Chapter Sixteen Ruby “Oh bakit nandito si Baste?” nagtatakang tanong ni Aling Gara nang makapasok sa kwarto ko. “Nagdala lang po ng pagkain tapos natulog na diyan kaya hinayan ko na po,” sabi ko naman. Ayun si Baste, prenteng nakadapa sa kama ko. Ewan ko kung tulog na talaga siya pero feeling ko tulog naman na talaga siya kasi parang humihilik pa ng konti. “Oh siya lalabas na ako. Sasabihin ko lang sana na maglock ka ng pinto pag umaalis ka at kapag tulog ka. Pinasok ng magnanakaw ang bahay nila Puring kanina. May nanakaw na mga mahahalagang gamit at alahas,” sabi ni tita. Dito rin po Aling Gara may nakapasok na magnanakaw. Magnanakaw ng feelings at ng ng halik. Ninakawan po ako. Nasamantala po ang kahinaan ko. Sigaw ng isip ko. “Opo Aling Gara. Huwag po kayong mag-alala,”