"Pwede ba tama na yan ibaba mo na ako Calvin at wag niyo na akong isali sa alitan niyong dalawa.
"Don't worry mabilis lang to ok mananalo tayo,pag natalo ako ibibigay kita sa kanya"
"Laruan ba ako hah?"inis na sabi ko.
"Your more than that!"
Inirapan ko siya at tinawanan niya lang ako parang di siya marunong magalit lagi kasi siyang nakangiti at tumatawa.
"Be ready, sigurado mahihirapan tayo nito,look at him parang gusto niya tayong bugaan ng apoy galit na galit na siya, your husband is like a angry bird,I think his jealous hindi yan magkakaganyan kung di ka niya mahal,his not like that before so interesting"
"Patawa ka di yan nagseselos,ayaw niya lang matapakan ang pride niya kaya siya ganyan dimo alam ang sinasabi mo"
"Be ready hold your breath!"napakapit tuloy ako mukhang seryoso ang mokong na yun, nagbukas ang bintana ng kotse ni Aldrin.
"Try harder,if you loose don't work at hotel starting tomorrow!"galit na sigaw niya kay Calvin.
"Sure but hindi ikaw ang may ari sa hotel na yun si Marisa lang ang tanging magdesisyon kung paalisin niya ako"
"I'm his husband naintindihan mo!"
Naghanda na silang parehas nagtatagisan sila ng tingin,talagang seryoso sila sa karerahan na ito,ako ang kinakabahan bakit ba ako napasok sa sitwasyon na to gusto ko lang naman kumain dahil gutom na ako pero bakit humantong sa ganito.
"Aaaahhhh!!!"napatili ako ng biglang tumakbo nag sports car ni Calvin, nagsimula na silang magkarerahan.
"Lord help me gusto ko pang mabuhay, pwede tama na feeling ko mamatay na ako!"sigaw ko pero tinawanan niya lang ako tas hinagisan niya ako ng candy.
Panay ang aking sigaw sobrang takot ako diko alam kung saan ako kakapit ang bilis parang lumilipad ang kotse.
"Eat that candy para dika mahilo"
"Paano ko ito kakainin baliw ka ba?tama na gusto ko ng umuwi !!" halos mamatay na ako dahil parang humiwalay na ang katawang lupa ko dahil sa sobrang takot.Mga halimaw tong mga taong ito para silang nagpapalipad ng fighting jet.
"Sa harap!! mababangga tayo!!"
"Relax!!"nakangiting sabi nito.
"Makuha mo pang ngumiti diyan"inis na sabi ko sa kanya.Nang tignan ko ang kotse ni Aldrin nasa unahan na namin, diyos ko ang bilis niyang magpatakbo ng kotse lagi niya kami inoovertakan kaya napapasigaw ako.
"Hold tight Marisa this is the final lets go!!'
"No!Aahhhhh!!!"sa sigaw kong yun nandilim ang paningin ko at biglang tumigil ang mundo ko,para akong lumulutang"
"Marisa,hey Marisa!wake up!!" yan na lang ang katagang narinig ko.
***Aldrin Williams***
Diko pa naibibigay ang best ko pero mukhang matatalo na ang taong to,he really pissed me off wala pang nakakatalo sa akin pagdating sa karerahan maliban lamang kay Leon.
"Wala ka parin pinagbago you still the same, your such a looser"panay ang overtake ko sa kanila di ako papayag na makaisa siya sa akin lalo na't kasama niya si Marisa,
"You will never win Calvin!"
Lumalaban talaga ang gagong to,I admit it nagka improve na siya di katulad dati pero ganoon pa man di niya parin ako kayang tapatan,panay ang sulyap ko sa kanila.
Panay din ang pang aasar niya sa akin kaya nagalit ako at inovertaken ko sila ulit,at yun ang dahilan ng muntikan nilang pagbangga.
Tumigil na bigla ang kotse ni Clavin,bigla akong kinabahan kaya bumaba din ako.
Kinatok ko ang bintana ng kotse pero ayaw niyang buksan,kaya kinatok ko ulit ng pagkalakas lakas,nagbukas naman ito.
Pero tumambad sa akin ang imahe ni Marisa na nakasandal sa upuan na wala ng malay.
"What the hell,what happen to her!"galit na sigaw ko kay Calvin.
"She's passed out,sa sobrang takot niya saiyo, muntik mo ng banggain ang sinakyan namin"
"Ikaw ang dahilan nito,ang lakas mong maghamon ng karera wala ka naman maibubuga!"binuksan ko ang pintuan ng kotse saka binuhat si Marisa palabas.
"Pag may masamang mangyari sa kanya, kahit saan ka pa magtago hahantingin kita"
Di siya nakaimik halatang kinakabahan din siya,buti na lang nakontrol ko pa ang sarili ko sa taong ito kumukulo talaga ang dugo ko tuwing nakikita ko siya.
Sinakay ko kaagad sa kotse ko si Marisa at agad pinaandar ang aking sasakyan papunta sa villa.
pagdating namin,agad na pinasok ko siya sa kwarto, sakto naman dumating si manang Rosa at sinundan niya kami papasok sa kwarto ko.
"Diyos ko anong nangyari sa kanya iho bakit wala siyang malay"
"Nashock lang siya manang,tawagin niyo ang family doctor natin dito ngyon din papuntahin mo rito sa bahay"utos ko sa kanya.
Agad naman sumunod at tinawagan niya ito,pagkalipas ng ten minutes dumating na siya, dumaretso siya sa kinaroroonan ni Marisa.
"What happen to your wife?"agad na tanong niya sa akin habang inaasikaso niya si Marisa.
"She suddenly passed out!"
"For what reason,di naman mawawalan ng malay tong asawa mo kung walang dahilan don't tell me,you--"
"Is not what you think Zaira,ganoon na lang ba tingin mo sa akin"
"Bakit hindi ba?"
"Just look at her,lalabas muna ako"
"Ok tawagin na lang kita"sabay kinindatan pa niya ako at ngumisi.
"Crazy!"sabi ko sa kanya sabay sinara ko ang pintuan.
"Sama talaga ng tingin ng babaeng to sa akin
ngayon lang nga siya nagpakita ganito pa sasabihin niya sa akin"sabi ko umupo ako sa sala para antayin kung anong resulta ng pagcheck up niya sa kanya.Nag aalala din ako kahit papaano resposibilad ko na siya dahil asawa niya ako pero diko parin maiwasan magalit sa kanya pag naalala ko ang dahilan niya kung bakit niya ako pinakasalan.Lumapit sa akin si manang Rosa dinalhan niya ako ng kape.
"Iho magkape ka muna habang inaantay mo ang doctor na lumabas sa kwarto ni Miss Marisa,ano ba talaga ang nangyari sa kanya, saiyong dalawa"
"Diko rin alam manang bigla na lang siya nawalan ng malay"
"Baka buntis na siya iho"
"Manang sobra naman kayong mag isip nabuntis ko kaagad paano?"
"Natural naman na mabuntis siya dahil mag asawa kayong dalawa"
"Di po yan ang dahilan, saka malabong mangyari ang iniisip niyo"
"Oo nga naman malabo talaga,kilala na kita dika nagseseryoso sa babaeng matino,sige na inumin mo na yang kape mo,para mawala ang kaba mo halatang nag aalala ka na sa babaeng matino"
"Masyado na kayong madaldal manang itong nakaraang araw,naimplewensiyahan ka na ata ng babaeng yan"
"Baka nababaguhan ka lang sa akin iho,paano matagal ka ng di umuuwi dito, ngayon ka lang nauwi dahil andito asawa mo,medyo nagbabago ka na rin iho, sige na maiwan na muna kita babalik ako mamaya pag may resulta na sa kalagayan ni miss Marisa"tumango lang ako,nakakapagtaka nakuha agad ng babaeng ito ang loob ni manang mahirap din makuha ang loob niya dahil lagi siyang seryoso,pero ngayon nagiging madaldal na rin siya.
"Aldrin!"napalingon ako kaagad ng tinawag ako ni Zaira,kaya tumayo ako kaagad at lumapit sa kanya at pumasok sa kwarto.
"What happened to her?"nag aalalang tanong ko sa kanya.
"Really unbelievable,nag aalala ka na talaga sa isang babae,parang ibang Aldrin ang kaharap ko"
"I'm serious Zaira"
"Relax she's ok,Hmmp Marisa pwede mo ng ibukas ang mga mata mo"
"What!gising na siya?"agad na sabi ko.
"Oo kanina pa ng lumabas ka gising na siya"
"So what happening to her?"
"Hmp,that case she's only hungry,wala pang laman ang tiyan niya kaya siya nahimatay she passed out,dahil sa gutom"natatawang sabi ni Zaira.
"Marisa!"inis na sigaw ko sa kanya.
Dahan,dahan siyang bumangon at umupo saka yumuko,diko maitago ang inis ko sa kanya.
"This is so crazy,akala ko na anong nangyari saiyo yun pala gutom ka lang.
"Kasalan mo ito dimo ako pinakain kaya ako nagutom tapos sinali niyo pa ako sa kagaguhan niyo ng Calvin na yun"
"Are you serious, kasalanan ko pa ngayon kung ba't ka nagutom"
"Oo dahil nasa restaurant na nga tayo hinila mo pa ako palabas,at ng sasama ako kay Calvin para kumain,anong ginawa niyo,ginawa niyo akong pustahan"
"It's not my fault, it's your fault ba't ka sumasama sa taong dimo kilala"
"Wait,tama na yan,saka Aldrin nagkita na kayo ni Calvin andito na siya sa pilipinas?"
"Yeah are you happy?"tanong ko sa kanya.
"Of course not,matagal na panahon na yun wala na sa akin"
"Are sure?ng marinig mo ang pangalan niya nag iba na ang itsura ng mukha mo"
"Your thinking to much"pagtatanggi ni Zaira.
"Teka lang,hello pasyente ako dito walang pumapansn sa akin saka gusto ko ng kumain"sabad ni Marisa, nakalimutan ko tuloy andito pala siya.
"Oh sorry,I forget,by the way Aldrin pakainin mo na kaya itong asawa mo baka mamatay pa sa gutom"kinuha ko ang telepono sa side table at tinawagan ko si Manang.
"Manang Rosa pakidalhan ng makakain si Marisa dito sa kwarto niya"agad ko din binaba.
"Antayin mo na lang ang pagkain mo dadalhin na ni manang dito,mag usap tayo mamaya pagkatapos mong kumain"
tumango lang siya sa akin.
"Ok maiwan ka namin muna,Zaira let's go may kailangan tayong pag usapan.
"Ok!"agad na sagot niya sa akin,pahakbang palang kaming dalawa na palabas sa kwarto ng bigla akong inakbayan ni Zaira,well di na bago sa akin ito, she's my friend and sabay kaming lumaki, lagi nga kaming pinagkakamalan na may relasyon dahil sa lapit namin sa isa't isa.She's our private doctor in our family pinalitan niya ang kanyang daddy na nagretire na mula sa family doctor namin my friends know her specially Leon.
"Anong pag uusapan natin"agad na tanong ni Zaira sa akin na seryosong ang mukha.
"Kailan ka pa dumating?nagsawa ka na ba sa kakatravel mo?at naisipan mo ng umuwi dito"
"Excuse me,di kung saan saan lang ako pumunta, naglibot man ako sa buong mundo para naman sa ibang tao ang ginawa ko, marami akong natutunan at natulungan sa pag volunteer ko sa ibat ibang sulok ng mundo, siyempre napagod din ako at namiss ko ang pilipinas kaya ako umuwi"
"What a liar,umuwi ka lang dito dahil nalaman mong andito na yung gagong yun"
"No your wrong mister,eh ikaw umuwi lang ako dito may asawa kana,kala ko ba never kang magpapatali sa isang babae,so anong nangyari saiyo ngayon "
"Your talking to much "inis na sabi ko.
"Dimo ako sinasagot,mas lalo akong magiging madaldal pag dimo sabihin ang totoo ba't bigla kang may asawa"
"Kahit may dahilan ako diko rin naman sasabihin saiyo"
"Ok fine,bahala ka nga teka nga ba't dimo saluhan yung asawa mong kumain?"
"Zaira, I'm not hungry kung gusto mo ikaw ang sumalo sa kanya,I need to go now may trabaho pa akong iniwan sa company tapusin ko lang?mamayang gabi may padinner dito sa bahay, mommy is here sigurado matutuwa yun pag nakita ka niya you can go for dinner here"saka ako humakbang paalis.
"Wait aalis kana dimo man lang silipin ang asawa mo kung ok lang ba siya"
"No need,ok lang siya,sige mauna na ako"
paalam ko sa kanya,bago ako umalis sinilip ko muna siya sa kwarto niya.
"Anong problema mo,parang biyernes santo ang mukha mo"wala siyang kagana gana kumain"sabi ko ng makita kong tinitigan lang ang pagkain sa harap niya.
"Bakit dika pumasok sa loob para subuan mo siya"nagulat ako ng magsalita si Zaira sa likod ko.
"Your Really crazy"saka ako humakbang paalis, narinig ko pa siyang tumawa ng pagkalakas lakas.
"Di ka parin nagbabago,your still the same mapang asar"napangiti ako sa kanya.
***Marisa Sanchez***
Parang matagal na silang magkakilala, dahil komportable sila sa isa't isa mag usap lalo na't napakaganda ng doctor na babaeng ito pang Miss universe ang ganda.
Imbes na gutom na gutom ako,ngayong ba't parang nawala ang gutom ko sa sobrang inis sa kanilang dalawa diko maiwasan.
Nang akbayan ni doctora si Aldrin
nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya.
Saka yung dinala na pagkain sa akin parang diko na magalaw bigla akong nawalan ng ganang kumain,kumain lang ako ng konti.
Gabi na pala diko namamalayan,sabi niya babalik siya dahil mag uusap daw kami pero maggagabi na wala ng bumalik na Aldirn dito sa kwarto na kinaroroonan ko,kahit si doctora nagpaalam na din siya na umalis.
"Saan na ba yung lalaking yun kanina ko pa siya inaantay gabi na nakalimutan na ata nila ako,wala na akong magawa pa kundi mag antay na lamang.
Mag aalesyete na ng gabi,abala sila sa baba dahil sa dinner mamaya,pero wala parin si Aldrin gusto ko siyang tawagan ,pero baka magalit nanaman.
Biglang may kumatok,agad ko namam binuksan.
"Iha kanusta kana ok ka lang ba?may masakit ba saiyo"
"Tita ok lang po ako wag kayong mag aalala"
"Pero it's not okey for me iha, kailangan niya pagbayaran ang mga ginawa niya, besides ganyan na nga lang ang kalagayan mo nagawa ka parin niyang iniwan dito sa bahay"
"Ok lang po talaga tita wag na po kayong mag alala pa,kayo po kamusta na po pasensya na kayo kanina"
"Pero di man lang sinabi ng batang yun ang nangyari saiyo kanina kung di pa ako umuwi dito diko pa malalaman at nagawa ka pa niya talagang iwan sa ganyang sitwasyon mo"
"Tita ok lang po ako kaya ako nawalan ng malay dahil sa gutom"
"Wag mo siyang pagtakpan,ng nalaman ko kay Rosa ang nangyari saiyo agad Kong tinawagan si Calvin at kwinento niya ang nangyari kanina"
"Ok lang po talaga tita,sige na mauna na kayo sa babae magbihis lang ako para makakain na tayo "
"Napakabait mo talaga iha,sige na magbihis ka na at antayin kita sa baba"
"Sige po tita"tinungo ko ang aking banyo at nagbihis,nagsuot lang ako shorts denim na maong at big shirts,nagsuklay lang ako saka ako bumaba papuntang dining area.
"Wala pa siguro si Aldrin wala pang tumatawag sa akin na kakain na"palapit na ako sa dining area,nagulat at napaatras ako dahil andito na pala sila,Di muna ako lumapit tumayo muna ako sa malaking vase na may mga bulaklak,kaya di nila ako basta basta makita.Malaya ko silang nakikita mula dito sa kinaroroonan ko.Si doktora andito pala siya sa tabi ni Aldrin at masaya silang nag uusap panay pa ang hampas ni doc sa braso ni Aldrin parang matagal na talaga silang magkakilala masayang masaya silang nag uusap,pati si Mam Avelina masayang nakikipag usap sa kanilang dalawa.
Ba't ako nakakaramdam ng pagkainggit di naman siya ganyan makipag usap sa akin ang ganda ng mga ngiti niya kay Doc.
"Bagay na bagay sila, napakaganda niya para siyang beauty queen at napakagwapo din ni Aldrin.Parang umuurong ang mga paa ko at gusto na lang umalis.Saka ayaw ko na lang sila istorbohin sa masayang pag uusap nila.
Pero gusto ko rin pumunta sa dining area.
Huminga ako ng malalim saka humakbang palapit sa kanila ng makita kong pinupunasan ni Aldrin ang bibig ni doc,at si mam Avelina naman masayang kinuhanan niya ng larawan ang dalawang sweet na sweet.Biglang nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili.Feeling ko nakakagulo lang ako sa kanila.
"Oh Marisa iha ano pa ginagawa mo rito ba't dika makisalo sa kanila, ikaw na lang inaantay nina madam"
Kaya napatingin sila sa kinaroroonan ko.
"Marisa iha,halika na kumain na tayo kanina ka pa namin inaantay"
Wala na akong nagawa pa kundi lumapit sa kanila kahit labag sa kalooban ko.
Tinignan lang ako ni Aldrin na parang di niya ako kakilala.
"Hello Marisa halika dito sa tabi ko"yaya sa akin ni doc.
"No need dito na lang ako sa tabi ni mommy"
sabi ko sa kanya.
"Doon ka na lang sa tabi ni Aldrin iha"
"No need po ok lang ako rito"
"Wag niyong pilitin kung ayaw niya"sabad ni Aldrin,sabay nilagyan niya ng pagkain ang plato ni doc.
"Iha try this so delicious one of Aldrin and Zaira favourite lalo noong bata pa sila" nilagyan niya ang aking pinggan"panay ang biruan nilang dalawa,naghaharutan sa hapagkainan.
"Yeah Marisa this food is my favourite,since then alam mo bang umiiyak ako dati pag di ako dinadalhan ni Aldrin ng pagkain na yan, kaya kahit labag sa kalooban niya ginagawa niya parin sa akin"
"Stop it Zaira"sabi ni Aldrin sa kanya,ako naman para akong extra dito or kontrabida sa kanila,parang gusto ko ng umalis.
Wala silang pakialam sa akin basta nagkwekwentuhan lang sila tungkol sa nakaraan at mga personal nilang mga buhay. Nakakahiya,parang di nila ako nakikita.
"You know Marisa noong bata pa kami,he pee in his pants!"sabay tumawa.
"Yeah thats true"sabad naman ni mam Avelina.Pilit lang ang ngiti ko,ang sarap ibato sa kanilang pagmumukha ang plato ko na puno ng pagkain.Dahil sa inis ko at diko na kaya tumayo ako bigla.
"Oh iha tapos kana ba dipa mababawasan ang laman ng plato mo ah"
"Yeah dika pa kumakain ah"sabi din ni doc.
"Busog na po ako!"mahinang sagot ko.
"Pero iha kailangan mong kumain "
"Ok lang po, busog pa po ako"tumalikod ako sa kanila.
"Marisa iha okey ka lang ba?halika muna dito kumain kana muna saka ka magpahinga "
"Are you deaf!seatdown and eat your food!" sigaw niya sa akin.Di ako gumagalaw sa kinatatayuan ko,habang nakatalikod ako sa kanila.
"Iha are you alright?son wag mo siyang sigawan"
"Ok lang po ako,sige mauna muna ako sainyo"nanginginig ang boses ko.
"Where do you think are you going,seat down, walang aalis kumain ka"alam kong galit na siya sa akin kahit diko man tinignan ang kanyang mukha.
"Aldrin enough, don't shout her,baka masama lang pakiramdam niya"sabi ni doc.Dahan dahan akong lumingon sa kanila,galit na galit nga siya parang papatay ang kanyang itsura.
Inaawat siya ni doc,mabuti nakinig siya kaagad at pinaupo niya si Aldrin.
"Mauna ako sainyo, enjoy your dinner,may pupuntahan pa ako,saka ayaw kong makaistorbo sainyo"sabay tumakbo akong paalis sa hapagkainan.
"Marisa comeback here!"narinig kong sigaw sa akin Aldrin,pero di ako lumingon.Tumakbo ako palabas ng villa,walang humarang at pumigil sa akin.Ang bigat dito sa dibdib ko ang nasaksihan ko kanina, para outsider lang ako sa kanila, ba't parang kasalanan ko, feeling ko naistorbo ko sila.
Pumara ako ng taxi agad akong sumakay.
Nang maalala kong wala pa akong dalang pera pati cellphone ko wala akong dala.
Pinara ko ang taxi, dahil wala pala akong pambayad.
"Manong dito na lang ako, pasensya kana wala kasi yung pera ko naiwan sa bahay"
Binaba miya naman ako kaagad,gabi na medyo madilim dilim pa ito.
Naglalakad lang ako, diko alam kung saan ako pupunta.Namataan ko ang isang park pumunta ako sa mga palaruan,umupo ako sa swing.Parang tanga lang ako, umalis ako na walang pera at cellphone.
Diko kaya silang tignan bakit ba ako nakakaramdam ng sakit dito sa dibdib ko.
"No Marisa dapat wag mong seryosohin,ito
pumayag ka lang magpakasal para makuha mo ang hotel"
Di naman ako kawalan sa kanila kahit mawala ako.See di man lang nila ako hinanap oh tinignan lamang"Tumayo ako sa may swing at pumunta ako sa may slide,sa slide tube pumasok ako sa loob at doon ako nahiga.
"Siguro kahit mamatay ako wala parin nag aalala sa akin at hahanap si mommy parang wala ng pakilalam sa akin at sarili kong asawa walang pakialam,siguro kapalaran ko ng magkaganito at mag isa sa buhay "
Pinikit ko ang mga mata ko,ilang oras din ako dito,diko namamalayan kusa ng pipikit ang mga mata ko,ayaw ko pang umuwi ayaw ko silang makita muna sa bahay gusto ko mapag isa,gusto kong malayo sa kanila lalo na kay Aldrino.