Aga went back to the room and told me the house was safe. Naging ginhawa naman ito sa akin. Nakahiga na ako sa aking kama at dinadalaw na ng antok. It’s been a long day and night for me, I needed a rest.
Pinikit ko na ang mga mata pero may luhang nakatakas.
Let the night do its work.
Nagising ako kinaumagahan dahil sa lakas ng busina ng isang sasakyan. Kumunot ang noo ko dahil sa sakit ng ulo. Sa lakas ng busina, para akong mabibingi. Dinilat ko ang mga mata at inis na inis. Anong oras na ba? Bakit ang aga naman? Sandali nga lang…
Nanlaki bigla ang mga mata ko.
Sasakyan? May tao sa labas? Napabangon ako agad. Bumalikwas ako sa kama na hindi alintana ang sakit ng ulo at dumiretso sa bintana para silipin kung ano ang nangyayari sa labas. Napansin ko na may mga malalaking sasakyang nakahilera sa daan.
Walang tao ang loob nito.
“Power Corporation?” Basa ko sa nakamarka sa malalaking sasakyan.
“Hoy Rolly! May tao sa bahay. Katukin mo!” Rinig kong sigaw ng lalaki. Nahanap ko agad ang boses na ‘yon. May lalaking umaakyat sa poste.
Napaatras ako at napaupo. He saw me! F*ck! He really did!
“Sigurado ka?” Rinig kong sagot ng isang lalaki.
“Oo nga! Bilis!” Utos nang nakakita sa akin.
I never crawled that fast to get out of the room. And I never called someone’s name so desperately. Pinagpapawisan ako na parang batang hindi marunong maglakad.
“Aga! Aga! Aga!” Paulit-ulit kong tawag sa kaniya.
Nang makalabas ako ng kwarto, may lalaking bumungad sa akin. Mabilis akong tinayo ni Aga at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Tuliro ako at hindi alam kung ano ang sasabihin.
“Anong nangyari?” Tanong ni Aga.
“May tao. May nakakita sa akin! Anong gagawin natin?” Desperado kong sabi.
Kumunot ang noo niya. Hindi niya siguro maintindihan ang sinasabi ko. Mahigpit akong humawak sa kaniya na para bang nakakita ako ng multo. I’m screwed! What did I do that? Dapat sa una palang, hindi na ako gumalaw sa kama.
“It’s okay, kumalma ka lang. Inaayos lang nila ang mga poste.” Paliwanag ni Aga.
Napatikom ako ng bibig. Alam ko naman ‘no! Nakita ko na inaayos nila ang poste. Masyado bang OA ang reaksyon ko? Kailangan ba akong matakot? Simula nang napadpad ako rito, hindi na yata ako normal. Lahat ng bagay may meaning. Hindi naman ako nagkakape. Oh, I had one yesterday.
“Lumabas ka ba?” Tanong ko.
“May tao ba rito? Tao po!” Sigaw ng lalaki sa labas sabay katok sa pinto.
Napatalon ako sa gulat. Mabilis akong napahawak sa dibdib at sabay kaming napatingin sa pintuan.
“Ako na ang bahala. Kalma ka lang.” Ngumiti siya sa akin. He always has this charm on his face saying ‘when you’re with me, you don’t need to worry’ card. “I was making us breakfast, so I couldn’t check outside. Go have your breakfast now. I’ll deal with them, okay?”
Para naman akong bata, tumango ako at inayos ang pagkakatayo. See?
Lumabas na nga si Aga para pagbuksan ang kumakatok. Sa kusina naman ako tumungo para silipin kung ano ang niluluto niya. Bago ko pa man masilip, may nakahanda na ang lamesa at may mga pagkain na rin. Aga niya naming nagising, kaya siguro ‘Aga’ ang pangalan niya? Pff! Silly!
Unlike yesterday, may kanin at ulam. Naaamoy ko na ang tocino, longganisa at itlog. ‘Yan lang siguro nakita niya sa fridge
Umuusok pa ang mainit na kanin at mga ulam.
“Rice for breakfast?” It’s not that I haven’t had that before. Our house cook usually prepares it, but I don’t usually eat rice in the morning.
Not bad.
Umupo ako at nilapit kaunti sa akin ang pinggan. Habang sumusundok ako ng kanin, yung tainga ko naman ay nakikinig sa usapan sa bandang pinto pero wala akong narinig, lumabas si Aga at sinarado ito.
I should really calm down. Lahat ng bagay ginagawan ko ng kabuluhan. Ilang araw na rin ako dito at wala naman akong nakikitang kahina-hinala. Nag-o-overreact lang siguro ako.
Hays! I’m just probably missing my life. My old life…
Kakain na sana ako pero naisip kong hintayin nalang si Aga. After all, he did all of this, at least respect and maging grateful naman ako sa effort niya. Kahit na kumakalam na ang sikmura ko dahil na rin sa masarap nitong amoy, pinipilit kong maghintay.
Hindi rin naman nagtagal, bumukas ang pinto at niluwa nito si Aga. Agad niya nakita ang direksyon ko kaya napangiti ako.
“Ano raw sabi?” Tanong ko.
“Humihingi lang sila ng permiso na gawin ‘yong mga poste. Walang makakadaan na sasakyan dahil one-way lang din at private property, kaya humihingi rin sila ng tawad.” Sabi nito.
I pursed my lips. Yun lang naman pala. Akala ko naman kung ano.
Tsaka valid din ang panicking ko ‘no! ‘Di ba?
“That’s good.” Hehe
Aga made sure the door was locked before he headed towards the dining table. Napansin ko agad na fresh na fresh ito. Mukhang nakauwi ito sa rest house niya para maligo at magbihis. He looks like he’s ready for the day.
Nanliit ang mga mata ko. Anong oras ba siya gumising? Napaka-morning person niya naman yata. Ako nga kulang pa yata sa tulog. Kung hindi lang dahil sa ingay sa labas hindi ako magigising agad.
My eyes lingered on him, admiring his pleasant look. I’m impressed. He’s clean and well-dressed. I just don’t know how to describe him without being biased.
Tsaka ko lang napagtanto na nakalimutan kong ayusan ang sarili ko. Napahawak ako sa buhok ko at dali-dali itong inayos. Nakakahiya! Ano kaya ang hitsura ko kanina? Napahawak ako sa gilid ng mata ko, baka may muta pa ako. My mouth, bad breath pa ako. Ang baho baho ko pa! Did I present my filthy self to him?
When I realised that horror, I suddenly wished I’d disappear right now.
“That was embarrassing…” I whispered.
“Hmm?” He seemed to hear me whispering.
Nasa opposite side na siya ng table at handa nang umupo. He smirked, he probably caught was I was doing.
“Nothing. Let’s eat.” Hehe
Then he chuckled. Sumimangot naman ako. Pigilan niyo ako! Masasakal ko ang taong ‘to. He definitely caught me.
Kumain na kami ng agahan. Sa simula, hindi kami nagkibuan. Nakapinta pa rin ang pagpapahiya ko sa sarili ko. Siya rin naman, tahimik lang din siyang kumakain. More likely, malalim ang iniisip. Nagkibit balikat nalang ako.
Patapos na kami sa pagkain nang maisip kong magtanong sa kaniya.
“Uhm…” I trailed off.
He paid attention to me.
“Aalis ka na ba? Kailan ka babalik?” Nahihiya ko pang tanong.
His eyes lingered to me. Ngumunguya pa ako ng huli kong kutsara kaya halos mabilaukan ako sa titig niya.
Bakit ba kasi may titigan?
“I have things to do.” Tipid niyang sagot.
Ay! Para namang nakakahiya sa kaniya.
“Are you sure?” I said. Napatigil siya saglit at kumunot noo. “I mean, isn’t it dangerous now that someone saw me? What if… coincidentally… uhm…”
Hindi ko na madugtungan. SIguro naman gets na niya kung ano ang gusto kong ipahiwatig. He can go if he needs to. I’m not going to stop him but if we think on the other side, you know… I don’t think it’s a good time.
“I don’t think he knows you—”
“What if… coincidentally…” ulit ko.
Natahimik siya. At this time, pinaglalaruan ko na ang pagkain ko. Totoo naman talaga na baka tama ako. COINCIDENTALLY. There could be a possibility. Let’s talk about safety here.
Tama naman ako ‘di ba? I’m not making a story to make him stay. He can go. I’ll be alright alone. It had been like that before he came. It’s not like gusto ko rin na pigilan siya.
Again, he can leave. No one is forcing him not to.
“I don’t think I can leave you for too long.” Sabi niya.
Napalunok naman ako ngayon. Bakit ba may atake? Is he realising my statement? Like I said, he can go if he wants to. It’s on him! But if he’s prioritising my safety, then he should think again. Napainom ako bigla ng tubig.
Ano ba ‘tong pinag-iisip ko? Am I convincing him? Well, YES! For my safety, YES!
“I-It’s okay. Kaya ko naman.” Pagmamalaki ko pa.
My statements are contradictory. I’m crazy! I looked at him shortly and looked away.
He smirked. Halos mabilaukan ako nang makita ko ‘yon.
“You’re right too.” Aniya.
Natameme ako. I need a rebuttal!
“But I need someone to protect me.” Habol ko.
Aga paused again, confused. Umigting ang kaniyang panga at nangingilatis ang mga mata. He’s probably bewildered with my statements by now. I am examining his face. Hindi naman siya mukhang galit. He’s just flaunting his seriousness and manliness.
Sanaol.
“Babalik ako ng Manila after breakfast. May aayusin lang at makikipagkita kay Daevan. Baka madilim na ako makakauwi.” Aga finally concluded.
“Uuwi ka mamaya?” Masaya kong tugon.
“May papadala ka ba? Ipapahanda ko kay Daevan para madala ko pagbalik.”
Naliwanagan naman ako. I’m satisfied! At least I’m not locked in here unsupervised again. Since Aga came, I started to hate being alone. Para kasi akong kriminal na nagtatago sa hustisya. I’m starting to agree with Kuya Daevan’s decisions. Probably, my parents agreed to this as well. Based on Aga’s previous statements and Kuya Daevan's reaction about his sudden visit, he is someone that can be trusted and can protect me.
From now on, he’s the only one who can access this house (of course my family as well). He earned my trust for a short time.
After niyang masiguradong magiging maayos ako, umalis na si Aga pa-Maynila. Dahil wala pang kuryente, magtitiis ako buong araw na walang aircon. And even if the power comes back, I can’t make the workers outside think someone is inside. Mag-iingay ang air conditioner kaya kailangan kong mag-tiis.
Magluluto pa sana siya para sa pananghalian ko pero pinigilan ko siya. I’m not dysfunctional, I remembered I was fine being alone. May natira rin namang pagkain kaya pwede kong gawan ng ibang putahe ang left over.
I had no plans. Balik na naman ako sa tahimik na araw, walang makakausap.
“I miss Clarissa…” banggit ko sa pangalan ng kaibigan.
How is she now? Gusto ko siyang puntahan para maalagaan man lang. Hindi ko man maibabalik ang panahong normal pa ang lahat, gusto kong makabawi.
Is Clarence alright? Is he still waiting for me? Sana lang ay mababalikan pa ako pagkatapos ng lahat ng ito.
Napabuntong hininga ako. Gosh! Ang init!
I spent the day waiting for the night. Naglinis naman ako ng buong bahay para hindi makapag-isip ng kung ano. I tried distracting myself by reading new books from Kuya Daevan’s room. Wala man akong naintindihan dahil tungkol ito sa stocks at finance, naubos ko naman ang buong araw na hindi nagmumukmok.
I refused to do so. It’s not me…
I’m not like that. What happened to me? May katapusan pa ba ito? Nakakababa lang minsan ng kumpyansa. Sa sumira ng buhay ko, napapaisip ako, bakit pa ba nila ako hinayaang mabuhay o makatakas? Was I meant to stay alive after that? I’m also curious and furious.
I just refused to give up. Kung ano man ang kababuyang ginawa ng mga taong ‘yon sa akin, kailangan nilang pagbayaran. Ang dasal ko lang ngayon ay madakip na sila. Sila ang dahilan kung bakit ako nakakulong ngayon! Wala akong mukhang maihaharap sa pamilya ni Calvin.
Alam kong may galit din sila sa akin.
“May papadala ka ba? Ipapahanda ko kay Daevan para madala ko pagbalik.” I remembered Aga asked me earlier.
I told him I need one thing…
“A clock.” I answered.
Gusto kong malaman kung anong oras na sa umaga. Paano ko masasabing alas dose impunto na. At anong oras dapat ako matulog sa gabi.
Aga was confused before he left. He even asked me again. I repeated the same thing.
“Are you sure?” He seemed in disbelief.
Tumango ako at ngumiti.
“And your safety… comeback safe…” sabi ko.
Now, I’m wondering what time is it? Dumidilim na sa labas at nakaalis na ang mga nag-aayos ng kuryente sa poste. The power is back! Kanina pang tanghali sila natapos pero hinayaan ko lang ang dilim na lamunin ang buong bahay.
Gusto kong namnamin ang katahimikan.
Naalala ko, kapag nag-aaway kami ni Rence, pinapalipas pa namin ang mga araw bago kami magkaayos. We don’t make too much effort to reconcile. Hindi ako naghihintay sa kaniya matapos sa school. Gano’n din siya sa akin. We rarely apologise to each other, as long as we knew one of us didn’t do anything wrong. I could say our pride made our relationship pretty rough but strong.
I’m not a clingy girlfriend. He’s not too.
Was he a bad boyfriend? Maybe. But I wasn’t a good one to him anyway.
Mahal namin ang isa’t isa. We both know what people think of him and his sister. Hindi rin ako apektado sa mga usap-usapan tungkol sa kaniya. Rence is a tough man. He’s rude to others but very soft to his sister and to me. Alam kong mahal niya ako. Ilang beses na niyang pinatunayan ang sarili niya sa akin kahit hindi ko naman hinihingi. That’s why I never waited for him. Our fights sometimes subside eventually.
I never learned how to wait. Ngayon lang…
“He never mentioned what time nor how late.” Sabi ko sa sarili.
Nakaupo lang ako sa couch. Naririnig ko ang tunong ng rice cooker, malapit na itong maluto. Ang Tinolang Manok na ay kumukulo na. Hinayaan ko lang ang mga ito habang hinayaan ko lang din ang isip kong magwala.
I hope he’s safe. He should be safe…
Should I call Kuya Daevan? I can ask him for a rough estimation. An update maybe. When that light of an idea came, I reached out to get the telephone. Sa totoo lang, sampung beses ko nang ginawa ito. I wanted to call him so bad. I couldn’t…
I pressed any key to lighten the phone. Tsaka ko lang napagtantong may oras itong nakalagay sa screen. It says, 6.30 PM.
“All this time? What the hell!?” I exclaimed.
I dialed kuya’s number and call.
My heart is pounding. Hawak ko ang puso ko para pakalmahin ito. I’m not crazy, ey?
He should answer with the first three rings.
“What is he doing?” Bakit hindi siya sumasagot? I cancelled the call and redialed. He could be doing something. Board meetings. Investigating. I don’t know but he needs to answer right away or I’m going to get crazy. Another first three rings unanswered so I cancelled.
It was frustrating! Halos itapon ko ang telepono pero pinili kong itabi nalang ito.
Matapos ang sampung minuto, pinatay ko ang mga niluluto ko at bumalik sa couch. Now that I know the time, I’ve been checking it all the time. Kinakagat na ang daliri. Nothing happened bad right?
Okay, calm down! He never said what time he’s coming back. It could be late…
“How late than 8.30 PM?” I complaint as I checked the time. Lumipas na pala ang mahigit dalawang oras at wala pa rin siya. Hindi kagaya kagabi na nawala ang kuryente. The post light is illuminating the house. So, it’s not that dark.
Nakakaramdam na ako ng antok. I didn’t take a nap today. Hindi rin sapat ang tulog ko kagabi kaya tama lang na makaramdam ako ng antok. It’s half past 8.00 PM already. Nanatili akong nakaupo, sinandal ang ulo sa rest ng couch at pinikit ang mga mata.
Waiting is frustrating…
“Gab?” Tawag ng boses lalaki.
My heart skipped a beat. I immediately opened my eyes and saw a chinito reverently staring at me. Napaayos agad ako ng upo.
“Ah!” s**t! My back.
Napahawak ako sa likod ko. Why did I even sleep like that? His eyes immediately changed into concern. Agad niya akong inalalayan kaya nahiya naman ako sa ginawa niya. I felt my cheeks turning into bloody red.
“Bakit ka dito natulog?” Tanong ni Aga.
Pinagdikit ko ang labi dahil wala akong maisagot.
Dinukot ko ang telepono para silipin ang oras imbis na sagutin siya. It’s 11.00 PM! It’s freaking late. There were 2 missed calls too. Sinilip ko na rin ito at napagtantong nag-returned call si kuya.
The telephone rings…
Napatingin kaming dalawa ito. It’s kuya! Too late, you moron!
“Hello…” I sounded bored.
“Anong nangyari? You called twice! Is there an emergency? Palabas na ako ng bahay!” Nag-aalala nitong bungad.
“No! Uhm… I’m okay. I’m sorry… it wasn’t an emergency.” Paglilinaw ko. Nakaramdam agad ako ng hiya kay kuya. Mukhang naisturbo ko siya. Natahimik ito saglit ramdam kong tensyonado siya. I closed my eyes and was ready for his brawl. I… I didn’t mean to do that. It wasn’t a good idea.
“Are you sure?” May pagtitimpi ang tono niya.
“I’m sorry… I… I just can’t help it. I’m alone and… no one to talk earlier. I know you’re doing your best for me! I know you’re tired of me and this f*cking situation. I’m sorry, kuya.” Sabi ko.
Malayang tumulo ang luha ko. Nahihiya lang talaga ako sa kuya ko. Alam ko namang pagod na rin siya. I shouldn’t have done that.
“No… I’m sorry. Natakot lang ako. Don’t be sorry… I was in the middle of something when you called. Ngayon ko lang napagtantong tumawag ka, takot lang akong may mangyari sa ‘yo.” Paliwanag niya naman.
Pagbuka ko ng mga mata, nakatitig lang sa akin si Aga. His left knee is kneeling whilst the other is supporting his balance. Para siyang prince charming sa harapan ko. Inalis ko ang luha ko. Kakauwi niya pa nga lang, may drama na agad.
“I’m okay. I was going to ask if you’re with Aga and what time he’s coming back.” Pag-amin ko.
This time, umiwas na ako ng tingin.
“Oh…” kuya responded.
“But he’s here now. I’m safe from now on.” Dagdag ko.
Tumikhim si Aga na siyang nagpabalik ng tingin ko sa kaniya. Nakangiti na ito sa akin. Mukhang masaya siya sa narinig niya. I can’t believe I spilt some beans right here right now.
“Kailangan mo pa ba akong tumuloy diyan? I’m free.” Singit ni kuya.
I pursed my lips. He should have done it days ago. I felt like hell being alone here. Now that I have company, I kinda don’t need him. If he insists… why not?
“Well, if you want to. You need to update me anyway…” Nagkibit-balikat ako. I heard him flicking his tongue as if he was thinking deeply. I’m not forcing him though. Inalis ko ang luha sa pisngi ko pero tuyo na ito. My tears dried up fast, that was a short drama.
“I’ll see you tomorrow then.” Aniya.
We bid goodbye after. That was unexpected. We were never that dramatic before. Hindi rin ako iyakin. Binaba ko ang telepono at maayos nang hinarap si Aga na buong pasensya lang na naghihintay sa akin.
“I’m sorry,” sabi ko.
“That was 10/10 drama.” He commented.
I rolled my eyes and then smiled after. We both laugh at it. Well… it is what it is. I’m glad he’s home and it’s 11.00 PM.
“I’m glad you’re home. I cooked dinner by the way… are you hungry?” Masaya kong sabi.
Nawala ang mata niya dahil sa pagngiti. “I am hungry. I think you are too…”
I raised my right brows with question.
Now, he’s the one laughing, “whilst you were having a drama with Daevan, your stomach was grumbling.”
What? Agad akong napahawak sa tiyan. Narinig niya ‘yon? I tried so hard not to react to it because I was in tears. Damn it! Napatayo ako bigla sa hiya na siya namang napaatras at napaupo sa sahig. His previous position and my sudden movement made him so.
I sticked my tongue out! Bleh! And left…