Chapter Fifteen Ruby Namula ako sa sinabi niya sa akin. Nagpipigil lang siya? So cute Baste. Sumasakit ang puson ko sa pagpipigil… Paulit ulit na naririnig ko sa utak ko ang mga sinabi niya. Hindi ako nakinig kaya sobrang kapit pa rin ako sa kanya. “Gusto mo talaga akong natotorture no?” sabi niya habang nagdadrive. Imbes na sagutin siya ay inilagay kong muli ang ulo ko sa likod niya. HHHAAAYYY sana hindi na matapos ito. Ang sarap lang sa feeling na nakayakap ako sa kanya. Nakaside view ako kaya medyo mahirap sa akin ang patagilid na pagyakap sa kanya kaya todo effort ako. “Kailan maaayos yung tricycle mo?” tanong ko. “sa lalong madaling panahon,” sabi niya. Alam ko ang gusto niyang mangyari. Sana hindi muna maayos. Sumasakit ang puson ko sa pagpipigil… Sumasaki