nagsu-supply ng pagkain para sa aso. "Kuya, napaliguan ko na si King. Kailan po ulit pupunta dito si Ate Ian? Miss ko na siyang kachikahan," masayang sambit ng kapatid ko. Fifteen–year–old na si Mari pero pang walong taon ang pag-iisip niya. Isa siyang menopause baby ayon na rin sa inay. Hindi mahahalata na espesyal siya dahil walang abnormalidad sa kanyang pisikal na hitsura. Kinurot ko ng bahagya ang kanyang pisngi. "Ouchy, you're hurting me," nakasimangot na reklamo nito. Nabigla ako sa sinabi niya. "Aba, marunong ka ng umarte ng ganyan, ah. Saan mo naman napulot ang salita na 'yan?" Nakangising tanong ko. Hinila ko mula sa likod ng aking batok ang dulo ng shirt na suot at tuluyang hinubad. Binitawan na niya si King dahil nagwawagwag na ito. Lumapit ang aso sa akin at ikinaskas ang basa pang katawan sa aking binti. Napangiti naman ako sa biglang pasok ng mukha ni Ian sa imagination ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Kay Ate Ian ko natutunan 'yon. Sabi niya dadalhan niya pa ako ng maraming libro para kahit hindi ako pumapasok sa school ay marunong akong magbasa," sagot ni Mari. Napabuntong–hininga na lamang ako. Kahit anong pigil ko kay Corinthian na huwag ng pumunta dito sa kubo namin ay ayaw niya magpaawat. Sintigas nga yata ng adobeng bato ang ulo ng babae na 'yon. Sinundan ko ng tingin ang kapatid ko na biglang tumakbo palapit sa maliit na kwarto niya. Mabilis din itong nakabalik na bitbit ang ilang bestida. Ipinatong ang pulang bestida sa kanyang katawan. "Kuya, binigay 'to lahat ni Ate Ian n'ung nakaraang araw. Isuot ko daw po 'to sa birthday niya bukas." Puno ng pananabik ang boses at mga mata nito. Napakamot ako sa aking sentido. "Pinayagan ka ba ng inay na pumunta doon?" Mahinahon kong tanong. Napaka–sensitive ni Mari. Madaling magtampo at may bisyo ng paglalayas kapag hindi nasusunod ang gusto nito. Nameywang siya at inirapan ako. Ang ibig sabihin lamang no'n ay hindi alam ng Inay na may balak itong pumunta sa birthday ni Ian. Hinila ko ang kanyang kamay at pinaupo sa bakanteng silya. "Ano'ng itinuro ni kuya sa'yo?" Tanong ko bago pinaglapat ang aking mga labi. Busangot na sumagot ito. "Liars go to hell." Tumango ako at kinurot ng marahan ang baba' niya. "Good girl," sabi ko bago ginulo ng bahagya ang kanyang buhok. "Kainis! nagulo tuloy braid ko!" dinig ko na reklamo uli ni Mari. Napahagalpak na ako ng tuluyan nang paikutan niya ako ng mata. "Sige kung gusto mo talagang sumama sa birthday ng Ate Ian mo, massage mo muna likod ni Kuya," nang-iinis na saad ko. Nanulis ang nguso ng kapatid ko bago pumwesto sa aking likuran. Inumpisahan niya ang paglapirot sa mga balikat ko. Ni hindi ko maramdaman ang pwersa ng mga kanyang kamay. "Kuya alam mo ba sabi ni Ate Ian, love ka daw niya. Magpapakasal daw kayo tapos magkaka baby," ibinulong lang niya ang huling sinabi. Napaharap tuloy ako sa kanya. Pinitik ko pa ng mahina ang tenga niya. "'Wag ka nagpapaniwala sa ate mo dahil puro kalokohan ang alam ng isang yun," seryosong sabi ko pero nakangiti lang naman si Mari. "Weh? E, bakit kita ko si Ate Ian nung nakaraan pumasok sa loob ng kwarto mo? Nung wala sila Inay tapos akala mo tulog na ako sa kwarto ko," sabi niya tapos ay humagikhik. Natigilan ako sa sinabi niya. Ang buong akala ko talaga ay tulog na siya nun. Tiningnan ko siya ng maigi at nag pout lang naman ito ng labi. She started fidgeting. Lihim kong nahiling na sana ay hindi siya sumilip sa aking kwarto nang mga oras na iyon. "Wala naman po ako nakita e. Tinakpan ko mata ko ng ganito, o," iminuwestra niya pa ang pagtatakip sa kanyang mga mata. Napailing na lang ako. Lintik na bata 'to... "Sa susunod kapag nanilip ka pa, tutubuan ka ng sandamakmak na kuliti. Mapupuno ang mga mata mo," pananakot ko sa kanya. Malakas na tumili naman siya at biglang napatingin sa nakasabit na salamin. "Ayaw! Hindi na ako ganda kapag tinubuan ako ng kuliti," naiiyak na sabi nito. Pigil na pigil ko ang tumawa ng malakas. Tumayo na ako at tinitigan ang repleksiyon niya sa salamin. Humalukipkip pa ako at pinagsalubong ko ang aking mga kilay. "Hindi ka na maninilip?" Tanong ko. Sumimangot siya. "Wala naman talaga ako nakita e. 'Yung ano lang... kiss kayo dalawa," nakanguso na sagot nito. Hindi pa rin ako nakuntento kaya tinanong ko muli siya. "Sigurado ka, Marikit?" Mabilis na parang hinahabol ang pagtango nito. "Opo, 'yun lang, Kuya." Nakahinga ako ng maluwag. Sa kabilang banda ay nais kong tuktukan ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko. "Magkandado ka kasi ng pintuan, utoy," sabi ng boses mula sa pintuan. Sabay kaming napalingon ni Mari kay Inay. Lumapit kami pareho at naunang nagmano ang kapatid ko. Napakamot na lamang ako sa aking ulo. "Hindi sa kunsintidor ako ha, pero anak dapat kung gagawa ka ng kalokohan ay siguruhin mong nakasara ang pintuan ng kwarto mo. Naku, hindi mo namana ang kagilasan ng iyong ama," tungayaw ng Inay. Numero unong alaskador ng bayan ang Inay pero napakapikon naman. Ganito talaga kami kung mag-usap. Pinalaki kami ng mga magulang namin na bukas ang isipan. Hindi man nakatapos ng pag-aaral ang Inay at Itay pero higit pa sa may pinag-aralan ang pakikitungo nila sa mga tao. Alam kong walang perpektong magulang o pamilya sa ibabaw ng lupa ngunit para sa akin ay sila pamantayan ko sa pagkakaroon ng pamilya--balang araw. "Inay naman, alam niyo naman na nuknukan ng kulit ang babae na 'yun," pasimpleng sagot ko bago hinugot ang isang pirasong saging mula sa dala nitong basket. Malalim ang ginawang buntong hininga ni Inay. Pagod na isinalampak ang katawan sa upuang rattan at tumingin sa akin. "Ang panganay ko binata na talaga. Hindi naman ako tutol kung kayo ni Corinthian ang magkakatuluyan e, ang kaso nga lang alam mo naman ang sitwasyon hindi ba? Kumbaga isa siyang bituin na mahirap abutin," mahabang litanya ni Inay. Tumango na lamang ako at inisang subo ang natitirang saging bago dumiretso sa maliit naming komedor at uminom ng tubig. "Siya nga pala, Dashiel, ikaw na ang maghatid ng binalot ng iyong Itay. Ako'y pagod na dahil napakarami ng labada sa mansion ngayon. Biro mo'y pati ang mga kurtina ay pinalabhan ni Donya Gertrudes," sabi ng Inay. Iniiwas ko ang paningin sa kanya dahil sa totoo lang ang sakit sa puso na makitang pagod na pagod ang kanyang hitsura. Kaya nga ako nag-aaral ng mabuti para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko. Hindi ko pinapansin ang panglilibak ng ibang tao sa amin dahil wala naman silang alam sa tunay na pinagdadanan namin bilang isang pamilya. "Sige po, 'nay, ako na ang magdadala ng mga 'to," paalam ko. Mabilis akong humalik sa kanyang noo. "Bye, kuya. Bili mo'ko pasalubong ha," paalam ni Mari na pakaway-kaway pa. "Sige. Pakabait ka dyan ha," bilin ko at tuluyan ng sumakay sa aking bisikleta. ---- CORINTHIAN Long sleeve shirt, bota, straw hat, aviators. This was my get-up for today but I didn't wear the bota. Why? I just don't like it so, I wore my flat gladiator sandals instead. I prepared myself for this battle and I made it sure that I will win. Akala siguro ni Kuya Lambert ay susuko ako sa punishment niya. As if! No way! I can do this. I am not a Verasco for nothing! I looked at my wristwatch for the nth time. Eleven in the morning and I am under the heat of the sun. It was good, I put a lot of sunblocks all over my body, or else I'll be a toasted princess tomorrow. I was on top of the ladder which was used for picking up calamansi. Although I stand five and four inches tall, still, I couldn't reach those green balls which are located at the top area of the tree. Kahit amoy araw na ako ay hindi ko na lamang iniinda tutal one day lang naman ang experience ko na ito. Akala ko nung una ay nakakabagot ito, pero nagkamali ako kasi sa totoo lang nakaka-enjoy pala mamitas. In fact, dalawang beses na nga ako na nakapagbuhos sa isa mga crates. There's this particular thing on my thumb and index finger which they called pangkuko'. They said that I have to use this so that I wouldn't get wounded or pricked by the thorns from the tree. I had my headphones and busy humming my favorite song when I felt something brushing on my toes. I automatically shifted my gaze on it. Napigil sa lalamunan ko ang nakaambang pagtili. Holy s**t! I silently roared. Muntik ko na kasing masipa ang batang babae sa ibaba ng hagdan. Mabuti na lang at napigilan ko. She mouthed 'hi po' then smiled. I removed my headphones then looked at her intently. I wondered what was she doing here? She was wearing an old shirt printed by a Winnie the Pooh and torn denim shorts. I slowly got off the ladder. "Sabi po ni Mama, kakain na daw po ng pananghalian." She said then gave me a shy smile. "What's your name?" I asked. My eyes averted on her hands and saw a chicken feather on it. Her rounded eyes grew wider as if she was talking to a celebrity. I felt strange because of her actions. "Ako po si Danna, limang taon na po ako," she answered showing me her five fingers. She was giggling and that brought happiness to my heart. I smiled back at her. I was about to say something when a woman my age called the kid. Danna became uneasy, playing with the hem of her shirt. "Senyorita," she greeted emotionless. I can't help but frown. People on this farm were weirdos. Tao lang rin naman ako diba? Bakit parang ang tingin nila sa akin ay ako ang anak ng presidente ng bansa? May epidemya bang kumakalat dito? "Mag sorry ka kay senyorita," she commanded the kid. My brows initiatively shot up but I tried hard to calm myself. "Wait. She did nothing to me. Why does she have to say sorry? For what?" I asked out of perplexity. Her eyes turned into slits as she was motioning the little girl to come closer to me. I don't understand this woman! What was her issue? "Sorry po kasi ginulat ko kayo, senyorita." The kid apologetically said. I held on to both of her shoulders then leveled my body to her. I cupped her cheeks and made me wondered if she's eating enough food. She was thin and pale. I felt a pang in my chest as I stare at her gloomy eyes. Yumuko ito. "Wala yun. Hindi naman ako galit," I told her. She lifted up her face then smiled widely. "Talaga po, ate?" I nodded but got shocked when she wrapped her arms around my neck. I pressed my lips together 'cause I'm out of words, really. "Danna!" The woman shouted so loud then swung the girl's arms away from me. I stood up and counted from one to three. I inhaled then exhaled afterward. This woman was getting on my nerves. My hands were on my waist. I hardly know how to control my emotions especially at times like this, but I think this one needed to see my inner b***h. "What the hell is your problem?" I asked her almost screeching. She remained stoic for a moment before descending her head. "Pasensya na po, senyorita, pero hindi po talaga kami pwedeng makipag-usap sa inyo. Iyon po ang utos sa amin ng daddy niyo," she answered. What? Did I hear it right? May hindi ba ako alam sa ugali ni Dad? What kind of employer was he? Is this how he treats his employees? I literally shut my mouth. Tumango pa ang babae sa akin bago nauna na silang lumakad. Sinabihan ko na lamang siya na susunod ako. I heaved deep breaths before heading to the only cabin at the secluded area of the farm. Everyone was busy having their lunch when I got in the cabin. It was like the world has stopped because I saw Dashiel sitting beside the woman. I suppresed my smile and exhaled instead. "Kain po, senyorita," the old man on my side said. I genuinely smiled at him then nodded. He handed me a dipper with water. "Maghugas ka muna ng kamay dito," he said again and so I did. I sat down across where Dashiel was seated. The only available space at the moment so I had no choice. He was looking at me intently. I looked away. The table was set for a boodle fight. Everyone was eating using their hands. Fried bangus, grilled talong, itlog na pula and some kamatis were served. I swallowed hard because I felt that I don't belong in the group. I don't know what to do but I tried my very best to mimic what they were doing. I could feel their intimidating gazes like it was darting into my very soul. I can't even look at Dashiel but I could feel his wintry stare. I swear the jerk was reading me like a magazine. "May mali po ba sa ginagawa ko?" Hindi ko napigilang itanong. The guy on my left side spoke. "Kung ayos lang sa inyo, ipaghihimay ko kayo ng isda. Matinik pa naman ang bangus." Totoo naman ang sinabi niya. Sa mansiyon ay boneless bangus kasi ang kinakain namin. Magsasalita na sana ako para tumanggi pero naunang magsalita ang nasa tapat ko. I chewed on my lower lip and locked my eyes on him. "Tasyo, kapatid ka ba ng bangus?" That was Dashiel. Tasyo frowned at him then smirked. He got the fish and started to check it. "Bakit?" He asked Dash. I can feel the sudden tension between the two. Good Lord, I don't understand what's going on between these lads. "Ang tinik mo din e," Dashiel answered then shifted his eyes on me. He was looking at me emotionless yet it scared me to death. I grabbed the glass of water then gulped the liquid down to my throat. Came four in the afternoon, Kuya decided to call me and told me that I did great. I won! I made it! I put back my phone inside the pocket of my pants when someone hugged me from behind. "I missed you," The voice said. Humarap ako at nagulat sa aking nakita. "OMG! You're here!" "Of course, princess. I wouldn't wanna miss your birthday celebration tomorrow," he answered, smiling widely. As I hugged the man in front of me, I saw a silhouette hiding at the side of the cabin. I suddenly felt afraid that I immediately grabbed Zach's arms then hurriedly run away from there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD