Kabanata 12

4224 Words
I’m making Aga a breakfast now. Wala pa ako sa sarili habang nagluluto ng arroz caldo pero pinilit kong sipagin para makakain na siya. Kung gusto niya naman magpahinga buong araw, pwede naman. Nilagay ko na ang kanin at tubig sa saucepan. Kanina ko pa nilagay ang luya, sibuyas, manok at iba pa nitong ingredients. Habang sa kabilang banda naman, nagpapakulo ako ng mga itlog. Sa totoo lang wala ako sa sarili ko habang niluluto ito, wala rin sa isip ko kung masasarapan ba siya o hindi. Nagawa ko naman ito dati pero isang beses lang. Clarissa was once sick so I cooked her one. “Anong oras kaya dadating si kuya?” I wondered. Matapos ang sampung minuto, luto na ang arroz caldo. Nilalagyan ko na ang dalawang mangkok ng lugaw nang may naririnig akong yapak. Bumangon ba siya? He must be hungry by now. Nagsalin din ako ng tubig sa isang baso at nilagay sa tray. Wala akong prutas sa fridge kaya ito na muna ngayon. Hiniwa ko sa dalawa ang itlog at nilagay ito sa ibabaw ng lugaw tsaka nilapag sa tray. Mabilis kong iniwan ang kusina dala ang tray at tumungo sa kwarto na tinutulugan ni Aga. I remembered closing the door when I left the room, but not it was ajar. Napakunot ako ng noo. Aga must’ve awoken. I carefully open the door using my feet. Bumungad sa akin ang isang lalaking nakahubad at magbibihis pa lang. Halos mabitawan ko ang hawak kong tray sa gulat. s**t! He’s awake. “s**t! I’m sorry!” Sabi ko. Hindi na ako makaatras o makaikot dahil sa dala kong tray baka matapon. Mainit pa naman baka sa paa ko pa matapon. “Hey! It’s okay. It’s okay.” Aniya. Kalmado lang siya. Hindi man lang nabahala sa pagpasok ko. “Okay ka na ba? Sorry, hindi ako kumatok. Babalik nalang ako.” Balisa kong sabi. Mabilis niyang sinuot ang puti niyang t-shirt at tumingin sa akin pabalik. Nakangisi ito sa akin. “It’s alright! I know you’re coming back in. Yes, I’m okay now.” Aniya. “Sure ka?” Parang naparalisa ako sa kinatatayuan. Tumango siya na parang kinatutuwa ang tanong ko. “I heard you took care of me. I’m very honoured to be nursed by you.” Sabay ngisi nito sa akin. Tinaas ko ang kilay ko. Mukha nga siyang okay na. Nakikipaglokohan na siya sa akin habang ako wala pa sa sarili. I guess my nursing was effective. He’s alive and naughty right now. Ngumisi na rin ako. Ito naman ang gusto kong mangyari, ang gumaling siya kaya hindi na dapat ako magtanong pa. “Breakfast?” Alok ko sa tray. Tinanggap niya naman ito at nagpasalamat. Tinignan niya ang pagkain at tumatango naman siya. Parang gusto ko tuloy malaman ang iniisip niya. Did he expect something more? Well, I don’t have energy yet to do it. Makontento na sana siya. “Let’s eat at the dining area. You should be preparing for Daevan’s arrival. He’ll be here soon.” Aniya. “This early?” I think it’s still 6 AM. “Uh huh… maghihintay siya sa atin sa beach. Hintayin kitang maghanda, sabay na tayong mag-almusal at pumunta.” Sabi naman nito. Okay. Pagkatapos umalis ni Aga sa kwarto, umalis na rin ako at tumungo sa kwarto ko para maghanda. I’m not emotionally and spiritually awake yet but hearing that kuya’s arriving soon, I must get ready. Whilst I was showering, I wondered how kuya and Aga communicates. Nalaman lang namin kagabi na bibisitahin niya ako. Tapos ngayon, alam ni Aga na paparating na si kuya. They must be close! I’m not aware of that though. Binilisan ko ang pagbibihis at pag-aayos pagkatapos. Knowing that kuya’s meeting us at the beach, we’ll be spending the whole morning there. Naglagay ako ng sunblock at sunscreen sa buong katawan. Konti lang ang beach attire ko pero may hindi pa naman akong hindi nasusuot na damit. Sinimplehan ko lang! I airdried my hear and wore light make-up. Tinatali ko na ang buhok ko nang lumabas ng kwarto. Naghihintay na siguro si Aga sa akin. “Is my look, okay?” Tanong ko agad nang magkatagpo ang mga mata namin. I saw him froze for a moment. I hurried myself towards the table and seated opposite to Aga. Mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin. Nakahanda na ang pagkain at yung mangkok na iniwan ko sa kusina kanina, nasa tapat ko na. “Y-yeah… you look good.” Sagot nito. Okay. If he says so. I hope he’s telling the truth. Pagkatapos niyang sabihin ito sa akin yumuko na ito, tinitignan ang pagkain niya. That’s so strange of him. Nagkibit balikat nalang ako at hinalu-halo na ang lugar kahit wala naman akong hahaluin. “Let’s eat?” Anyaya niya. I smiled as an answer. Nagsimula na kaming kumain. Napapasulyap ako sa kaniya para silipin kong maayos lang ba siya. May lagnat pa ba siya? Namumula ang pisngi niya. Baka hindi pa siya maayos pero pinipilit niya lang kasi may panauhin kami. Should I say something? If Aga wasn’t feeling well when kuya contacted him, he could just say it. Dadalaw lang naman ito sa akin. At kung bakit sa beach ito makikitagpo sa amin, I’m not sure. Hindi na ako umimik. Kumain lang kaming dalawa ng tahimik. Nauna siyang natapos sa akin at umalis sa lamesa bitbit ang pinagkainan niya. Nagmadali na rin akong kumain para mahugasan ang pinagkainan namin. Pipilitin ko siyang painumin ng gamot pagkatapos. Aga needs it. Nang matapos ako, sinundan ko siya sa kusina dala ang pinagkainan ko. Nagulat naman ako nang makitang tapos na siya agad sa hugasin niya. We looked at each other. He scoffed. I raised my eyebrow, what’s funny? “I was not pressuring you to eat fast.” Aniya. Kung gano’n, bakit siya nagmamadali? Is he really feeling well now? Hindi ko alam kung ano ang isasagot. “Mauuna lang ako sa beach. I have to help Daevan dock.” Sabi niya. Nanliit ang mata ko. Dock? He… “Punta ka nalang kung tapos ka na. Please wear sunblock and sunscreen, it’s going to be hot in the middle of the sea.” Patuloy niya pa na parang nababasa niya ang iniisip ko. He removed himself from the kitchen and was ready to leave, leaving me hanging. “Uhm…” habol ko. Napatigil naman siya at nilingunan ako. “Are you sure okay ka na? You should take at least a Paracetamol.” Sabi ko. He smiled while shaking his head. “I’m okay now…” But… I was about to stop him again, but he looked away already and prepared to leave. Mukhang nagmamadali na ito. So, kuya’s arriving with a speed boat. That means he’s not alone. No, he wouldn’t do that. I don’t think so. Gusto ko na sanang isipin na kasama niya si Clarence pero hindi ito marunong magmaneho ng speed boat. Kaya siguro nagmamadali si Aga na umalis para tulungan si kuya mag-dock. Wala siyang iba pang kasama kung gano’n. I shrugged eventually. Nang matapos na ako sa lahat. I re-applied both sunscreen and sunblock. I reckoned we’re going fishing as kuya enjoys the hobby. So, he’s using this day as his day-off too. In my tote bag, pinasok ko ang mga kailangan ko. My scrunchies, sunnies, sunblock and sunscreen, a book called 7 Habits of Highly Effective People, and a cardigan just in case. Sinuot ko na ang aking sombrero at umalis na. Hindi pa masyadong maaraw nang lumabas ako. Hindi rin nga masyadong malayo ang beach sa bahay ni kuya kaya nakarating ako agad. From the gate, I saw a 33-footer dual engine speed boat. Ang kaninang naka-t shirt na si Aga, nakashort-sleeved rash vest ito. Also, my brother, naka-itim na long-sleeved rash vest. Both of them are wearing similar boardshorts. Hindi pa nila ako nakita sa una. They were busy with the speed boat. Sa tingin ko ay inarkila lang ito ni kuya. Hindi ito ang speed boat na ginagamit ni kuya. May 36-footer at 33-footer itong speed boats pero hindi ito. I know all the colors. It was all dark blue. That one is a light blue. My kuya likes fishing. Kaya siguro niya binili ang bahay sa malapit. I think he was trying to acquire the beach but because of my situation, the plan changed. Hinayaan ko lang sila. Pinagmamasdan ko lang silang dalawa sa ginagawa nila. Lumapit ako sa may malaking kahoy na may upuan. Not until they realise, I’m already here, I’m waiting here. It took them one hour to sort out things with the speed boat and then we all aboard. I want to ask kuya a lot of things when I had the chance, but I saved it for later. Aga and my brother are figuring out where to go which Aga mentioned it’s not going to be far. Maghahanap lang sila ng magandang pangisdaan at iyon ang magiging tanghalian at hapunan namin. May nakikita akong crab nets na alam kong pagmamay-ari ni kuya. Dala din niya ang lima niyang fishing rods. He must be so excited last night. Galing pa ba siya ng Maynila? It’s not that far, but he’s usually not alone. “Kapit ka, Gab.” Sabi ni Aga. Ngumiti naman ako at sinunod siya. Ilang beses na akong naisama ni kuya sa pangingisda niya kaya sanay na ako sa pagpapatakbo niya. “It’s not her first time.” Singit ni kuya. Nilakihan ko siya ng mata. He’s not grumpy, is he? Sinamaan ko siya ng titig pero ngumisi lang ito at nagmaneho na. I’m not impressed anymore with kuya’s ability to manoeuvre a speed boat but Aga. Didn’t know that… I mean, hindi naman kami close. Wala lang! Hindi niya nabanggit. By the way, he looks good in his rash vest. “Just saying…” bulong ko. May mga mini-stops kami dahil itapon nila randomly ang crab nets. Marami daw sa bandang ito ang mga alimango at magluluto si kuya mamaya. Tumulong ako kaunti sa kanila. Kanina ko pa siya pinagmamasdan dalawa, mukha silang masaya sa ginagawa. Napapangiti naman ako kapag nagtatawanan sila. Para bang unang beses lang nila ginawa ito. Because it is there first time together. Kapag may nadidiskrube silang bago sa paningin nila, tuwang-tuwa sila. They’re like best friends. Bakit nga ba nila ako sinama? Para akong invisible dito. Later on, they both decided to stop. Nakikita ko pa naman ang dalampasigan pero alam kong hindi ko na malalangoy ang pagitan namin. They settled down first and then grabbed their fishing rods. “Kahit tatlong malalaking yellow fin, okay na!” Banggit ni kuya. That’s very promising! Kuya Daevan started his thing. Napansin ko naman si Aga na papalapit sa akin at inabot ang isang fishing rod. “Let’s go?” I felt something warm in my chest and then went down to my stomach. Feeling ko namumula ang pisngi ko. Tinanggap ko naman ito at tumayo na rin. Gumagalaw ang boat at rinig ko ang tubig sa ilalim. “One each?” Tanong ko. He shrugged. “No pressure.” Fifteen minutes had passed, we caught nothing. The three of us are getting bored so we left the rod for a while. Malalaman naman din namin kung may nadakip na ito. Binuksan ni kuya ang cooler na dala at kumuha ng malamig na maiinom. Napataas ako ng kilay nang makita ang dalawang lata ng Jack Daniel’s and coke. This early? I don’t think it’s time for that. Ang isang hawak niya ay inabot sa akin. “Mogu Mogu, your favorite.” Aniya tsaka umatras para maupo. Binigay niya ang isang JD and coke kay Aga na tinanggap naman ito. Nilakihan ko ng mata si Aga dahil kakagaling niya lang sa lagnat tapos iinom siya? He should know when to decline. Alipin ba siya ng kuya ko? Ngumiti lang siya at binuksan ito. Aakma na sana akong magsasalita pero iniinom na niya ito. I suck my tongue. What the heck!? Bahala sila sa mga buhay nila. Last na ‘yong pag-aalaga ko sa kaniya kagabi. It was a waste of time. Umirap ako at inilaan nalang ang tingin sa karagatan. Nararamdaman ko na rin ang init kahit may bi mini top naman. “Are you doing well, Gab?” Kuya asked casually. Nilagok na rin niya ang inumin. “I’m not sure.” Sabi ko lang. Nakatitig ako sa hawak kong bote. I’m not really sure if I was doing well. I also don’t know what to say. “They’re still at large.” Kuya said. Napatingin ako sa kaniya nang mabanggit niya ito. As expected, these people must have planned this so well. Walang pumalya sa plano nila kung sino man sila. Hindi ako sumagot. Wala naman akong masyadong in-expect. I was probably ready to be disappointed. I don’t know. “I wanna hear about the medical examination result. I heard your discussion with mum and dad.” Sabi ko. He looked confused at first, but he realised something after a while. Aga was just standby. Hindi na ako nagbigay ng iba pang eksplanasyon kung paano ko nalaman. “I don’t think you’d like what the doctor has said. It was unacceptable. Mas kailangan nating ituon ang paghahanap sa mga iniwan nilang ebidensya. Wala pa akong nakukuhang bagong report pero mas mapapadali kung may pagbabasehan tayo.” Sagot ni kuya. He’s trying to change the topic. It’s not going to work on me. He needs to tell me. After all it was body examined. I should know the truth! “Was there something wrong with my result? I need to take it off to my head.” Tanong ko. Kuya breathed deeply. He knows I’d be asking questions. “The doctor can’t determine that you had s****l intercourse with your kidnapper.” Diretsahang sabi ni kuya. I froze. “Although we won’t rule out that you were assaulted. But based on his examination, no intercourse occurred. Your hymen is intact. There was no tissue break. No semen found in your private area. Of course, if you want to take it further, we could do that.” Sabi pa nito. Hindi pa rin ako makagalaw. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. I wasn’t ready for that! Halos mabitawan ko ang inuming hawak. But the pain, I felt the pain. I was bleeding. He saw that himself. I’m confused! “I don’t understand. You saw that I was bleeding that time…” sabi ko. I realised this topic is too awkward to talk about with my brother. We are talking now as if we’re not talking about my private part. I didn’t care about that! We need to talk about it. How did it happen? Anong ginawa nila sa akin kung gano’n? Kidnapped me and what? They never asked for something. Iniwan lang nila ako sa kwartong iyon. “Are you on track with your period? Posibleng menstruation mo ‘yon. Sabi ng doctor, maaaring gano’n ang nangyari pero sinasabi ko maraming posibilidad. Maaaring mali ang doctor.” Humingang malalim si kuya. I was in a deep thinking for a moment. I can feel a sharp pain in my chest. “Can I use your phone? I don’t remember the date, but I have a calendar app that can help me tract my period.” Sabi ko. Napakagat ako ng labi. All this time I thought something had happened to me. May posibilidad na wala pala. I can still recall that day. Mas masakit talaga sa p********e ko. But if my calendar app determines the exact date of my period, we need to lure out the possibility of r*pe. Kahit na kalagitnaan kami ng karagatan, may reception pa rin si kuya. Nakapag-download ako ng app, matagal nga lang dahil mahina ang internet connection, agad kong tinipa ang username at password ko. Nakapagbukas din ako ng email sa phone at na-verify ko ang identity ko. May back-up ang old phone ko kaya naka-save pa rin ang lahat ng detalye. “Buti naman…” bulong ko. Nakakawala sa mood ang hina ng internet connection. Napapakagat ako sa daliri ko dahil sa inip. Si kuya at Aga naman ay nag-uusap lang. Kung bakit dito naming naisipang pag-usapan ang bagay na ito, hindi ko na rin alam. I clicked the calendar on the app. Last month, it was 18th of April, and forecasted next period should be on the 18th of May. That was the night of my abduction, my birthday. Napakagat ako ng labi. “Is everything all right?” Tanong ni Aga nang napansin ako. “Kuya was right.” I initially said. It could be a day or days late, but the blood found in my private part that day was from my period. Both men suddenly muted. Napatikom naman ako ng bibig, nagpipigil ng luha pero putragis hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong pigilan ito. It fell like no one can control. “Hey…” Aga trailed. Pinahid ko ang mga luha at umiwas ng tingin sa kanila. “Don’t worry, I’m not stopping. Wala pa rin kaming lead kung sino ang gumawa sa ‘yo nito, pero ginagawa namin ang lahat.” “Do you know anyone, Gab? Anyone. May nakaaway ka ba?” Singit ni Aga. Napatingin naman si kuya sa kaniya bago bumaling sa akin. Kita ko na sa mga mata niya na sang-ayon siya sa tanong nito. Sumeryoso lalo ang titig sa akin ni kuya para bang may gustong malaman. “I don’t know…” I answered. “Think harder.” Si Kuya. Natahimik naman ako. Sa akala ba nila hindi ko na ring naisip ang tanong na iyan dati pa? I was alone this whole time. I had all the time to think about it. I asked myself a million times as well. Maging ang mga taong malalapit sa akin, maging ang best friend kong si Clarissa, ang nobyo kong si Clarence, si Tania at iba pang nandoon sa party na ‘yon. They all planned that party for me especially Calvin. But he died. Clarissa was dr*gged too, she was in critical for days for it. I suspected Tania the most, but I don’t have any beef with her. We were so close. Our families are equally powerful what could she want from me? She’s even better than my life. I don’t know anymore. My boyfriend? Oh please, if he did it, he willingly risked his sister’s life for that? I doubt it. “I really don’t know.” Gumaspang ang sagot ko. Natahimik kaming lahat. Naririnig ko ang paghampas ng alon sa speed boat at ito lang ang ingay na naririnig ko. Pinipigilan ko lang ang mga luha kong tumulo. Ayokong mag-break down nalang dito. Silence stretched and lingered for a while. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng dalawa kong kasama. Tama na sa akin ngayon ang mga nasabi nila’t natuklasan. Kung totoo ngang hindi ako nagahasa sa gabing ‘yon, ang panaginip na ‘yon ang hindi totoo. But did it feel good? Was it better? A good news? No! May namatay, may mga nadamay, nasaktan at nagtamo ng trauma sa nangyari. With the amount of dr*gs in our system could have killed us instantly. Hindi nga kami namatay sa cy*nide pero sa high amount ng droga naman sa sistema namin. Clarissa, Aga, and I could’ve died on that night. I want to know their motives. Who were these evil people? Anong kasalanan ko sa kanila at nandamay pa sila ng iba? Those questions remain unanswered till this day. Kung gaano ka bilis lumipas ang mga araw, gano’n din kahina ang impormasyong natatanggap. Kuya sighed deeply and stood. “Let’s just enjoy the fishing and head back.” Pumunta siya sa kaniyang fishing rod at ini-spin pabalik ito, walang isdang nadakip. Tumayo na rin si Aga sabay tapik sa balikat ko. Wala siyang ibang sinabi at tumalikod. He heads to the captain’s seat. Pinaandar niya ang engine at nilingon si kuya na dismayadong walang huli. “Hanap nalang tayo ng ibang fishing spot.” Aniya. “Ge.” Sabay tango ni kuya bilang pagsang-ayon. Itinabi ni kuya ang kaniyang fishing rod at sinimulang ibalik na rin ang dalawa pang fishing rod. Palipat-lipat lang ako ng tingin sa kanilang dalawa. Wala man lang akong naitulong o nagtanong kung ano ang maitutulong ko. May kung anong tinitignan si Aga sa maliit na monitor ng speed boat. Nahagip ko kanina na doon nila nakikita ang mata at radar kung saan may mga fish, crabs, squids, etc. Ilang sandali lang din natapos si kuya sa ginagawa at tinabi na rin ang mga fishing rods. Bumaling siya ng tingin sa akin pero inalis niya naman agad at tumungo kay Aga. Aga manoeuvre the steering wheel. I put back my shades and hold to the railings for safety. None of us are wearing life vest like a pro and which I didn’t approve but kuya didn’t bring one. Sana lang talaga alam nila ang ginagawa nila. I never saw kuya drove a speed boat before, maybe a jet ski but it doesn’t mean he can do this. Now, seeing Aga doing it, I need to hold for my dear life. What if he’s not professional at this? “Dito pa yata ako mamamatay,” bulong ko. The boat moved. Hindi naman kabilisan dahil naghahanap lang naman sila ng tamang lugar kung saan maraming isda. May babalikan din kaming mga crab nets. Both kuya and I can swim if this boat sinks so at least we can all save each other. “Try going here…” I saw kuya pointing a specific location on the monitor. “Mukhang maalon diyan.” Sagot naman ni Aga. “Oo nga! Dito nalang…” suhestiyon niyang muli. Tumango si Aga at sinundan ang sinasabi ni Kuya Daevan. I just hope this two knows what they’re doing. I can see Aga likes fishing as he knows what to do, and kuya too but then again, manoeuvring a speed boat is irrelevant. Napatingin ako sa hawak ko. Ah! I still have kuya’s phone. Naka-lock na ito kaya hindi ko na mabubuksan. Instead, I slid the screen to the left and camera showed up. Kukuhanan ko sila ng videos at pictures. Hindi naman masyadong malakas ang hangin kay kumpyansa akong hindi ito liliparin ang phone ni kuya. Hawak pa rin ng isang kamay ko ang railings para ligtas habang ang isa kong kamay ay kinukunan sila ng maraming pictures. If kuya wants to flex his skills, he’s got a lot of it. “Boys!” Sigaw ko. Both turned their heads to me. “Smile…” I long pressed the white button make it get a lot of photos of them. They both looked confused and clueless at the same time. Halos natawa ako nang i-check sa preview ang mga mukha nila. Their annoying faces at least made me smile. They immediately went back to the monitor. Nag-uusap na naman silang dalawa. Hindi namang pagtatalo pero may direksyon silang gustong sundan pero magkaiba sila. These boys… And my broken heart. My smile faded. As much as I want this day to brighten up my heart, it is failing so bad. Parang may pumipiga sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Gusto kong tumalon nalang at malunod sa pinaka-ilaliman nang matapos na ang paghihirap na ito. Hindi ako buo! Malaki ang nawala sa akin simula nong gabing ‘yon. I want it back! But I know it won’t. “Dito na tayo! Makakahuli rin tayo!” Kuya voice, with full of hope. I looked at them both. Huminga ako ng malalim at nagpumilit na ngumiti. Ayokong sirain ang araw nila dahil lang sa nararamdaman kong ito. As Kuya Daevan said, let’s just enjoy this. Nagkatitigan kami ni Aga. Kuya didn’t notice anything and just passed by me to get his fishing rod. Aga’s stare lingered and I couldn’t help but blink. I smiled at him just to ease the eerie air. He paid attention to what he was doing. Napabuntong hininga ako ng malalim. Hindi ko namalayang nakalimutan ko nang huminga. Buti nalang pinutol niya ang titigan namin. Pinatay ni Aga ang makina. May kung anong pinagpipindot tsaka umalis sa captain’s seat. Ang akala ko’y lalagpasan niya lang ako pero tumigil siya sa harap ko. He looked at me again. “Mukhang hindi ka nag-e-enjoy. Are you bored with us now?” He asked. I pressed my lips. Natameme ako sa sinabi niya. Halata ba sa mukha ko? I was trying to smile awhile ago. I’m sure he saw that. Kuya Daevan didn’t even notice. “I’ll tell Daevan to go back if you—” He was about to go to kuya but I cut him off. “Please! No. I want to give kuya this day to rest and enjoy his off. He had done so much for me, so he deserves this. I’m okay, so don’t worry. I will usually enjoy things like this, but I don’t know. Something must have changed.” Siya naman ang natameme. He looked at my brother for a moment and both of us are watching him enjoy releasing his rod to the hope he’s getting fish for lunch today. Then both of us looked at each other. He shrugged and smile. He left me awed after.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD