Chapter Nineteen Baste Okay, nanalo pa rin yang prinsipyo mo…. Umaalingawngaw sa isipan ko yung mga nasabi niya. Sapo-sapo ko ang noo ko habang naiwang nakatayo sa may puno ng manga. Umalis na siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil ni hindi ko magawang ipaglaban ang nararamdaman ko sa prinsipyo ko. Dalawang babae na ang isinuko ko dahil sa prinsipyo ko. Pareho silang may kaya sa buhay. Ako, wala akong maayos na buhay at wala ring kumpletong pamilya. Kaya pinalaya ko na sila bago pa man tumagal pa ng sobra. Sabi ko nga, simple lang ang nais ko sa buhay. Pero iba yung kay Ruby. Hindi ko man maamin pero may puwang siya sa puso ko. Pinipigilan ko ang sarili kong lumuha nang magsimula siyang maglakad palayo. Gusto ng puso kong sigawan siya pabalik pero may bagay na pumipigil sa