Chapter Five

2219 Words
Chapter Five Baste Maaga akong nagising dahil maaga rin akong maghahatid. Nagkape at nagtinapay lang ako na binili ko pa kagabi sa bakery kung saan ko nakita ang maarteng babaeng iyon. Halata ko naman ang pagpapapansin niya pero hindi ko na lang masyadong pinapansin. Dumarating lang talaga sa punto na naiinis ako kaya napapatulan ko ang kagaspangan niya. Pagkakape ko ay agad akong nagtoothbrush at naligo. Nagbihis na rin ako ng puting t-shirt at shorts. Pagkatapos kong mag-ayos ng buhok ay lumabas na ako at pinainit ang motor ng tricycle. Pagkaraan ng ilang minuto ay pinaandar ko na ito. Tulog pa ang erpat at ang kapatid ko dahil 6:25 pa lang naman. Inilagay ko naman ang cellphone ko sa bewang ko at nagtungo na sa kasera ni Tita Gara. Six Twenty Nine nasa tapat na ako ng gate nila. Inaantay ko na lang bumaba ang sundo ko kaya naupo na lang muna ako. Limang minuto ang palugit niya kaya sige mauupo na lang muna ako. Maya maya ay nakita kong bumaba ang babaeng kagabi lang ay inis na inis sa akin. Pagselosan ba naman lahat ng papansin sa akin. Teka. Naalala ko ang mga sinabi ko sa kanya na hindi lahat ng lalaki ay gusto ang istilo ng pananamit niya. Anong nakain niya at ngayon ay parang wala siyang karate arte sa pananamit. Abah. Masunuring bata. Natatawa na lang ang isip ko. Napalunok naman ako nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. "May epekto ba yung tinapay o nahimasmasan ka lang sa sinabi ko?" tanong ko para mapukaw ang tensyon sa dibdib ko. "Sabihin na lang nating napangiti lang ako ng kaibigan mo kagabi kaya nainspire akong maging simple," pairap-irap niyang sabi. Iniinis niya ba ako? At sa lahat pa ng barkada ko si Leo pa talaga na kilalang playboy. Teka. Bakit ako maiinis? Wala naman na akong sasabihin kaya hindi na ako nakipag-usap mula sa gate hanggang sa makarating kami sa trabaho niya. Pagbaba niya ay nagsabi siya ng: "Mga 5:10 siguro nandito ka na mamaya. Ako na lang ang mag-aantay. Sige bye," sabay talikod niya. Hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko kaya: "Anong sinabi niya sayo?" alam niya kung sino ang tinutukoy ko. "Bakit gusto mong malaman?" natatawa niyang tanong. Sinusubukan mo ba ako? Wala pang babaeng sumubok sa akin. "Iwasan mo siya. Lolokohin ka lang nun," paiwas kong sagot. Alam kong wala akong karapatang magsabi nun pero sinabi ko na lang. Saka ko ulit pinaandar ang tricycle. Pagkaandar ay nagsalita ulit ako, "Pumasok ka na. Oo nga pala, okay yang suot mo," seryoso kong sabi at medyo napangiti nang umiwas ako sa tingin niya. Walang lingon lingon ay umalis na ako. Tsk. Ano itong nararamdaman ko? Di ito pwede. Ruby Nakangiti akong pumasok ng opisina. Hindi matanggal tanggal sa mukha ko ang ngiti dahil naiisip ko yung mga sinabi niya. Hindi man niya pinahahalata pero nararamdaman kong naappreciate niya ang ginawa ko today. Umaayon ba sa plano ko ang tadhana? At the back of my evil mind, Mukhang pati naman ikaw ay nahuhulog na. Ikaw pa rin ang talo sa misayon mo. Aminin mong may nararamdaman ka na sa driver na iyon. Hindi mo ako maloloko- konsensya. Agad akong umiling iling at nakita naman ako ni Mayumi na parang nasisiraan. "Sis, parang lutang ka ah?" concern siyang nagtanong. "Sis, anong feelings ito? Nakangiti ka ng mag-isa kapag may narinig kang maganda sa damdamin mo. Tapos gusto mong inaasar ka. Gusto mong nag-aaway kayo. Gusto mong inaasar at inaaway mo rin siya," sabi ko. "Sis. In love ka,"agad niyang sabi na ikinabilog ng two sparkling eyes ko. "Agad agad? Hindi ba pwedeng flirt lang?" ako. "Ang stages kasi ng Romantic Intimacy ay flirting, getting to know, courtship, holding hands, kissing and s*x. Oh My God, nasa last stage ka na ba?" over acting niyang tanong. "Ang halay talaga ng utak mo. Basta hindi ko maexplain," naguguluhan kong sabi. "So sino ba ito? Sinagot mon a ba si Greg? Kayo na ba?" tanong niya. "Nope. Hindi siya," sagot ko naman. "Eh sino naman? Oh My Sweet Jesus, huwag mo sabihing," nagtakip siya ng bibig. "I know its too early. Pero ang cute niya lang pagtripan. Magagalitin siya pero nagugustuhan ko naman siyang asarin. Ewan ko. Siguro naeenjoy ko lang talaga. Promise, ikaw ang unang makakaalam kapag clear na ang feelings ko," paliwanag ko sa kanya. "Hindi ba't balak mo lang siyang pagtripan? Paano pag nalaman niya? Tapos nafall ka na pala?" tanong niya. Napanood ko na to sa mga pelikula. Nabasa ko na ito sa mga nobela. Pero totoo ito. Nangyayari sa akin kaya hindi ko rin alam ang gagawin ko. Ano, itutuloy ko pa baa ng misyon kong LET THE GWAPONG DRIVER - BASTE BE FALLEN IN LOVE WITH ME? Paano nga kung ako na talaga ang unang mahulog? Paano? Paano nga kaya? Ayaw ko namang humingi at umasa sa mga signs signs na yan baka wala namang dumating. Subukan ko nga kayang mafall din sa kanya? Kaso hindi ko pa siya masyadong kilala. E di kilalanin mo! Sabi ng utak ko. Tama. I will give this chance a try. Pero sana hindi ako yung matalo sa huli. At least sinubukan ko. Nagkayayaan ang grupo na maglunch sa isang masarap na bulalohan sa labas malapit sa pamilihan. Gusto ko muna sanang umayaw pero makakahalata ang lahat na iniiwasan ko si Greg. Ilang days na rin kasi siyang nagpaparamdam at very vocal siya sa lahat na nililigawan niya ako para raw wala na siyang makalaban. Kinuha ko ang phone at purse ko at sumabay na sa grupo. Nakaakbay naman sa akin si Greg na medyo ikinailang ko. Kumapit na lang ako sa kamay ni Yumi at ramdam niya rin ako. Nagkatinginan kami. Pagpasok naming sa bulalohan ay agad kong nakita ang grupo ng mga lalaking nakaupo malapit sa may pintuan. Ang Tambay Pogi. Isa sa kanila ang ayaw ko sanang makita akong may nakaakbay sa akin. Nagtama ang mga mata naming kaya alam kong nakita niya rin ako. Umiwas siya ng tingin kaya naguiguilty ko sa di ko malamang dahilan. Maingay ang grupo namin kaya imposibleng hindi niya ako nakita. Maya maya ay nakita ako ng isa sa mga barkada niya. Ngumiti ito at itinuro pa ako upang mapansin ni Baste. Hindi naman siya kumibo at tiningnan lang ako. Parang wala siyang pakialam. "Sis, kanina ka pa tahimik. Bakit?" siniko ako ni Yumi na ngayon ay taking taka sa expression ng mukha ko. "Ahhhhmm Greg, CR lang kami ni Yumi ha?" pukaw ko sa katabi ko nan aka akbay pa rin. 'Ahh okay. I-order ko na lang kayo," sabi niya. "Sis, ano ba kasi yun?" curious niyang sabi nang makalayo kami. "Eh kasi, nandun siya," malungkot kong sabi. Bakit umuubra na naman ang pagkamahina ko. Hindi na ako ito. "Sino? Yung sinasabi mo? Nasaan?" tanong niya. Sumilip kami mula sa pasilyo papasok sa CR. "Siya yung may puting t-shirt na may face towel na black sa balikat," turo ko sa kanya. Lima lang sila ngayon at siya lang din naman ang nakaputi sa kanila. Wala ba siyang pila? Sabagay lunch naman. "In fairness sis ha, yummy. At ang ganda ng ngiti. Mukhang kaya kang ipaglaba," komento ni Yumi. Nakangiti na siya ngayon habang nakikipagkwentuhan sa mga barkada niya. Oo nga. In fairness sa kanya, tunay yung mga ngiti niya. Ang ganda ng pagkakapantay pantay ng ngipin niya. "So anong plano natin? Ayaw mo bang katabi si Greg?" tanong niya. "Sana, pero paano?" tanong ko. "Mauuna na akong lumabas tapos tatabihan ko siya. Saka ka lumabas pag okay na," supportive idea naman ng friend ko. "Sige sis, salamat," saad ko. Lumabas naman siya bigla kaya pinagmasdan ko siya. Imposible ring hindi nila ulit ako makita dahil dadaanan naming ang table nila kapag galling sa CR. Kaya ko to. Ruby, you are one brave girl. Paglabas ko ay diretso lang ang tingin ko. At mula sa peripheral view ko ay kita kong nakatingin silang magbabarkada sa akin. Nakita ko rin na nakatingin lang si Baste sa akin habang ngumunguya ng pagkain niya. Walang expression. Wala ring anumang ingay mula sa kanila. Gusto ko nang magpalamon sa lupa nang mga sandaling iyon. Hindi naman sa parang pinagtataksilan ko siya pero baka mabad shot na ako sa kanya. Shocks. Hindi ito maaari. Nakita ko naman na sa pagitan ng upuan ko at upuan ni Greg ay si Mayumi. Salamat na lang talaga at supportive siya. Naupo na ako at nagkwekwentuhan pa ang lahat habang nag-aantay sa order namin. "Oh, Ruby bakit hindi kayo magkatabi ni Greg?" tanong ng isa sa mga senior employee sa akin na agad namang ikinapula ng mukha ko. Imposibleng hindi narinig ni Baste ito dahil magkatapat lang ang table namin. "Ahhh minsan naman po iba naman daw po muna ang gusto niyang katabi," pangiti nfiting sagot ni Mayumi. "Ahhh, hindi pa naman po kami official sir. At lunch lang naman po ang ipinunta natin dito," go back to poisture ako. Hindi ako dapat magmukhang affected. Hanggang sa dumating ang order namin. Habang kumakain ako ay napapasulyap ako kay Baste na ngayon ay titig na titig sa akin. Hindi na ata siya kumukurap. Wala na rin ang mga barkada niya at renteng prente siyang nakaupo mag-isa habang nagtotooth-pick. Pinagpapawisan na ako dahil ayaw talaga niyang tanggalin ang titig niya sa akin. Uminom ako ng tubig sabay tingin sa kanya. Nasindak ako ng matatalim niyang tingin sa mga mata ko kaya naubo ako. "oohh sis, ayos ka lang ba?" hinimas ni Yumi ang likod ko. "oo sis, okay lang ako," inayos ko ang pagkakaupo ko. Ayaw pa rin niya akong tigilan. Hindi ko na rin naiconcentrate kumain kaya hindi na lang ako nagpatuloy. Pagkatapos namin magbayad ay nagdecide na kaming bumalik sa office. Nandoon pa rin siya at nakatingin sa akin. Anong problema niya? Naiirita na ako. Minamasdan niya lahat ng galaw ko. Nagpahuli ako sa paglalakad para sana kausapin muna siya pero pagtapat pa lang naming sa pintuan ay bigla siyang tumayo at padabog na iniurong ang upuan niya saka walang anumang salita at naglakad na palabas. Para akong basing sisiw. Huminga na lang ako ng malalim habang pinagmamasdan ang paglakad niya palayo. Walang lingon lingon. Mula sa kanyang likuran ay matatanaw ko ang kasimplehan niya. Puting t-shirt lang na may mga bahid pa ng namuong pawis sa likod. Naka shorts lang ng itim at tsinelas. Naka bracelet lang din ng itim at mula sa kanyang likurang bulsa ay nakasabit ang itim na face towel. Hindi naman sigang siga ang paglalakad niya. Normal lang. Maganda ang porma ng mga balikat niya. Mapapansin naman sa damit niya na may kaunti siyang bilbil. Pero I swear, flat ang stomach niya which is something cute. He is a guy who really does not take everything to impress me. Nawala naman ako sa pagkakaimagine ko nang hilahin na ako ni Yumi. "Sis, mahuhuli na tayo. Tara na," pag-anyaya niya. Mula pagpasok ko ng tanghali hanggang bago mag-uwian ay siya ang laman ng isip ko. Ayaw ko nang umuwi dahil baka himatayin lang ako sa tingin ng sundo ko. Pero hindi ko mapigilan ang takbo ng oras. Five P.M. na kaya't nagtime out na kami. Kasabay kong lumabas sa opisina si yumi at kapit na kapit ako sa kanya. Nasa gate na kami at wala pa ang sundo ko. Nagpapaalaman na kami ni Yumi nang may papalabas na kotse. Bumaba ang window kaya nakita ko agad kung sino iyon. Si Greg. "Sabay na kayo sa akin. Ihahatid ko na kayo," sabi niya. Napahigpit ang kapit ko kay Mayumi. "Naku Greg wag na. Si Yumi na lang kasi kayo ang magka-way. Sa opposite kasi ako," tyempo namang may humintong pamilyar na tunog ng tricycle sa tabi. "Andyan na rin naman yung sundo ko," dagdag ko pa. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan niya at itinulak si Yumi. "Sige na. See you bukas. Ingat," saka ko isinara ang pintuan. Inantay ko namang umalis ang sasakyan bago ako naglakad papalapit sa tricycle. Nakayuko lang ako dahil tiyak kong nakatingin na naman siya sa akin. "sabi ko mga 5:10 ka na pumunta," sabi ko para mabawasan ang tensyon. Saka ako pumasok sa loob. Hindi pa niya pinaandar ang tricycle. Mga nasa isang minute na pero di pa kami umaandar. Dios ko po. Tulungan niyo ako. "May inaantay pa ba tayo?" tanong ko. "Boyfriend mo?" tanong niya. Naalala ko nga palang nasabi ko sa kanyang may boyfriend ako. 'ahh eh. Hindi. Nanliligaw lang," sabi ko. Naiinis na ako sa sarili ko dahil gumagaralgal ang boses ko. "bakit hindi ka sumakay?" seryoso niyang tanong. Ayw kong tanawin ang mukha niya dahil malalagot lang ako. "Eh diba nga susunduin mo ako?" tumaas na ang boses ko. "Sa mga pagkakataong ganito, piliin mo yung lugar na kung saan komportable ka. Maiintindihan ko naman," sabi niya sabay paandar ng tricycle. Alam kong may dalawang ibig sabihin ang sinabi niya. Naguiguilty naman ako pero pinili ko na lang na huwag magsalita pa. Wala akong lakas ng loob para makipagsabayan sa kanya ngayon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit siya ganito sa akin ngayon. Isa lang ang sigurado ako. Nagugustuhan ko ang nangyayari kahit naiipit ako. Crossed fingers. Hindi ako mabibigo. I am Ruby. And I am fearless. Huwag lang siyang tititig ulit sa akin. Mangangatog ang tuhod ko.  Hanggang sa muling sakay. Salamat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD