Chapter 7

3201 Words
Chapter 7 Iris Hindi naman ako lasing pero masakit ang ulo ko kinabukasan. Ilang minuto akong nahiga muna kahit gising na para makapahinga pa ng kaunti. Mamaya na ako bababa. Tutal ay maaga rin akong nagising. Binuksan ko ang cellphone data at nag-scroll sandali sa aking social media account. Mostly, puro mga balita at chismis sa mga artista ang laman ng newsfeed ko. Kaya naman nag-exit na lang din ako roon at pinatay na ang data. Nang makaramdam na hindi na ako nahihilo ay sinamantala ko na at bumangon. Kinuha ko ang tuwalya at sinabit sa kanang balikat. Sa baba ay dinig ko ang mahinang radyo ni Mommy. Narinig ko rin siyang may katawanan sa cellphone niya. Naabutan ko siyang naghahalo ng kape o gatas niya sa tasa. Lumapit ako sa mesa. Pancake ang agahan na nakahain. Pero uminom muna ako ng tubig bago kumain. “Okay sige na, Romulo. Mamaya na lang. Gising na si Iris,” she added a giggle in the end before she finally freed the phone from her grip. I gulped the water in my throat. “Romulo? First name basis na kayo ni Doc Garello?” Namula ang cheeks ni Mommy. Tiningnan niya ako nilagay sa harapan ko ang tinimplang kape. “Magkaedad lang kasi kami ni Romulo. Saka magkababata rin. Ano namang masama ro’n?” she said with better composure. Well, I admired my mother’s maturity. She was calm despite the redness painted on her beautiful face. I smirked. “Wala po. E, kung hindi ko lang kilala sa personal si Doc Garello baka dumaan muna sa siya sa butas ng karayom bago makatawid sa ‘yo, ‘Mi. Mahigpit akong anak. Tsk, tsk.” She sighed. Ngayon ay mas relax na siya hindi tulad kanina. Mas nakadagdag tuloy sa hanga ko sa kanya. She even look younger than her real age. “Iris, kung sakaling manligaw si Romulo, okay-“ “Yes na yes! Kailan ba siya pupunta rito? Mamaya? Go!” I beamed brightly at her. Napailing siya at namaywang. “Kumain ka na nga. Binibiro lang kita. Hindi ko akalaing gan’yan ang magiging sagot mo sa ‘kin. Para bang sobrang excited akong magka . . . alam mo na.” makahulugan niyang tingin sa akin sa huli. Hinila ko ang upuan at naupo na. Sumandok ako ng isang pancake at pinaliguan ng maple syrup. Magmula nang magkahiwalay sila ni Daddy ay hindi na siya nagkaroon ng ibang karelasyon. She worked so hard for my education and for our needs. Hindi pa nga nawawala sa isipan ko iyong itsura niya nang umuwi siya galing sa factory na pinasukan niya dati. Nitong tumanda na ako’y may mga nabuong kaisipan sa akin. We never talked about it anymore. Na parang nilumot na rin iyon ng panahon. But my mother was the strongest woman I’ve ever known. My partner for life. And I would never deprive her of happiness I always wish for her. Kung si Doc Romulo Garello na pala iyon, e, sino ba naman ako para kumontra? “’Mi, kung sa tingin mo ay si Doc Garello na ang ka-forever mo, go for it. I like him for you. Sabi ko nga sa kanya kamukha niya si Richard Gere lalo na kapag ngumingiti. Syempre ikaw naman si Julia Roberts! Hindi ka nalalayo ro’n,” I giggled. She smiled. “Anak kita kaya maganda ka rin,” Ngumuso ako at tumango-tango sa kanya. Sumubo ako ng hiniwa kong pancake at nagtaas ng approve sign sa kanya. Umupo na rin ito at nagsimulang magtimpla ng panibagong tasa ng kape. “Kumusta na nga pala si Achilles, Iris? Nagkita ba kayo kagabi sa bar kasama si Ridge?” Pagsambit pa lang ng pangalan na iyon at tila pumait na ang panlasa ko. Nawalan pa yata ako ng gana. Ang pagnguya ko ay bumagal din. Napasandal ako sa upuan at sumimsim sa tasa. Napatingin ulit sa akin ni Mommy. Napansin niya ang matagal kong pagsagot. “Okay naman yata, Mi.” tipid kong sagot at pilit kumain ulit ng pancake. “Napadaan din siya kagabi.” “Nagkaayos na ba kayong dalawa?” I stuffed the pancakes in my mouth. Pati ang pagdurog ko rito ay bumagal din. Tumaas ang kilay ni Mommy. Naiwan ang mga mata sa akin habang hinihipan ang kanyang kape. Nagkaayos ba kami? Hindi. Pero hindi ko masabi ng deretso sa kanya. Siguro naman ay entitled ako sa sariling desisyon. Personal namang problema si Achilles. He has Zonia. Maybe, I could share that detail? Though, tinanggi na iyon sa akin ni Achilles. The main problem, I guess, ay ayokong magkaroon ng koneksyon kay Regina Alva Castillano. Sa tuwing naiisip ko si Achilles ay kabuntot no’n ang mother niya. Pati ang gawi ng pagtitig at hagod ng tingin sa akin ng ginang na iyon. Kasi kung mas malaki ang pagkakagusto ko kay Achilles, siguro naman ay kakayanin kong pakaharapin ang mother niya. Pero kasi ay ayaw ko. So, I therefore conclude, wala nga akong kagusto-gusto kay Achilles. Kaya ayaw kong magkaroon ng chance na magkakilala o mag-usap man lang kami ng mother niya. It was too complicated to even think about. Nagkibit-balikat na lang ako kay Mommy. Tiningnan pa niya ako sandali pero hindi na rin nagtanong pa ng tungkol sa kanya. Napanatag ako. ** Sa mga sumunod na araw sa trabaho ay hindi ko napagkikita si Achilles. Iyong huli ay ang get-together with Ellie. Wala na rin akong narinig o text na natanggap galing kay Ridge. Gusto ko sanang magtanong kung okay na sila ni Ellie. Pero tahimik siya. Hindi na ako nang-istorbo. Kung may kasalanan namang magaganap ay siguro naman kasama pa rin ako sa mga bisita. Gusto kong umasa. Sa loob ng mga araw na hindi ko nakikita si Achilles Castillano ay siyang dalas naman ng pag-uusap at pagsasama namin ni Sir Adam. He made me confused. Minsan, para lang kaming magkaibigan na dalawa. Iyong magbibiruan tapos ay may inisan pa nga. Minsan, biglang nagiging sweet at malagkit kung tumingin. Hindi naman ganoong creepy iyong lagkit. Iyon bang parang may pinapasang mensahe pero hindi makuha ng radar ko? O sobrang slowww ko lang. I entertained him as a friend. As an officemate. As my boss. Nagsimula na rin kaming lumabas na dalawa after office. Sina Mabelle at Lean ay may mga mapanuring tingin sa akin. Nang maiwan kaming tatlo sa opisina ay agad nila akong pinaikutan na dalawa. “Ano’ng score, Iris?” “T’yak lamang na si Sir Adam sa ‘yo. Palaging absent si Sir Achilles, e,” ani Lean. Napailing ako. Inabot ko ang tumbler at uminom ng tubig. “Walang contest.” Sagot ko. “Oo nga naman, Lean. Walang contestant kaya walang contest. Solong-solo ni Sir Adam si Iris,” “Hay! Ano ba ‘yan! Nasaan na kaya si Sir Achilles?” may pag-aalala sa tono ng boses niya. Humilig si Mabelle sa kay Lean. Bahagya akong napalingon doon. Pero kahit ibulong niya kay Lean ang sasabihin, dinig ko pa rin. “Ang dinig ko, baka raw nasa ibang bansa si Sir Achilles at pinakasalan na ‘yong nirereto ng Mama niya,” Tumaas ang kilay ko. Napatigil din ako sa paggalaw-galaw sa mouse. I imagined Achilles and Zonia. Just got married in abroad. They looked so happy and perfect together. Match made in heaven. Tapos ay sobrang saya ni Mrs Castillano. Magiging masaya rin kaya si Achilles? “Sure ba ‘yan? E, bakit ang sabi ni Ara ay nagkaproblema ro’n sa isa pang Castillano at tumutulong lang si Sir Achilles? Parang may family problem yata,” kinalabit ako ni Lean, “Wala ka bang alam do’n, Iris? Ha?” Umiling ako. Pero napapaisip din. “Hanga naman ako sa ‘yo, Lean. Close na kayo ng sekretarya ni Sir Achilles. Iba ka, gurl. Alang-alang sa chismis. Ipagpapatayo kita ng monumento!” Nagtawanan kaming tatlo. They made me happy even if my mind was already erratic of different thoughts. Atleast, kapag nakakatawa ako ay nag-iiba ang daan ng pag-iisip ko. Distraction. I needed it. So bad. And now guilt sprang everytime I think about Sir Adam. Now, I realized, I didn’t like anybody. I just wanted to be alone. I didn’t need a man. For now. Dahil hindi ko alam sa mga susunod na taon kung ganito pa rin ang pakiramdam ko. Pagkatapos ko iyong mapagtanto ay naging mas relax na ako. Maganda pala iyong ganito. Iyong may konkreto kang plano. Mag-isa. Walang iniintinding relasyon sa iba. I mean, personal na relasyon. Wala naman talaga akong karelasyon, ah? Nagyaya si Sir Adam na mag-bar ulit. Libre niya raw. Sumama kami pero nagpaalam muna ako kay Mommy para hindi na niya ako hintayin sa hapunan. Ang kaibahan pa nito ay hindi kasama sina Julia and her friends. Maingay at nakakahilo ang ilaw sa loob ng bar. Marami na ring tao. Mausok at umiikot ang amoy ng alak sa paligid. Si Mabelle nga ay nakarinig palang ng tugtog ay naghe-headbang na. “Adam!” Mula sa pakikipagtawanan sa mga kaibigan ko ay napaigtad ako sa gulat nang maramdamang may humawak sa baywang ko. Niyuko ko iyon at saka tiningnan si Sir Adam. He wasn’t looking at me but his hand moved its way on my waist. Kinawayan din nito ang lalaking tumawag sa kanya. Hinila pa niya ako palapit doon. Masikip ang nadaanan namin. Pakiramdam ko ay nakagawa na ng tulay ang mga kilay ko sa pag-iisip. My attention was locked on his hand. Nang marating namin ang couch at table na iyon ay mas naging maingay ang taong naroon. Tiningnan ko kung sino. May dalawang lalaking nakaupo na. Iyong isa ay nagtaas ng baso sa amin. Nakangisi at namumungay na ang mga mata. Mapaglaro ang mga mata nito. He was wearing a blue tight longsleeves and gray pants. Namumutok ang muscle sa braso kaya parang mapupunit ang tela ng suot. Bumuntong hininga ako. Nilipat ko ang tingin sa lalaking nasa harapan nito. “Jeric. Achilles,” bati si Sir Adam. Hinapit pa niya ako sa baywang kaya napatingin ako sa kanya. “I’m with my officemates,” Sina Mabelles at Lean ay nag-unahan pa sa pagbati kay Achilles. He did look at them and nodded once. Parang masungit na naman. “Na-miss ka namin, Sir! Kasama rin po namin si Iris,” maligayang balita ni Iris sa kanya. Niyuko ako ni Sir Adam. Nginitian. Pagkaalis ng tingin na iyon ay pinandilatan ko si Lean. Pero tinuro pa niya ako dahil hindi ako hagip ng dereksyon ni Achilles. Then, he looked back at me. My breathing hitched the moment we locked our eyes at each other. Nainis ako sa kamay ni Sir Adam pero nanatiling ganoon pa rin ang posisyon namin habang nakatitig kami sa isa’t-isa ni Achilles. I felt stupid at that moment. Bumaba ang mga mata niya sa baywang ko. Hindi ko malaman kung para saan ang pagkalabog sa dibdib ko. Dahil ba matagal kaming hindi nagkita? Dahil matagal na hindi nag-usap? “You’re back,” sabi ni Sir Adam. Tinanggal na niya ang kamay sa akin at kumuha ng inumin sa mesa. “Yes, I am.” Inalis na niya ang tingin sa akin at saka tiningnan ang hawak na bote. Inalok sa akin ni Sir Adam ang baso. Umiling ako. Tumayo naman iyong Jeric para mapaupo ang mga kasama namin at sina Mabelle. Parang gustong magiba ng ribs ko sa labis na pagtibok ng puso ko. Sa tabi ako ni Achilles naupo. Nasa kaliwa ko siya at kanan ko naman si Sir Adam. Spaces were needed as well as air for my lungs. Hindi niya ako tinintingnan. Kausap niya ang kaibigan. May kanya-kanya na ring usap ang mga kasama namin. Tapos sina Mabelle at Lean at patay-ugat sa harapan namin. Pakiramdam ko pa nga ay palihim nila kaming kinukunan ng litrato sa cellphone. Binunggo ni Sir Adam ang tuhod ko. “What do you want, Iris?” alok niya sa mga inumin. Pinasalikop ko lang ang mga kamay. Wala ako sa timplang uminom ngayon. I could smell his expensive perfume. I could hear his low voice with clear words. I could literally feel his mighty presence. He was here beside me. Umiling ako. “Juice? Water?” “Orange juice na lang, Sir,” sagot ko. “Kami rin po juice na lang din, Sir,” sabi rin ni Mabelle sa kanya. Nagtawag ng magse-serve sa amin si Sir Adam at sinabi ang gusto. Sa gilid ko ay nakita ko ang pagsandal ni Achilles sa couch. Sa gawi ko na siya nakatingin habang umiinom. Binalik na naman ni Sir Adam ang atensyon sa akin. Na para bang kaming dalawa lang ang tao sa upuan na iyon. “Hindi ka pala mahilig uminom, ‘no? You’re such a nice woman, Iris,” I smiled at him. “Thank you, Sir.” Binunggo niya ulit ang tuhod ko. “Drop the ‘sir’. ‘Wag ka namang masyadong pormal dito,” Yumuko na lang ako. Unconsciously, napalingon ako sa kaliwa ko. Achilles’ gaze locked with mine once again. Nakatagilid ng ulo nito na para bang amuse sa nakikita. Kamuntik na akong mapalingon sa kanan nang bumulong si Sir Adam sa tapat ng tainga ko. Kung hindi ako naging maagap ay nahalikan ko pa siya. “Do you want to dance? Loosen up a bit,” “Hindi ako marunong sumayaw,” sagot ko at amin. “Freestyle lang naman. Show what you feel,” aya pa niya. “Let’s dance! Ang bigat masyado ng ambiance rito, guys!” Napatingin ako roon kay Jeric. Nauna ito sa mataong dance floor. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kainin ng mga tao. Nagsunuran naman ang ibang mga katatrabaho ko. “Tara, Iris!” aya ni Mabelle. Kasama niyang tumayo si Lean. Mabilis kong sinulyapan ang couch. Mabilis din akong nag-isip. Kung hindi ako sasama sa kanila at kung ganitong gusto rin ni Sir Adam na sumayaw, maiiwanan ako kay Achilles. Hindi naman niya ako kakain ng buhay pero hindi ko kayang magpaiwan. Kaya sumabay na lang ako sa agos. We went to the dance floor. Kasabay din si Sir Adam. Siya ang nagdala sa amin doon. Noong una ay nahihiya ako sa paggalaw-galaw. Namangha pa nga ako nang magwala si Mabelle. Nilagay niya ang dalawang kamay sa harapan. Kasabay ang mga balikat ay para itong nagpa-pump sa pagsayaw. Samantalang kami ni Lean ay hindi pa makaabante. Kaya’t niloko niya kami. “C’mon, guys! Dance! Iwagwag niyo ang mga sapot sa utak niyo,” sigaw ni Mabelle. Napatingin sa amin ang ibang tao. Natawa ako. Dahil mas lalong ginalingan ni Mabelle ang pagsayaw. Hinila ako sa siko ni Sir Adam at humilig na naman sa tainga ko. “If you’re uncomfortable because of Achilles, you can tell me then we can leave him here,” I sighed and shook my head. “There’s no need.” Sabi ko. Kaya ko pa naman. Huwag lang siyang mangungulit ulit. Tiningnan pa ako nang may pag-aalala ni Sir Adam. I started to dance so he could see that I was really fine. Achilles didn’t bother me. Slight lang. Pero akin-akin na lang iyon. Pagkatapos ay nagbago ang musika. Naging mas malikot ang mga ilaw at mas lalong nagwala si Mabelle. Lean started to loosen up too. Madali akong pinagpawisan. Nararamdaman ko iyon sa noo at leeg ko. Sinikop ko ang buhok at nilagay lahat sa kaliwang balikat ko. Then I danced again. I moved my shoulders, my waist and my hips. Ang saya rin pala ang magganito. Para akong nag-ibang tao. Hindi ako napupuna ng mga tao dahil maging sila ay may kanya-kanya ring mundo. I didn’t know that dancing would lighten up my mood. Nagtatawanan kami. Nagkakasiyahan. Biglang lumabas sa amin si Jeric. He was staring at me. Tinapik niya sa balikat si Sir Adam at pagkatapos ay tumapat din sa akin. Sumayaw. Hindi ko siya inintindi. Napansin kong mahusay ito sa paggalaw ng katawan. Hindi rin nagtagal ay napunta naman siya kay Lean at sinayaw ang kaibigan ko. Si Mabelle ay hindi ko na makita. Tumingkayad ako para hanapin ang kaibigan. Saan kaya napunta iyon? Mabuti na lang hindi pa siya nakakainom. Tinapik ko sa braso si Lean, “Si Mabelle?” sigaw kong tanong. Luminga-linga rin ito. Then Sir Adam crowded me. I looked up at him. Ang lapit-lapit ng mukha niya. Bahagya ko siyang tinulak. “Uh, Sir, excuse me? Hahanapin ko lang po si Mabelle,” “I’m sure she’s having fun,” Tuluyan na akong huminto sa pagsayaw. Nilingon ko ulit si Lean. “Upo na ‘ko,” sabi ko. Nilingon ako ni Jeric. “Sama na ako, Iris!” sabi ni Lean. At sumabay na nga sa akin pabalik sa couch. Hinila ako ni Lean sa braso at bumulong. “Gwapo si Jeric, ‘no?” Kumunot ang noo ko pero lumipad ang paningin ko sa babalikan namin. Naroon pa rin si Achilles. Mag-isa. Umiinom at nakatingin sa akin. “So?” Lean giggled. “Ang hot din niyang makatitig! Tingin pa nga lang niya kinikilig na ‘ko. Ia-add ko nga mamaya sa sss!” she excitedly planned out. I became excited while formulating a question for Achilles. Pagdating namin sa kanya ay bigla naman itong tumayo. Tatanungin ko sana siya kung nakita niya si Mabelle pero naging pipi ako nang nilapitan niya kami ni Lean. Walang kahit na anong reaksyon ang mukha niya. He looked impassive and icy cold. And his eyes were different. “Please tell them that I left early,” he looked down at his wrist watch, “I need to go,” Nang tingnan niya ako ulit ay tumango na lamang ako. Hindi ako nagsalita. Ni hindi na ako nagtanong o kahit ang pigilan siya. Baka importante naman iyon. “Thank you.” sabi niya at saka tuluyang umalis. Nanatili akong nakatayo. Tiningnan ko ang malapad niyang likod habang palayo nang palayo sa akin. Pinanood ko lang siya hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ko. Binunggo ni Lean ang balikat ko. “Bakit ‘di mo pinigilan, Iris? I’m sure magpapaiwan si Sir kung inawat mo,” may paghihinayang niyang sabi. Umupo ako sa pwestong iniwanan ni Achilles. It was still warm. Kinuha ko ang baso ng juice at sumimsim. “Hindi ko kaya,” sagot ko sa tanong. “Lean! Iris!” Sabay naming nilingon si Mabelle. Hingal na hingal at panay ang kwento sa mga taong nakita at nakasayaw niya. Pero wala roon ang isipan ko. Ewan ko. Naguguluhan ako. Ngayon ko naramdaman ang pagod at antok. Parang nawalan na ang excitement at bumuhos ang pinipigilang tunay na nararamdaman. I wanted to go home. Tinitigan ko ang basong hawak. Nakabalik na rin sina Sir Adam. Nag-inuman na. Hinanap nila si Achilles. Si Lean na ang humalili sa akin dahil sa akin nakatingin sina Sir Adam at Jeric. I just remained quiet the next hour until we finally got home. ** “Ako ang Diyos na nasa lahat ng dako, at hindi nananatili sa isang lugar lamang. Walang makakapagtago sa akin; makikita ko siya kahit saan siya pumunta. Sapagkat ako ay nasa lahat ng lugar, sa langit at sa lupa.” – Jeremias 23:23-24
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD