Chapter 8

4615 Words
Chapter 8 Iris Hindi ako apektado. Hindi big deal sa akin iyong pambabalewala na sa akin ni Achilles. There were no text and call anymore. Kapag naman nakakasalubong ko sa kumpanya, hindi na niya ako tinitingnan. Lalo na kapag may kausap siya o busy. He looked almost poker-faced. Kita naman sa kanyang expression. “May mga tao talaga sa buhay natin na dumaraan lang. Hindi nagtatagal. Kumbaga, nagbigay lang ng experience pero hindi rin mananatili.” Piniga ko ang sponge at bumula iyon. Nakabukas ang radyo. Nasa paboritong istasyon ni Mommy na madalas pinapakinggan sa gabi bago matulog. Ako na ang naghugas ng plato. Nilagyan ko ng sabon ang ispongha at paulit-ulit na piniga. Naghihintay ang iilang pinggan sa lababo pero nanatili ang mga mata ko sa dilaw at green na sponge at pinanood ang paglabas ng bula mula roon. Pwede rin kayang ganituhin ang utak? “’Wag na ‘wag kayong magpapaasa ng tao. ‘Wag pa-fall. ‘Wag kayong manlalandi kung may kalandian na pala kayo, ganern! Maraming naglipanang gan’yan. Mag-ingat-ingat kayo,” Nagtawanan ang babae at lalaking radio jock. Hindi naman ako makangiti. Sinabon ko ang mga pinggan pero sa harapang tiles naman ako nakatingin. Nananatili akong ganoon hanggang sa makapagbanlaw. I didn’t know then what was happening to me. Pati mga komento sa radyo ay nadadala ako. Nalulungkot. Naiinis. Ano bang ginawa ko sa buhay ko? I didn’t know. At my age, dapat ay practical na nga ako. Dapat ay hindi na ako nagpapadala sa mabubulaklak na dila. Dapat ay tuwid na ang plano ko sa buhay. Pero . . . bakit ganito? Tumigil ako. Pumikit. Malalim na bumuntong hininga. Naiwan ang basahan sa gilid ng lababo. Nagpatugtog ng love song ang istasyon ng radyo. Hinilot ko ang sintido. Then I opened my eyes. I wasn’t afraid being single-damn it. I was single all my life. Why was I getting the nerve of feeling left behind? E, ni hindi naging kami ng lalaking iyon. We weren’t even lovers. He was just a suitor. I would probably feel bad for detaching myself but that was okay. Fine. Absolutely. Padabog kong hinagis ang bahasan sa lababo. Mabigat na kamay kong pinatay ang radyo at switch ng ilaw. I went up in my room. To my bed and covered myself. I closed my eye. Opened my eyes. Then sighed. Mawawala rin ito. Mawawala rin ito. Pero naalala ko iyong mukha niya sa bar. Noong nakita niyang kasama ko si Ridge. He wasn’t okay. Okay. But it wasn’t like as if may tinatago kami ni Ridge. Well, pinagpanggap niya akong nobya niya para pagselosin si Ellie. At saka mas madalas naman siguro silang magkasama ni Ridge kaysa kami ni Ridge kaya tiyak alam din niyang wala talagang ‘kami’ ng pinsan niya. Hindi ba? Ano itong nararamdaman ko? Guilt? Isa pa, may Zonia na siya. He lied too. Maaaring hindi niya intensyong hindi sabihin ang tungkol sa nirereto ng Mama niya pero dapat ay sinabi pa rin niya sa akin. Hindi iyong nagkagulatan na lang kami sa opisina. I hated him because of that. I started avoided him then this happened. He became cold to me. Which I doubted kung magbabago pa iyon. I felt like everything was messed up. Everything. I groaned. Tinaklob ko ang kumot hanggang buhok. Tapos ay nakita niya ang kamay ni Sir Adam sa baywang ko. Nakipagsayaw ako. I bit my lower lip. This thing, those things were so new to me. This feelings . . . were brand new. But I had to fight. I had to fight back and don’t let myself buried in this part of my life. Mawawala rin ito. Magtatagumpay din ako. Baka trial lang ito sa buhay ko. Makakapag-adjust din ako paglaon. ** Aantok-antok ako pagpasok sa opisina kinabukasan. Maaga akong pumasok. I felt renewed matapos kong i-sort out ang nararamdaman at tumatakbo sa isipan ko. Kasi kung hindi ko aayusin, maaapektuhan ang trabaho ko. Ang view ko sa buhay. Ayoko naman ng ganoon. Kaya hangga’t maaga ay niri-remind ko na ang sarili ko na hindi ako magpapakalunod sa pag-iisip. Kung nakukunsensya ako, makikipagkaibigan na lang ako kay Achilles at Sir Adam. I would make a clean paths for all of us. Dahil maaga ay mag-isa lang din akong naghintay sa harap ng elevator. Humikab ako. Saktong bumukas ang pinto at nakita kong naroon sa loob si Achilles! “Ay!” agad kong tinakpan ang bibig. He was looking at me. Staring blankly. While I got shocked and panic rushed in my system. Hindi ako kaagad na nakagalaw at salita. Nalunok ko yata ang dila ko. Ang pangit ko siguro no’ng mahuli niya akong humihikab at malaki ang bibig? s**t. He tilted his head. Still impassive. “Sasakay ka ba o hindi?” Napakurap-kurap ako. “Uh, ah? Y-yes, Sir!” uminit ang buong mukha ako. Nasungitan pa nga. Malaki ang space sa loob ng lift. Kaya naman sa malayong distansya ako tumayo. But still, I could still feel how small our spaces whenever I was with him. The way he stared and spoke to me changed. I even stuttered like the way a nervous servant to her king. We were now the employee-employer kind of relationship. Wala namang problema. Hindi ba? Tahimik akong humiling na sana ay may sumakay pa. Hindi lang sana kami rito kahit sa loob ng laman ng ilang segundo. Pakiramdaman ko ay aabot sa pandinig niya ang malakas na dagundong dito sa dibdib ko. Tumingin ako sa floor numbers. Nakailaw na ang floor ng opisina niya. Pinindot niya ang floor na bababaan ko. I cleared my throat, “Thank you,” mahinang boses na sabi ko. He didn’t look nor glance at my side. I got nervous. I bit my lower lip. His fragrance assaulted my nose. His presence conquered my soul. His lethal body ignored my breathing. Pinako ko ang mga mata sa pulang numero sa taas. I couldn’t believe this. The man I first kissed was just standing beside me like as if we didn’t know each other. But I wanted a clear state for the two of us. Sa kabila ng kanahinatnan ng panliligaw niya sa akin ay magkatrabaho pa rin kami. I cleared my throat loudly. Nakapamulsa siya. “Kumusta na nga pala sina Ridge at Ellie?” panimula ko. He finally made a move, he sighed tiredly. “Fine. Ridge is kinda . . . insane.” Walang-buhay niyang sagot. Para bang napilitang sagutin ako. Pero okay lang! I faked a chuckle. “Oo nga. Alam naman natin na in love talaga siya kay Ellie. Hmm, magkasama ba kayo nitong nakaraang mga araw? Palagi ka raw absent?” I inquired like as if we were really friends. He glanced at me. Mabilis lang at mabilis ding binawi. Hindi ko tuloy sigurado kung nakita ba niya ako o baka parang kuto na lang ang tingin niya sa akin ngayon. “Yeah. I was with my cousins.” Tipid niyang sagot. Napanguso ako. I held on my bag tightly. “So, hindi totoong nangibang bansa ka?” May ilang segundo siyang nanahimik bago nakasagot. “No.” “Uh. Gano’n pala,” then I finished my inquiries just like that. Dumiin ang ngipin ko sa labi at pilit na pinapahinahon ang t***k ng puso ko. This was the most awkward moment of my life. So far. Hindi ko na siya maabot. Tumunog ang lift. Narating na namin ang bababaan ko. Nilingon ko si Achilles. He was standing so proud and cold. Bumuntong hininga ako at humakbang na palabas, “Good morning, Sir.” panghuling bati ko bago tuluyang lumabas ng lift. I felt something warm at my back but I shunned that feelings right away. He has Zonia. I wanted nothing from him anymore. I think, we finally achieved that part. Kaya’t nagtuloy-tuloy na ako sa paglakad palayo sa elevator. ** Realization and acceptance, are the most important things to remember when you chose to start again. I didn’t let my mind idle so I wouldn’t feel dysfunctional for the rest of my day. Nagkaroon kami ng meeting sa bagong kliyente no’ng ding iyon. Ako, si Sir Adam at Lean ang kasama kong umakyat sa conference room. Pagkapasok namin doon ay may mga tao na. Sinalubong kami ng malakas na buga ng air conditioning at malamig na tingin ni Achilles. Natigilan ako sandali nang makita siya roon. His broad shoulders told me how powerful he could be. Tinulak lang ako ni Lean ng bahagya sa likod kaya’t ako na ang unang nagbawi ng titig sa kanya. “Good afternoon,” mababang tonong bati ni Sir Adam. Tumayo ang tatlo sa apat na naroon. The boss was sitting broodingly. Nakasandal ang likod sa upuan. Napalunok ako. Nagtaas siya ulit ng tingin sa akin. Nagtagal kahit hindi ko iyon inaasahan. I just smiled and gave my respect to him as my boss. “Good afternoon po,” kinamayan ko at nginitian ang mag-anak na kliyente ng kumpanya. Nagkatinginan pa kami ni Lean. Humugot ako ng malalim na hininga. Reyalidad itong kinakaharap ko at hindi ako pwedeng palaging kabahan sa tuwing nariyan si Achilles. Ano naman kung parang masama ngayon ang tingin niya sa akin? Dati na siyang gan’yan kung makatingin. Nagbago lang sandali noong magsimula siyang magparamdam at manligaw sa akin. Bumalik lang ngayon ang dating attitude niya sa akin. We were introduced to the client. Nagdala ako ng notebook para isulat ang mga detalyeng gustong mangyari sa proyekto. Habang nakikipag-usap kami ay tahimik naman sa kanyang upuan si Achilles. They wanted a 4-storey building of their own mall. Kinuha ni Sir Adam ang kanilang budget, gustong itsura, kulay, ayos at ilang kailangang technical. Nakikita kong hindi masyadong maalam sa ganoon ang mag-asawa maliban sa binigay nilang budget at gustong output. Pinagmasdan ko silang dalawa. Si Mr Vien Benedicto ang madalas na nagsasalita. Ang kanyang asawa naman na si Mrs Laura Benedicto ay palaging nakangiti pero alam kong maigi niyang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Sir Adam. I noted their reaction whenever Sir Adam suggested something for the project. Kapag napapangiti o kaya’y napapangiwi. Meron ding walang reaksyon. Nag-angat ako ng tingin kay Mrs Benedicto. She must be in her late sixties. She kept her thick hair short and black. “Matagal naming pinag-ipunan ni Vien ang magkaroon ng ganitong negosyo. Ilan na rin ang napagtanungan namin kung saang pwedeng kumuha ng gagawa pero natatakot kaming maloko ulit. Isang beses kaming may nakausap pagkatapos ay tinakbo lang ang unang bayad namin,” Nagkatinginan kami ni Lean. Ngumuso siyang malungkot. Nilingon ni Mr Benedicto ang kanyang asawa. I saw the hint of sadness but he wiped it away. Hinawakan niya ang kamay ng asawa at mainit na ngumiti rito. “It’s actually for our boy. Noong araw kasi ay gustong-gusto niyang namamasyal sa mall pero walang-wala rin kami no’n,” he chuckled but I could see that it he was sad. “Hindi kami pinapapasok sa establisyemento dahil sa itsura namin. Kaya naman pinangako ko sa kanya na balang-araw ay magkakapasok din kami sa mall nang hindi hinaharang ng gwardya. Nang maglaon ay nagplano rin kaming makapagtayo ng sariling negosyo at sunod nga namin ay itong pagkakaroon ng mall,” Pumalakpak si Lean. “Naku, t’yak pong napakasaya na ngayon ng anak niyo po. Isa rin po ba siya sa nag-udyok sa inyong magtayo ng mall?” Ngumiti si Mrs Benedicto. Samantalang umiling naman ang kanyang asawa. “He died young. Leukemia.” Napaawang ang labi ko. Pakiramdam ko ay tila may sumuntok sa dibdib ko pagkarinig ko no’n. Matapos magsimulang mag-imagine ang isipan ko sa isang batang lalaki na masayang namamasyal sa mall ay gumuho rin nang malamang wala na rin pala ito. Wala rin ni isa amin ang nakapagsalita. Tila ba may dumaang anghel at nagpa-cute sa loob ng conference room. I even froze my hand while holding my ballpen. At ilang segundo pang sumunod ay sinulat ko sa aking notes ang katagang: for the boy in heaven. Achilles cleared his throat. I looked at him. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin at saka nilipat sa mag-asawa ang paningin na parang walang nangyari. He even sigh heavily. “We’ll schedule our next meeting for the presentation of the plan. Let say, weeks from now?” he announced. Napanguso ako. I actually wanted to to visit the land before ako gumawa ng plano. Though mayroon kaming kopya ng sukat no’n ay mas gusto ko pa ring makita ang lugar na pagtatayuan. “We’re very excited, Mr Castillano. Isang tawag niyo lang ay pupunta na agad kaming mag-asawa,” masayang tugon sa kanya ni Mr Benedicto. Achilles only nodded. He stood up and offered his big hand to the clients. “Thank you for trusting CDC, Mr and Mrs Benedicto,” he formally said to them. Sumunod na rin kami sa pagtayo. Napatingin ako kay Mrs Benedicto nang pagkatapos niyang makamayan si Achilles ay nakangiting nilapitan niya ako. She held on my forearm lightly. Her hand was cold. Dala siguro sa mababang temperature ng air conditioning. Mula sa kanyang purse ay naglabas siya ng isang lumang litrato. Tiningnan ko iyon. “This is our son, Reggie. Siya talaga ang inspirasyon namin kung bakit sa ganitong edad ay nangangarap pa rin kaming magkaroon ng kahit maliit na mall,” Ang batang lalaking nasa litrato ay masiglang tingnan. Hindi mo aakalaing may iniindang malalang sakit. Nakasuot ito ng pulang shorts at asul na T-shirt na may naka-imprint na Spiderman. Ang pampaa ay lumang rubber shoes at lumang sombrero rin. Magkahawak ang kanyang mga kamay sa harapan. Nahihiya pero batid mong masaya kung saan siya naroon. Sa labas ng pinto ng isang mall. Hindi ko alam kung bakit gusto kong umiyak. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Pero ngumiti pa rin ako para maitago ang sakit at lungkot. “He was happy,” tanging nasabi ko. Nginitian ako ni Mrs Benedicto at tinago na rin ang litrato. “He really was. Kapag naiisip kong hindi na niya makikita itong mall na pinapatayo namin, pakiramdam ko ay hindi rin worth it. He was a good boy. Our boy.” She tried to conceal the tears by smiling. Napatingin ako sa gilid namin nang dumaan si Achilles. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makalabas ito ng conference room. So big and so brute. And so amazingly cold. Pagbalik ko sa opisina ay agad akong gumawa ng paunang plano. Pinag-aralan ko ang sukat para sa bawat stall na ilalagay. Halos hindi na ako tumayo at nag-concentrate sa trabaho. I felt like this was my responsibility. Tagos sa puso ang dahilan ng mga Benedicto kung bakit nila gusto ang ganitong gusali. Hindi lang kasi para sa income. Hindi lang para sa long-term business. At mas lalong hindi lang dahil sa kumpitensya. I did some research for mall’s designs and structures. Modernized na rin naman ang itsura ng ganoong gusali lalo na sa mga malalaking kumpanya. May malalaki at mayroon ding maliit lang din. Kung itsura ang pagbabasehan, nakakalamang ang malalaking kumpanya ng mall. Pero kung dahil sa pangarap may mga tanong akong kailangang sagutin. Bakit ba nagpupunta sa mall ang mga tao? Una, para bumili. Pangalawa, para mamasyal. Pangatlo, para magpalamig. Sa 4-storey building, hinati-hati ko na ang maaaring maging pwesto ng mga tindahan para sa tamang sukat pati ang parking space. Napaigtad ako nang may tumapik pa sa balikat ko. Napahilot ako ng leeg dahil nangalay na. “Hindi ka pa ba uuwi, Iris? OT ka?” Tiningnan ko ang oras sa monitor. Six-thirty na pala ng gabi. “Hindi ko namalayan ang oras,” pagod kong hinilot ang batok. Nagsisiuwian na rin ang ilang kasamahan namin. “Sus. Baka naman part ng moving-on mo kay Sir?” buyo ni Lean. Nilingon ko ang mesa ni Mabelle. Tulad ko ay may ginagawa pa rin ito at parang wala pang balak na umuwi. I sighed. “I seriously like this project, Lean,” sagot ko. Hindi ko nga naalala si Achilles habang nagtatrabaho. “Alam mo, parang naniniwala na akong hindi maswerte sa love life ang lahi ng mga Castillano. Akala ko no’n sabi-sabi lang pero baka isinumpa sila,” Napangisi ako. Ginalaw ko ang mouse. “’Wag na lang natin silang pag-usapan. Tapos na ako sa bahaging ‘yang ng buhay ko. I’m in a new chapter!” Dahan-dahang sinabit ni Lean ang kanyang bag sa forearm at mabagak na pumalakpak. “Matibay ka, Iris. Matibay ka!” “Sira! Sige na, umuwi ka na nga,” taboy ko sa kanya. Tumawa siya at inayos ulit ang bag. “Umuwi na rin yata si Sir Adam. Hindi ka pa sasabay sa akin? Ikaw Mabelle?” “Anong oras ka uuwi?” tapik ko kay Mabelle. “Mga seven siguro,” sagot niya nang hindi kami nililingon. Tumango ako. “Sabay na lang kaming dalawa,” “O sige. Mauna ako. Bye, girls,” sabay kaway sa amin ni Lean. “Bye. Ingat,” sagot kong mag-isa. Nang makalabas si Lean at muling nanaig ang katahimikan sa office namin. Ako, si Mabelle at iyong dalawang friends na lang ni Julia ang naiwan sa amin. Madilim na rin sa labas at pinatay ang kalahati ng ilaw sa loob ng opisina. I could still work at home pero ang hirap putulin ngayon ang momentum sa ginagawa ko. Para pag-uwi ko naman sa bahay ay magpapahinga na lang ako at pasok ulit bukas. Nang tingnan ko ulit ang oras ay six forty-five na. Napatingin ako sa pinto nang marahan iyong bumukas. Ara peeked in. Ako agad ang kanyang nakita at nginitian. Tinulak niya ang pinto para mas makapasok. Then my gaze went down to her hands. Kumunot ang noo ko. He smiled at me and went to my table. “Good evening, Miss Iris,” inabot niya sa akin ang paparbag na dala, “Pinabibigay po ni Mr Castillano sa inyo,” Bumaba ang tingin ko roon. Bahagyang napaawang ang labi ko. Hindi ko pa nabubuksan ang laman no’n ay naaamoy ko na ang mabangong halimuyak ng pagkain. My first impulse was to get the food. Pinatong ko sa kandungan at sinilip ang loob. Naramdaman kong tumayo rin si Mabelle at nakisilip sa laman. “Wow,” she commented. Napalunok ako. “Hindi pa pala nakakauwi si S-sir?” tanong ko kahit na narito pa rin si Ara. “Hindi pa rin. Nasa office pa siya. Kausap si Architect Adam,” Bahagya lang akong nagulat. Akala ko kasi ay umuwi na si Sir Adam. Magkasama pa pala silang dalawa. Nginitian ko si Ara at nagpasalamat sa pagdala ng pagkain. Pagkaalis niya ay agad kong nag-type ng isang text kay Achilles. Ako: Salamat sa pagkain. Pagkababa sa cellphone sa gilid ng keyboard ay nilabas ko na ang laman ng paperbag. Sakto sa apat na plastic tray ang laman. “Kain tayo, guys!” nakangiting sambit ko. Binigay ko kay Mabelle ang isa. “Ang sweet naman ni Sir kahit basted sa ‘yo,” sabay bungisngis nitong tawa. Agad din niyang binuksan ang takip at inamoy ang ulam na naroon. Napailing na lang ako. Tumayo ako at nilapitan ang dalawang kaibigan ni Julia. Hindi nila ako nginingitian kahit ng nilapag ko ang pagkain sa kanilang mesa. “Kain po. Bigay ni Sir Achilles,” sabi ko. “T-thanks,” mahinang sagot no’ng isa. I smiled at her and went back to my table. Pagkaupo ko ay inipitan ko ang buhok ko. Tiningnan ko muna kung may reply sa text pero wala. Napanguso ako at tinanggal ang takip ng tray. “Wow,” I mouthed. Nilingon ko si Mabelle. “Masarap?” natatawa kong tanong sa kanya dahil nakaumbok na ang isang pisngi niya. Tinaas niya lang ang kamay at nag-approve sign. Saka ko lang naramdaman ay nagugutom na pala ako. Kung hindi nagpadala ng pagkain si Achilles ay hindi ko iyon matatanto. I enjoyed the food. Umabot pa kami hanggang seven-thirty sa opisina bago nagkayayaang umuwi na. ** Tahimik kong tiningnan ang design ni Sir Adam. We were at the café and he invited me to check out his 3D visualization. I bit my lower lip. Maganda naman ang gawa niya. Sa tingin ko ay naging inspirasyon niya ang kasalukuyang anyo ngayon ng mga mall. Maraming salamin at maluwag sa loob. Ang gitnang interior ay gagawin daw niyang showroom para sa mga sasakyan. Maliit ang sukat para sa mga tindahan. At saka malaki ang parking space sa labas. I looked at him across the table. Mayroon siyang confident na ngisi sa akin bago sumimsim sa kanyang kape. I sighed, “Hindi kaya masyadong maliit naman ang para sa mga tindahan sa loob at malaki ang sa parking space, Sir?” maayos kong sabi. Nalusaw ang ngisi niya. Sandaling nag-isip. Hinintay ko siyang magsalita. “Well, kung pagbabasehan ang budget ng mag-asawa, kakasya d’yan ang pera. Isa pa, kapag maraming pwesto sa loob, marami rin ang magtitinda. Mababawi nila sa mabilis na panahon ang capital nila. It’s for business purposes naman,” Binalik ko ulit ang mga mata sa screen ng kanyang laptop. Inikot ko ulit ang loob. “The parking space is too wide,” He chuckled. I looked back at him again. “Pami-pamilya ang mga pumupunta sa mall. So, dapat may pwesto para sa mga sasakyan nila,” “Hindi naman lahat ay may sariling sasakyan,” He waved his hand. “Marami na ngayon ang may sasakyan. Kahit nga walang parking sa bahay ay bumibili pa rin ng sasakyan,” Napanguso ako imbes na hilaw na ngumiti. For the first time ay para akong nahirapan kay Sir Adam. For the first time, he answered my question in favor of his own designs. Bumuntong hininga siya at dinungaw ako. “I saw yours, Iris. Kaya lang, masyadong attach sa kliyente. At saka magastos. Maglalagay ka ng mga bench para maupuan ng mga magpapalamig lang? Doon pa lang ay malulugi na ang mag-asawa,” “I just don’t think na for business ang vision nila-“ “Ofcourse for business ‘yon. Sinong gagastos para lang malugi? The malls now are very modern. Mahal ang upa kaya dapat ay worth it ang pwesto,” Natahimik ako. Dahil sa sinabi niya nakaramdam ako ng pagdududa sa sarili kong gawa at plano. I got his point. He didn’t get mine. Inusod ko sa kanya ng laptop niya at sinukbit ang bag sa balikat ko. “Alis na po ako, Sir,” “Agad-agad?” gulat niyang tanong at pinagmasdan ako hanggang sa makatayo. Tumango ako. “Teka, aayain pa naman kitang mag-bar mamaya,” Kumunot ang noo ko. Bar na naman? Kahit alam niyang may trabaho kami ay napansin ko ang madalas niyang pag-aya sa aking pumunta ulit doon. Umiling ako at ngumiti, “Next time na lang po, Sir! Ingat!” minadali ko na ang pagtapos sa pagsasalita para hindi na rin niya akong pilitin. “Wait, Iris-“ His voice faded. Agad kong pumara ng jeep. Maaga pa naman at bukas pa ang lugar na pupuntahan ko. Gusto ko lang makasiguro bago i-defend ang paliwanag ko. “Para po!” sigaw ko at naghanda na sa pagbaba. Umakyat ako sa bridge para makatawid. Pagkababa ay may kaunting lakad pa para tuluyang makapasok sa loob ng mall na ito. Sinuyuran ko ang labas ng mall. May parking space at terminal ng mga jeep at bus. Very convenient para sa mga customer ng mall. Tinandaan ko iyon. Dahil hindi lahat ay sasakyan talaga. Pagkapasok ko sa loob ay maraming tao. Maraming mga bata. May mga nakatayo lang sa labas at tila may hinihintay. In my head, I visualized my own design. Nasa first floor ang grocery at ilang kainan sa mall ng mga Benedicto. I preferred to put benches para sa mga kaanak na naghihintay sa kanilang kasama at para sa mga napagod sa pamamasyal sa loob ng establisyemento. Pumunta ako sa gitna at tumingala. I preferred a high ceiling. At first, medyo nag-alangan ako dahil baka maging delikado kung railings na lang ang harang sa mga susunod na palapag. Pwedeng matibay na salamin na harang. Kaso baka naman malula ang iba na may fear of heights. Maybe I couldn’t change it to a high ceiling to achieve the sight of reaching the heaven but I guess for the safety of their customers I could solve it by using warm LED lights. It should be felt like home. It was going to be the Benedicto’s home. Their sanctuary too. Tumayo ako sa gilid dahil wala naman akong maupuan para mapag-aralan ang lugar. May ilang nakaupo sa tiles at nagse-cellphone. Pinasadahan ko ng mabilis na sulyap ang mga taong naroon. Iba-iba ang rason kung bakit nagpupunta sa lugar na ito. Naisip ko si Reggie Benedicto. Nagpakurap-kurap ako. Kung para sa isang bata, bakit niya ba gustong mag-mall? Dahil malaki ang lugar. Dahil maraming tao. Dahil maraming nakikita. Dahil gustong makapaglaro. Natulala ako habang nag-iisip. Ni hindi ko napansin ang malaking bultong tumayo sa harapan ko at bigla akong hinila paalis sa kinatatayuan ko. I gasped. Mangha kong pinagmasdana ng malapad niyang balikat. Sa haba ng mga biyas nito ay halos tumatakbo na ako at siya naman ay naglalakad lang. “Anong ginagawa mo rito, Achilles?” gulantang kong tanong sa kanya. Hinihila niya ako palabas. Nagpakurap-kurap ako. Hindi niya naman ako sinasagot. Kaya’t hinila ko ang kamay na hawak niya. I stopped. He abruptly looked back at me. “Hindi mo ba ako narinig?” bintang ko. Umigting ang panga niya. “Hindi mo ako nakita.” Napaawang ang labi ko. Tinitigan niya ako. Para bang ang laki agad ng kasalanan ko sa kanya. O baka naman, akala niya ay nagliliwaliw ako imbes na magtrabaho? “Hindi ako namamasyal, ah. Pinag-aaralan ko lang ang lugar,” Nagsalubong ang mga kilay niya. “By standing there like as if you were expecting someone to pick you up?” galit niyang salita. Namilog ang mga mata ko. Napalingon ako sa paligid. Hinatak ko siya sa gilid para mas makausap nang maayos. “Anong ‘pick you up’ ka d’yan? Kinukumpara ko lang ang mall na ito sa trabahong gagawin ko. Ang greenminded mo,” bintang ko rin sa kanya. I sighed, “Ano bang ginagawa mo rito? May kasama ka?” Umiling siya at namulsa. He was still wearing his office uniform except for the suit. “May bibilhin ka?” Umiling siya ulit. “Kakain ka?” Umiling siya ulit. “Oh? Bakit nandito ka?” Kumibot ang labi niya. Nang pagmasdan ko ay nag-iwas ito ng tingin. He shifted on his feet. “Napadaan lang,” Napanguso ako. “Tsk. Napadaan ka d’yan. Sinusundan mo ‘ko, ‘no?” asar ko at ngisi sa huli. Pagkatapos mo akong dedmahin sa elevator. Ngayon . . . Inirapan ko siya at nauna ng tinungo ang exit ng mall. Sinundan niya ako at hinuli ang kanang kamay ko. Hinila niya naman ako pabalik ulit sa loob. “Saan tayo pupunta?” He glanced at me. He was smirking mysteriously. “Tatapusin natin ang sinimulan mo,” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Ha? Teka, Achilles nagugutom na ‘ko . . .” He stopped. Sa ibang direksyon niya naman ako hinila. Nakakahilo na ‘tong lalaking ito. “Then let’s eat first,” he muttered. I just bit my lower lip and smiled in secrecy. *** Patuloy sila sa pagtatanong kaya’t tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya,” At muli siyang yumuko at nagsulat sa lupa. Nang marinig nila iyon, sila’y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus. – Juan 8:7-9
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD