Chapter Ten Ruby SABADO. Outing Day with Baste and friends. Pasado alas sais na ako bumangon. Naka ilang snooze din ako sa alarm ko sa phone. Automatic namang walang alarm ang clock ko kapag weekend. Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay. Okay naman na ang pambahay sa outing. Tabing ilog naman. Tapos nagbaon ako ng towel at pamalit. Nakita ko ang phone ko na umilaw habang nagsusuklay ako. 1 message received Binuksan ko ito at binasa. Galing kay Baste the great seducer. <3 Baste Mo Saan ka na? Sisimulan ko nang magluto. Tsk. Demanding ang mokong. Hindi kosiya nireplyan. Pagkatapos kong magsuklay ay kinuha ko na ang backpack ko at phone saka lumabas. Pasikat pa lang ang araw kaya hindi pa masyadong mainit. Ang ganda pala ng Calle Adonis pag ganitong umaga. Malinis ang kalye.