16: Hurt

1467 Words
DAHAN-DAHAN na inalis ni Euna mula sa pagkakayakap ni Arabella ang maliit na payong. Pantay na ang paghinga ng pamangkin niya, tanda na ito ay tulog na. Hinalikan niya muna ang ituktok ng ulo ng pamangkin bago niya ito iwan sa k'warto nito. "O, sakto!" salubong kay Euna ni Reyna sa sala ng bahay. Iniangat nito sa ere ang hawak na dalawang lata ng beer. "Hinihintay talaga kita, binili ko 'to pampaantok natin," anito sa kaniya. Inayos na ng kaibigan niya sa munting mesa na nasa gitna ng sala nila ang alak at chips na pulutan. Naka- ready nga ang bruha. "Nakakatuwa talaga ang payong na 'yan. Ilang taon ka pa nga lang ba no'n?" Pinagmasdan muna ni Euna ang munting payong bago niya tugunin si Reyna. "Siyam, papunta sa sampu." Nilagok niya ang beer. Mapait pero ayos lang, pampaantok. "Bakit?" "Wala naman. Naalala ko lang kung gaano ka kasaya noong matanggap mo ang payong 'yon." "Naku, hayan ka na naman sa pagiging sentimental." Nakaingos niyang turan sa kaibigan. "Maiba ako, nasaglit mo ba 'yong puwesto kanina?" Pinasaglit niya kasi kay Reyna ang magiging tindahan nila ng bulaklak sa may Dangwa. May nakuha siyang puwesto roon na maaari nilang tindahan at marunong naman sila pareho ni Reyna sa bulaklak. Noon kasi ay suma-sideline sila sa bulaklakan. Kaya rin kilala sila sa lugar na iyon at hindi sila nahirapan na makakuha ng puwesto. Kaunting kembot lang kasi ang Dangwa sa riles kaya nakakapag-sideline sila noon doon sa tuwing may okasyon at puno ng tao sa bulaklakan. "Oo naman. Naayos ko na rin ang mga na-deliver na bulaklak kanina. Nakakainis nga e." "Ang alin?" "Nakakainis at may makulit na lalaki kanina na nais bumili e, sarado pa nga ang tindahan. Ang dami namang bukas na tindahan do'n, nakakaloka!" "Sinong lalaki?" "Malamang hindi ko kilala 'no." Oo nga naman. "Ano ang itsura?" "Naku, g'wapo! Kaso ay antipatiko!" "Hindi 'yong g'wapo. 'Yong itsura na, alam mo na..." "Kita mo ka, allergic ka na talaga sa mayayaman! Oo, mukhang mapera si Kyah, de kotse. Kaso hayun nga, antipatiko. Mukhang inaway ng girlfriend. Minalas na walang mabiling malaking Sunflower sa iba yata o tinamad lang maghanap kaya ako ang nabunot na kulitin kanina." "Ah..." "At de bodyguards pa 'kamo!" "O, tapos?" "Nagtalo kami. Salbahe kasi siya." "Wala namang mayaman na—" "Oy, huwag mong lahatin at hindi naman gano'n kahambog si Red!" "Bakit nasali ang pangalan niya rito?" Inikutan ni Euna ng mga mata ang kaibigan. Parang nananadya naman kasi ito. Humagikgik si Reyna. "Oo nga naman, bakit nga ba— ay—'yan na pala ang jowa mo!" anito sa malakas na boses pagkuwan, tinuro ang gawing pintuan. Napalingon tuloy si Euna sa gawing itinuro ni Reyna. Napadiretso siya ng upo kapagdaka at nakapinid pa rin naman ang pinto ng bahay nila at walang Red na nakatayo roon. "Haist, ano ka ba?!" Euna hissed at her friend. Malakas na tawa ang sinagot ng bruha niyang kaibigan. "'Miss mo, 'no?" "Ano?" naiiritang sambit ni Euna. "'Pinagsasasabi mo?" Inignora niya na lang ito, nag-focus siya sa alak na nasa harap nila. "Sabi ko eto—Coke Mismo." Nakangising ani Reyna pagkuwan. Inangat sa kaniya ang Coke na hindi niya nakiyang bitbit nito kanina. "Binili ko rin 'to, pang dighay pagkatapos ng alak." "Sira ang ulo," reklamong pabiro ni Euna rito. "Pero 'yon nga, si Red nga ang naalala ko kasi sigurado na akong parang nakita ko na ang antipatikong lalaki na naka-engkuwentro ko sa bulaklakan e." "Hay, saan naman ha?" "Sa mall, kasama siya ni Red! Oo! Kung hindi ako nagkakamali. Isa siya sa mga lalaking kasama ni Red no'n. Hindi ko lang gaanong namukhaan kanina at mukha kasi siyang wasted." "Ows.?" "Oo nga! Pero s'yempre loyal ako sa jowa kong Afam kaya hindi ko pinansin si kyah." "Ah." "Parang sobrang wasted lang niya kanina kaya hindi ko makalimutan ang itsura niya." "Oh." pabalewala na ang mga sagot ni Euna sa kaibigan niyang parang tanga sa pag-alala sa kinukuwento sa kaniya. "Hay, huwag na nga nating pag-usapan 'yon. Mas mainam na bumalik tayo sa topic natin kay Red." Nakangising sambit ni Reyna pagkatapos na tumulala, binalingan siya. "Hindi naman natin siya topic," agad na tugon ni Euna. "Hoy! Maalala ko, baka ikaw ay sinasagot mo ang tawag niya ah! Reynalyn, umayos ka!" duro niya pa. "Hindi pa niya 'ko tinatawagan nama—" naudlot ang pagsasalita ni Reyna dahil as if on cue, sabay sila na napasulyap sa phone niyang nag-ring na nakalapag sa mesa... Red Calling.... MAKAILANG ulit pa na pinindot ni Red ang numero ni Reyna ngunit hindi talaga ito sumasagot. Well, at least, nagri-ring iyon. But, wala siyang makapa sa sarili niya na dapat niyang ikakampante ang pagkakaalam niya niyon. Para pa ngang bukas feeling niya ay hindi na niya ito makokontak... Sa isiping iyon ay inihagis niya ang phone niya. "Damn!" Given na magkalasog-lasog ang aparato sa sahig. Pero ewan ba niya kung bakit tinawanan niya ang pagkalasog-lasog niyon na para siyang nasisiraan na ng bait. "Inihagis mo and then you laughed as if that phone can be fix by it? Tsk, hijo..." "'Ma..." "Oh, c'mon." Nang makalapit ang mama niya ay parang bata na kumuyampit si Red sa bewang nito. Ilang minuto lang ay walang habas na ipinagkanulo siya ng mga luha niya... parang bata siyang ngumangalngal habang yakap siya ng mama niya. "Oh, hijo..." naaawang hinaplos ni Zen ang likod ng kaniyang anak. "I'm sorry." "No, 'Ma, you don't have to..." Hinaplos ni Zen ang pisngi ng kaniyang nag-iisang anak at siya mismo ang pumahid sa luha nito. Hindi ito ang unang beses na nakita niya si Red na umiyak nang dahil lang sa iisang babae. Nang mapalaki ni Zen nang maayos at mapagmahal ito sa mga babae ay natutuwa siya ngunit hindi niya inaasahan na ganito pala ang kalalabasan niyon dito. Sa sobra kasing mapagmahal ni Red ay ito ang palaging nasasaktan sa huli. "Mahal niya 'ko, 'Ma." "Of course, anak, sino ba ang hindi ka mamahalin?" "Pero hindi ko na sure ngayon." "Ngayon na alam na niyang ang Henson ang nagpasunog ng riles at kaaway ka pala niya?" Natigilan si Red. Alam ng mama niya? "Yes, hijo, alam ko. Bago ka pa nagpa-investigate ay inunahan na kita." Oo, totoo ang nabanggit ng mama niya. Nang magpunta kasi sila ni Grey sa bahay ni Jax ay wala na silang dinatnan kaya tumawag kaagad siya ng private investigator. Hindi siya nakinig kay Jaz na nandoon lang sa tabi-tabi si Euna at baka nagpapalamig lang. Hindi niya kasi gusto ang pakiramdam na hindi niya alam kung nasaan ito. Ang pakiramdam na papatayin siya sa pag-aalala lalo na at hindi maganda ang huling pagkikita nila. Galit si Euna sa kaniya. Sa kanila. Kaya hindi siya masisisi kung mapraning siya na baka sa galit nitong iyon ay matabunan na ang pagmamahal nito sa kaniya. "Alam ko ang lahat hijo, and I hated myself for choosing your father. For loving him. Hindi sana ganito kakomplikado sa 'yo ang lahat. Noon kay Aira, ngayon ay... I'm sorry." Ang saklap lang. Noon ay si Aira ang binayaran ng lolo niya para layuan siya na siyang tinanggap nito kaya siya nasaktan noon. At ngayon ay si Euna. Yes, ang lahat ng tungkol doon ay nalaman niya ng isang araw lang through the private investigator. Nang komprontahin niya ang lolo niya dahil may agreement sila na hindi nito gagawin iyon ulit, isa lang ang tinugon nito sa kaniya: You don't deserve a woman like them. "Ang daya ni Grandpops." "Oh Red, kung hindi sila ang pinili ko ay hindi sana ganito kalupit ang lahat sa 'yo. Pero anak, hindi naman ikaw ang nagpasunog ng riles kaya hindi ka rin dapat na saktan ng ganito ng babaeng iyon." "I understand her, Henson pa rin ako, 'Ma, kaya kalaban ang turing niya sa 'kin." "Then forget her. Marami pang babae, hijo. Nariyan pa naman si Venus Melendez. That socialite is a pain in the a*s by her personality pero malay mo naman mag- click kayo." Pagak na natawa si Red. "'Ma, she's not my type." "Hay, ewan ko ba naman sa 'yo, ang mga nagugustuhan mong babae ay... ay..." "Ay?" "Hijo, what I'm saying is, alam mo naman na nahihirapan ako sa tuwing nasasaktan ka." Buntong-hininga na tinapik-tapik na lamang niya ang braso ng ina. "Matulog ka na, 'Ma. Makakalimutan ko rin siya," iyon lang ang tanging nasambit niya sa ina dahil alam naman niyang iyon lang din ang hinihintay nito—assurance na okay siya. "Good to hear that, Red!" Ah, bakit bigla ay hindi niya nagustuhan ang sigla sa tono ni Zen? "Y—Yeah." Kibit-balikat na simpleng tugon niya sa ina. "Know the three month rule? Huwag mo 'kong awatin 'pag pina- blind date kita after three months ha!" Sabi na nga ba niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD