Napabangon ako sa panaginip na ngayon ko lang napanaginipan. Mabilis ang t***k ng puso ko at hinihingal. Para ba akong hinabol ng hayop o anuman.
“Gabrielle!” Napahawak si Aga sa mga braso ko.
Mabilis akong pumiglas at tinulak siya sa gulat ko. Taas baba pa rin ang paghinga ko at para bang sasabog ang dibdib ko sa bilis ng pintig nito. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya lumayo sa akin. Pinilit niyang ibalik ang sarili sa kanina niyang posisyon.
“Lumayo ka!” Sigaw ko.
“What’s wrong? I’ve been trying to wake you up. You’re having a bad dream!” Paliwanag niya.
Tuliro ang isip ko at hirap akong tanggapin ang sinasabi niya.
Was it a glimpse of what happened to me? A memory. A cent of my memory? I must tell Kuya Daevan about this. Kung ano man ang nilalaman ng panaginip na ‘yon, baka may maitulong.
“Nanaginip ako. No… it could be a memory,” bulong ko sa sarili,
Nanlaki ang mat ani Aga. Mas lumapit siya sa akin at napahawak muli sa braso ko. May diin ito kaunti pero walang masakit.
“Tell me…” aniya.
Nagkatitigan kaming dalawa.
“N-napaginipan ko ang nangyari sa akin. I-I’m just not sure if it’s a memory or just…” I stuttered.
Aga’s grip softened, his eyes widened and gasped. He examined my whole face with worries.
“Calm down. It’s okay, take it easy.” He said.
“There were men. They were naked and trying to r*pe me.” Patuloy, ko.
Namutla siya sa sinabi ko.
“The faces, have you seen the faces? Kilala mo ba?” Tanong niya.
Umiling ako.
“They were wearing masks, so I don’t know. Even their voices, I couldn’t tell. Hindi pamilyar sa akin.” Sagot ko.
Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili. Si Aga naman ay napabitaw sa akin, hindi siya lumayo pero nanatili siyang namutla. Tuliro siya at kita ko ang panginginig sa kaniyang mga kamay.
“Are you okay?” Napalapit ako ng kaunti sa kaniya.
Aga took a deep breathe before he could answer. Hindi ito makatingin sa aking mga mata. Kita ko ang pamamawis niya.
“Akala ko, magkakaroon na tayo ng bagong lead.” He faints a smile. “It’s okay… I’m sorry, I was a bit distracted.”
He looked away as I see his tears. Bigla akong nanlamig sa nakita. After all, he was also a victim. I can feel his worries and fear.
I leaned towards to him. Napahawak ako sa mukha niya. Aga made me see his weakness as a man. Hindi niya ito itinago o kinakahiya. I understand at all. There’s nothing to be ashamed of.
“I’m sorry about everything.” I told him.
Umiiling siya pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
“It’s okay to be weak, Aga. I’m very sorry. Ang nangyari sa ating lahat ay kasalanan ko. Now that cents of memories are coming back to me, it may help us find them. I can’t assure na totoo ang panaginip na ‘yon, it could me made up in my head, but we will find them. Please… help me.” I continued.
I told him a content of my dream. Hindi rin ako 100% sure na totoo ang panaginip na ‘yon pero may nagsasabi sa akin na paniwalaan ito. Every detail of everything, I told Aga. Ang lugar kung nasaan ito nangyari, ang amoy, at ang mga taong ‘yon. It could help us. Kahit kaunti lang, it could take us somewhere. Hindi ko palalagpasin ang ganitong pagkakataon.
Kahapon, isang pasilip kung paano ako nawala sa bar. Someone put me asleep whilst everyone was busy helping Clarissa and Calvin. That person made the scene to lure people, and then kidnapped me. Aga doesn’t remember about the time, but he was sure it was the moment everyone was distracted. The dr*g hit him hard and that’s when he was kidnapped. He was weak after all. We have now the timeline…
Kung paano kami nawala sa eksena.
Napatingin ako sa malaking orasan sa pader ng bahay. Mag-a-alas kwatro na pala ng hapon. Hindi ko namalayang mahaba pala ang naging tulog ko. Nasa balcony kami ni Aga at nagpapahangin.
He’s got all his needs. Na-installed na niya ang iba sa taas at dahil nga sa bangungot ay napatigil siya sa ginagawa niya. Kanina pa ito nakabalik at hinayaan lang akong magpahinga.
“So, are you leaving tomorrow?” Paglilinaw ko.
Tumango siya, “May kailangan lang akong ayusin. Makikipag-usap din ako sa kuya mo.”
I will be alone again, huh? I faint a smile. Para bang may bumara sa dibdib ko ngunit ayaw kong sabihin. Hindi ko rin alam kung ano ‘to.
“Must be hard running a business, hey?” Pampagaan ko ng usapan.
He too a glimpse at me before he could answer, “Well yes, I started very young. Wala akong alam sa pagnenegosyo. I just can’t find myself being a doctor or a politician. I had to find other ways. I can’t be a family disgrace. Maraming nagsasabing, kami lang ang mga Chinese na wala sa business, doon ko nakuha ang ideya. As you probably know, my family are in politics or in medical profession. It was hard at the beginning. Making friends in business was hard. I had to endure a lot of things, but I could say, I’ve gone through it all.”
“Your family must be proud of you.” Sabi ko.
“They were. They were encouraged too.” Sagot naman niya.
Napatingin kami sa dalampasigan. Malinaw na ito kumpara kanina. Hindi na nakakapaso ang init at mas kalmado na ang umiihip na hangin.
I’m planning to take a dip.
Silence stretched. We both lingered the silence which made us calm. This only happens when I’m here, I will gladly take this opportunity. Minsan lang ito kaya hindi na ako magrereklamo pa.
Hinayaan lang namin ang katahimikan at maging bingi sa hampas ng tubig dagat. Ang gusto ko lang ngayon ay bumalik na sa normal ang lahat. Ayaw ko na ng ganito, nagtatago.
Kung sana’y mas mabilis na paraan para matapos na ang paghihirap na ito.
Naputol ang malalim kong katahimikan nang tumunog ang cellphone ni Aga. Agad naman niyang nag excuse at umalis ng tuluyan. Hinayaan ko lang siya at binalik ang tingin sa dagat.
“The sun is about to set. It should be the best time to swim.” Sabi ko.
Tumayo na rin ako para pumasok sa loob. Wala si Aga sa living room o kusina nang pumasok ako. Naririnig ko ang boses niya sa taas. Kinuha ko ang dala kong tuwalya at sunscreen. Naglagay ako nito bago lumabas. May araw pa rin kaya hindi ko pwedeng kalimutan ang paglalagay ng sunscreen.
Lumabas na ako ng bahay. Hinahagip na ng hangin ang buhok ko at mas namangha ako sa asul na kalangitan. It is slowly fading…
Ang ganda.
Ang sarap ng simoy ng hangin.
Sa malayong buhangin, hinubad ko ang damit. Nilapag ko ang tuwalya, sunscreen at mga damit. Bumababa na ang tubig kaya hindi na ito mababasa. After making sure my stuff is not going to fly away, I walk towards the water.
Para akong batang excited magtampisaw.
“Kuya was right. This place is a healer…” bulong ko sa sarili.
Dahan-dahan akong naglalakad. Ang lamig ng tubig ay kumakapit na rin sa balat ko. It’s therapeutic. I let the cold embraced me until it reached my hips.
My tears fell.
Hindi ko na alam kung anong oras na pero nang umalis ako kanina sa rest house, alas sais na ng gabi. Naligo ako agad para mahimasmasan at tanggalin ang mga buhangin sa katawan. Malagkit na rin sa pakiramdam kaya nagtagal ako sa banyo.
I should ask kuya to buy me a watch or a clock. Para akong nasa bukid na malayo sa kabihasnan, kahit na siguro ang mga taong nakatira roon ay may orasan.
Nakahiga na ako sa kama, wala ng gagawin. Hindi naman ako pagod pero parang naubos ang buong enerhiya ko kanina. Ilang araw na rin ako dito, wala masyadong ginagawa. Small amount of work will exhaust me.
Galing sa bukas kong bintana, rinig ko ang hampas ng tubig sa dalampasigan. Para akong hinihele ng ihip nito. Pinikit ko ang mga mata para makapagpahinga na pero bigla nalang hinampas ng hangin ang bintana. Napadilat ako sa gulat at kasabay nito ang pag-itim ng buong silid.
Ang mga lampshades na nagbibigay ng ilaw sa silid, nawala. Maging ang poste ay mawalan ng ilaw. Napaupo ako at napahiyaw.
Black out? What happened? Bigla akong kinabahan dahil wala akong makita sa paligid ko. Kung anu-ano na ang lumalabas sa isip ko. What if it’s them? If they’re after me, they sure can find me. I must run!
I immediately reached the telephone and tried to dial kuya’s number.
“I can’t see.” Reklamo ko.
I dialled numbers hoping it is correct. Nilapit ko ito sa mukha para mas maramdaman ko ang dial tone. Hindi rin nagtagal, lumilinaw na ang paligid dahil sa buwan na nagsisilbing ilaw.
I made sure I dialled his correct number and pressed call.
Umalis ako sa kama at pumunta malapit sa bintana, I want to see if the entire area is blacked out.
“Hello?” Kuya on the other line.
“Kuya! The house has power shortage.” Sabi ko.
Hindi ito nakasagot ng ilang segundo habang sinisilip ang rest house sa malayo. Madilim din. I wonder if Aga’s awake. He must be deep asleep by now. It’s late…
I guess.
“Kuya!”
“Baka babalik din ‘yan.” Sagot niya,
“Tatawag baa ko kung hindi emergency? The entire area is pitched black!” Pasigaw kong utas.
Napahawak ako sa labi, hindi ko dapat siya sinigawan.
“I will call the electricity company…” he paused, probably thinking what the best would be, then he followed “no, I’ll call Aga! He can help you.”
I rolled my eyes, if I was needing Aga’s help, I would’ve run to the resort. I want an immediate solution. My life could be in danger. What if may nakapasok sa bahay? I’m paranoid right now!
“How long—”
Napatigil ako nang may nakitang lalaking lumabas ng resort at tumatakbo ng mabilis papunta sa bahay.
I gasped. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita. Is that Aga? Diretso ang tulin ng takbo niya na parang may humahabol sa kaniya.
“Gab?” Kuya on the other line.
It’s really him. My heart suddenly racing. Bigla akong nakaramdam ng pag-asa. Para bang may mangyayaring masama sa amin tapos may tumatakbo papunta sa ‘yo para sagipin ka. Hindi siya tumigil at ang limang minutong lakad ay naging dalawa lang. Sinundan ko ang kaniyang takbo hanggang sa hindi na siya nahagip ng mga mata ko.
“Gabrielle!” Aga shouted.
Napatalon ako. He must be at the door now.
“Gab! Are you okay?” Patuloy ni kuya.
“Don’t call anyone. Help is here…” sabi ko at binaba ang tawag.
I threw the telephone on the bed. I rushed towards the door and open it. Dinig ko ang malakas na hampas sa pinto at sigaw ni Aga sa pangalan ko.
“Gabrielle! Are you there?” Sigaw niya.
I can hear his desperation. I was stunned how fast he run towards my house. I can’t see properly because all windows are closed and cover by curtains.
All I can do is slow down para hindi ako madapa at i-assure siya na okay ako.
“I’m here! It’s dark over here.” Sigaw ko pabalik,
“Are you okay? Are you hurt? Please open!”
Calm down, mister. Dahan-dahan lang akong naglalakad baka may mabangga ako’t mabasag. Nawala lahat ng kaba ko dahil sa pagdating niya. Hindi ko inaasahan at hanggang ngayon, namangha ako sa ginawa niya. He was just true to his words.
Aga wants to protect me. Probably because my family is helping him out too. He’s doing his job well.
“Uhm… yeah… hold on!” I’m almost there to open him.
May nakikita akong kaunti liwanag pero hindi masyadong nakakatulong. Ang gusto ko lang ngayon ay pagbuksan siya. Then I will feel safe.
I know I will be.
As soon as I could touch the doorknob, I immediately unlocked all hooks and locks. Pinagbuksan ko agad siya at mabilis na lumapit para yakapin siya ng mahigpit. I’m glad he’s here. I’m not scared anymore. I’m relieved!
“Got so worried. I’m sorry, I was asleep already. I didn’t notice the blackout.” Paliwanag niya.
Umiling ako. Nandito na siya sa harapan ko ngayon, wala na akong dapat pang ikatakot. Nothing will go wrong when he’s here.
“Thank you! I was so scared. Akala ko kung may nagsabotage ng power. I’m sorry for not trusting you fully… I called kuya first instead of you, I…”
Bumitaw siya sa yakap ko at hinarap ako sa kaniya.
“Sshh! No worries. I could understand. Ang mahalaga ngayon ay nasigurado kong maayos ka lang. Panatag na ako, Gab. Don’t be sorry.” Sabi niya.
Hindi ko makita ang buo niyang mukha pero ang mga mata niya ay kumikinang, Nararamdaman ko ang sinseridad ng kaniyang sinasabi. Kaya mas lalo akong nagi-guilty.
“May kandila ka ba o flashlight? Mukhang hindi pa magkakailaw ngayong gabi. Tatawag ako bukas ng umaga kung hindi pa rin babalik. I rushed all the way here, I forgot my phone. Also, we can’t use your telephone.”
“Hindi ako sure. There could be one somewhere. Pasok ka muna…” sabi ko.
Hinanap ko ang kaniyang kamay at hinila siya papasok ng bahay. Nagpatianod naman siya at sinara ang pinto. I must call kuya Daevan again to know if he has hidden candles or emergency flashlights.
“Please be careful, I don’t know if kuya has hidden anything for emergency.” Paalala ko.
Tinatahak namin ang kwarto ko at kumpara kanina mas klaro na ito. Hawak ko pa rin ang kamay niya. Hinayaan niya lang ako at wala akong balak na bitawan ito. He must be with me all the time.
“I might stay here with you for tonight then.” Aniya.
Hindi ko man siya masyadong makita pero nilingonan ko siya.
“You’re planning to leave me after making sure I am safe?” I raised my voice.
Nagulat din ako sa nasabi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na siya matingnan. I mean, he needs to stay after all. What if I’m not safe when he leaves? I can’t imagine dying like that! I can’t protect myself at all.
Aga didn’t respond. I’m sure he was confused.
Nakapasok na kami sa kwarto ko at agad hinanap ang telepono na tinapon ko sa kama. When I hold of it, I dialled kuya’s number again.
I rang twice before he answered.
“Gabrielle…” Kuya Daevan called my name.
“Is there by any chance, you’ve hidden emergency lights or candle or anything to give me light for tonight?” Diretsahan kong tanong.
“I was about to tell you that, but you dropped the call.” May lamang sarkastiko ang sagot niya.
“I’m sorry, where could it be?”
Hindi ako makikipag-away sa kaniya. It’s not a good time plus Aga is here.
Kuya Daevan started to instruct me where he has it hidden. I repeated all of it loudly so Aga can search it. There’s one inside my room and more can be found at the kitchen. Nabanggit niya pa na tinawagan niya ang power company tungkol sa black-out, may pupunta sa amin bukas para tignan ito ang source nito. Babala niya pa na wala akong papapasukin sa bahay.
“Okay, so… nasa ilalim ng closet at sa cupboard ng kitchen, yeah?” Pag-uulit ko.
“Yes… now… don’t—”
Umalis agad si Aga para hanapin ang box na kinalalagyan ng flashlights.
“Thanks, kuya. Don’t worry about that. I’m not a kid anymore.” Sabi ko pa.
“Is there by any chance, Aga is there? No one’s answering his mobile.” Singit niya.
“Yes, he came to help me.” Sagot ko.
“I see. I must talk to him about something, but we can talk tomorrow. Pakabait ka sa kaniya.” He warned me.
Of course, I am good to him. Well, I’m trying to. He doesn’t have to warn me or something. May konting paalala pa siyang sinasabi sa akin. He also assured me that he’s doing the best way he can to set me free. Konting tiis lang daw at malapit na rin kami sa katotohanan.
Kalmado naman ako habang hinahayaan siyang magsalita. Alam kong pagod na rin ang kuya kaya ayaw kong i-pressure siya. Minsan lang talaga, hindi ko mapigilan ang sarili. My anxiety and trauma are not helping at all.
Malaking utang na loob ko ito sa kaniya.
“Good night, princess.” Kuya said when he bids goodbye.
“Good night, kuya.” Sabi ko rin.
Napansin kong may liwanag na sa banda ng closet. Aga found two flashlights and it’s going to help us sleep well for tonight. Bumalik siya sa akin at binigyan ako ng isa. Agad ko naman itong tinanggap.
“Salamat…”
“This will keep us lighten throughout the night.” Aniya.
Napangiti ako.
Nakaupo na ako sa kama ngayon habang siya ay nakatayo lang. He lightens all areas of my room as if he’s looking for something. Gumaya naman ako sa kaniya pero sa kisame ko ito ginawa. I don’t know, we can’t miss anything right? Nang wala naman akong nakita. Binaba ko ang flashlight at hinanap gamit ito si Aga.
He was not bothered by it. Aga meticulously checks every drawer or box he finds. Lahat ng sulok hindi niya minaliit. Seryoso siya habang ginagawa niya ang lahat ng ito.
Napangiti ulit ako.
Magaan na ang loob ko dahil nandito siya. Kung hindi naman siya pumarito, siguro ako itong baliw na tumatakbo papunta sa bahay niya para humingi ng tulong. He is such a gentleman.
I am appreciating all his help.
“Nothing. All good…” Aga concluded.
Napatingin siya sa akin kaya nasilaw siya sa ilaw. Agad ko naman itong binaba para patayin.
“I’m sorry. I just thought it’s helping.” Sabi ko.
“You’re alright. Just stay there…” Aniya.
I pursed my lips. He sounded like a true gentleman. Papunta siya pabalik sa akin, napaayos naman ako sa pagkakaupo ko. Para bang automatic na sa katawan kong gawin ito.
I bit my lower lip. Naalala kong pinagtaasan ko siya ng boses kanina. Gusto ko sanang itanong kung aalis na ba siya ngayong nasigurado niyang ligtas akong mag-isa? Baka gusto na niyang umalis. Mapipigilan ko ba siya? I mean, he can stay. May isang libreng kwarto naman sa kabila.
What if he’s not comfortable? I don’t know.
Here goes nothing…
“Hmm… uhmm…” Hingang malalim, Gab. This shouldn’t be a hard question. “C-can you stay for tonight? I-I mean, it’s still dark and I feel unsafe.”
Gusto kong sapakin ang sarili. Bakit ka ba utal-utal diyan? Hindi naman mahirap ang tanong.
Aga didn’t respond.
Bigla akong kinabahan. Somehow embarrassed. Did I sound like desperate or clingy? Kahit na sabihin nating nandito siya para proteksyonan ako, hindi ibig sabihin no’n kailangang sundin niya lahat ng sasabihin ko.
Nakakahiya tuloy. May sarili siyang pag-iisip, kung sa tingin niya ay safe na ako sa ngayon dapat tanggapin ko ‘yon.
“Are you sure?” Tanong ni Aga.
Napatigil ako sa pag-sasampal sa akin sa katotohanan.
“Y-yes? But if you’re not comfortable, it’s—”
“Okay lang ba na iwan kita saglit? I’ll just check the entire house first.” Putol niya sa akin.
Wait… what?
“S-sure. D-dito lang ako maghihintay.” Sagot ko.
Baffled. Teka lang! Masaya akong hindi siya aalis pero bakit parang hindi kami nagkaintindihan. Did he misunderstand? He’s not staying in my room. Kaya ba hindi siya nakasagot agad?
Teka lang!
“You—” ‘re not staying in my room.
He left. Hindi man lang ako pinatapos.
Napatikhim ako. I'm just overreacting. Kakasabi ko lang na gentleman siyang tao, alam naman niya sigurong hindi siya pwedeng tumabi sa akin 'di ba? Calm down, Gabrielle. Just wait...