Chapter Fourteen Ruby Kakaunti lamang ang naitulog ko. Paikot-ikot lang ako sa kama dahil patuloy kong iniisip yung mga nangyari kagabi. Paulit ulit na nagfaflashback sa utak ko yung mga tanong ko, yung mga nakakainis na mga sagot niya at yung pag-iyak ko. Naiinis ako sa sarili ko pero wala akong magagawa. Tapos na eh. Five thirty pa lang ay naliligo na ako. Hindi sa excited ako pero gusto ko sanang iwasan siya kahit ngayong araw lang. Kaya maaga rin akong aalis. Pagkaligo ko ay nagbihis na rin ako agad. Pinili kong magsuot ng magara para balik lang ako sa dati. Nagmake up rin ako. Nagsuot ng mataas na takong saka nagsalamin muli. WELCOME BACK RUBY Naglakad na ako palabas ng gate. Sa wakas ay wala pa siya kaya nagmadali akong naglakad papunta sa sakayan. Thank you lord dahil