Chapter Six Baste Hanggang sa maihatid ko siya sa kasera niya ay nanatili akong tahimik. Hindi sa ayaw ko siyang pansinin pero siguro dapat akong lumugar. Una pa lang ay driver lang ako at minsan tambay sa kanto. Wala namang dapat ikabahala kasi, kahit papaano diba, kumikita naman ako para sa pamilya. Yun pala yung syota niya. Hanep sa yaman. May kotse pa at maayos na trabaho. Hindi naman sa ikinukumpara ko ang sarili ko pero sa akin lang, hindi ko na kailangang mangarap ng mas Malaki pa kaysa sa kung anong meron ako ngayon. Masaya naman ako ng ganito, kahit papaano ay nakakakain naman kami ng maayos. Simpleng buhay lang, ayos na. Pangarap kong babae yung simple lang din. Sabi ko nga ayaw ko sa maarte at sobrang ganda. Gusto ko tulad ko lang din na hindi inilalagay sa ulo ang kagwa