Chapter Twenty Ruby Nasa supermarket kami ngayon. Tulak tulak niya ang cart at ako naman ang kumukuha ng mga groceries. “Huwag ka masyadong kumuha ng mga instant na pagkain. Hindi kami mahilig kumain niyan,” sabi niya nang maglagay ako ng mga noodles sa cart. “Ako ang kakain,” sabi ko at naglagay pa ng ilang cup noodles. Nagulat naman ako nang ibalik niya ang ilan sa mga ito. “Kaya ang payat mo kasi puro ganyan ang kinakain mo,” sabi niya saka ibinalik ang ilan sa mga instant noodles. “Ibalik mo yan. Pag nagugutom ako kapag gabi yan ang kakainin ko,” naiinis kong sabi. “May iba akong ipapakain pag nagugutom ka sa gabi,” nakangisi niyang sabi. “Baste seryoso ako. Hindi ito oras ng biruan,” ibinabalik ko naman yung mga ibinalik niya sa istante. “Seryoso rin ako,” saad n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books