Chapter Thirteen Baste “Binibisita lang kita. Nagdala ako ng ulam baka sakaling kasya na ito sa atin. Namiss ko rin naman magdinner dito katulad ng dati,” magiliw niyang sabi. Dati rati kasi ay dinadala ko rin siya ditto para kumain tapos ihahatid din ng tricycle ni erpat. Mga estudyante pa kami dati. Giliw na giliw din ang ama ko sa babaeng ito dati. Mabait naman siya. Pero matagal na kasi kaming wala kaya sana mag-move on na siya. “Anak, sabi ko sa kanya dito na siya maghapunan,” sabad ni erpat. Paano na iyan? Darating na maya maya si Ruby? Paktay ka ngayon Sebastian. Ruby Six Thirty na kaya umalis na ako. Tinext ko siya kanina na papunta na ako pero hindi naman siya nagreply. Pagdating ko sa may gate nila ay may nakapark na motor sa labas. Kanino kaya yun? Nakabu