PART 1
***LEREN's POV***
"This way, Ma’am?" Magalang na iginiya ako ng isang waiter nang pumasok ako sa isang mamahaling restaurant nang sinabi ko na may reservation ako with Corinne Rufino.
"Okay." Pa-cute na ngumiti ako at pakendeng-kendeng na sumunod sa kanya.
In fairness naman kasi kay kuya waiter, ang guwapo niya. Hindi siya mukhang waiter, mas mukha siyang owner. Promise. Likod pa nga lang niya ay ulam na, eh. He-he.
"Salamat." Nagpapa-cute pa rin ako sa kanya kahit nang marating namin ang table na naka-reserve para sa aming simpleng reunion na magkakaibigan, courtesy of Corinne. Ang kaso ay yumukod lang si guwapong waiter sa 'kin tapos tumalikod na. Dinedma niya ang beauty ako.
Napaismid ako. Porke mataba ako deadma na? Eh, ‘di wow.
Nawala ang mood ko nang wala sa oras. Sana man lang nagkunwari siyang nagandahan sa akin, 'di ba? Para naman hindi masyadong masakit, 'di ba? Jeez.
Titirik-tirik ang mga mata ko na inayos ko na lang ang aking pagkakaupo. Inis ko nga lang lalo dahil naiipit ang bilbil ko sa tiyan.
Ito ang hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang sisikip ng mga upuan ng mga restaurant. Hindi ba nila maisip na mas marami kaming matataba na kumakain sa restaurant nila? Ang sakit nila sa bilbil, este sa bangs. Ay naku!
"Your juice, Ma'am." Bumalik si guwapong waiter. Inilapag niya sa harapan ko ang dalang inumin.
Iirap-irap ako sa kanya habang kinakalkal ko ang aking bag. Hindi ko rin siya pinansin. Hindi na siya guwapo sa aking paningin.
"Tse!" at pagsusungit ko pa nga sa likuran niya nang iniwan niya ulit ako. Kapag ako pumayat, who you siya sa sa 'kin. Effective pa naman na iyong slimming tea na iniinom ko ngayon. Malapit na akong pumayat. Makikita niya.
Inilabas ko ang cellphone ko. Tinawagan ko na lang si Corinne. Aawayin ko siya dahil bakit wala pa ang bruha dito sa restaurant? Akala ko late na ako pero wala pa pala sila ni Xalene rito. Ay, naku naman talaga.
Si Xalene at Corinne ay mga kaibigan ko simula pa high school. Naging busy lang kami sa aming mga buhay-buhay matapos ang graduation namin kaya ngayon lang ulit kami magkikita-kita. Ang huling kita namin kung hindi ako nagkakamali ay noong namatay ang nanay ni Corinne. Mag-iisang taon na ang nakalipas.
"Nasaan na kayo?" tanong ko agad sa aking kaibigan nang mag-hello siya sa kabilang linya.
"I’m here na. Nagpa-park na ako," sagot ni Corinne. Sosyal na ang gaga kasi may kotse na. Paano'y mayaman ang nakaampon sa kanya. Actually, galing South Korea si Corinne na sobrang kinaiinggitan ko sa kanya dahil sa hilig ko na sa mga Korean Drama. Sana ako rin, sana makatungtong din ako sa South Korea balang araw para kahit isa lang sa oppa ko ay makita ko naman ng personal.
"Okay, bilisan mo," demanding kong utos.
"Si Xalene, nandiyan na ba?"
"Wala pa nga eh. Sige na ibababa ko na. Bilisan mo mag-park at gutom na ako. Nangungulit na ang mga bulate ko sa tiyan."
"Oo na. Sige, sige."
Kibit-balikat na isinuksok ko ulit ang phone ko sa aking bag saka iginala ko ang tingin sa paligid ng restaurant. Ang napansin ko lang ay walang masyadong tao. Baka dahil halos tanghali pa lang.
Nang may umagaw sa pansin ko. Biglang may pumasok na isang lalaki sa restaurant. Guwapong lalaki. Tall, dark, and handsome.
"Oppa," mahinang naibanggit ko. Ang kalandian ko ay biglang labas na naman. Hindi ko tuloy namalayan na nakanganga na ako habang nakasunod ang tingin ko sa kanya.
Kinilig pa ako lalo nang magtanggal siya ng shades. Ang guwapo niya sobra. Nakadagdag pa sa suot niyang trench jacket na kulay itim ang kaastigan niya bilang oppa. Para siyang pinaghalong Lee Min-Ho at Ji Chang-Wook, pak!
Well, goodluck na lang sa init. Nakalimutan yatang nasa Pilipinas siya. Lol!
Tinulungan ng kamay ko ang baba ko na maitikom sa bibig ko. Napangiwi na ako konti. Pero nang naglakad na ang lalaki habang ang mga kamay niya ay nasa magkabilang bulsa ng jacket nito ay naging hot na naman siya sa aking paningin. At least bagay sa kanya ang naka-jacket kahit tirik ang araw. Literal na hot.
At anong kaba ng puso ko nang dumako ang tingin niya sa akin. Siguro ay naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Kumabog-kabog ang dibdib ko. Muntik na akong mamatay sa palpitation. Kaloka.
Nang umupo ang lalaking guwapo sa isang table na bakante rin ay sinamantala ko iyon para magpaganda. Natatarantang kinuha ko ang kikay kong salamin at mabilis na nag-press powder na sinamahan ko rin ng retouch ng lipstick. Pak! Ang ganda ko na!
Saka ko lang ibinalik ang aking tingin sa guwapong lalaki nang masiguro kong magandang-maganda na ako.
"Hay nakakapagod!" Nang biglang umupo sa tapat ko ang dumating nang si Corinne. Suot na naman niya ang manang niyang bisteda, idagdag pa ang makapal at malaking salamin niya sa mata dahil malabo ang mga mata niya. Napagkakamalan tuloy siya na nerd kahit noong nag-aaral pa kami. Ayaw pa rin niyang baguhin ang istilo sa pananamit kahit may kaya na sa buhay.
"Wow, biglang interrupt lang ng moment? Magkaka-love life na sana naging bato pa," maasim ang aking mukha na parinig sa kanya.
Napakunot-noo si Corinne. "Ano bang sinasabi mo?"
"Ay, ewan ko sa 'yo," mahaba ang ngusong suplada ko sa kanya. Sinulyapan ko ulit ang lalaking guwapo. Subalit wala na siya.
"Nasaan na siya?" Napatuwid ako nang pagkakaupo. Nabahala ako. Hindi puwede na matatapos na lang ang kabanata namin sa ganoon lang. Ayaw ko na ng eksenang pinagtagpo pero hindi tinadhana. Ilang lalaki na ang gumawa niyon sa akin porke mataba ako. Nakita lang nila na lumba-lumba ako ay hindi na mga magpaparamdam sa akin. Buti sana kung mga guwapo, hindi naman. Hmmp!
"Sinong hinahanap mo?" Nagtaka na talaga sa kinikilos ko si Corinne.
"Yung guy na guwapo. 'Yung the one ko," sagot ko habang iginagala ang tingin ko sa paligid. Muntik na akong maiyak. Ang bilis naman niyang mawala? Hindi pa nga kami nagkakakilala, eh.
"Lalaking naka-trench jacket?"
"Oo. Nasaan na siya?" Lumaki-laki ang mga mata ko na tiningnan ko ang kaibigan ko.
May inginuso si Corinne sa likod ko. Nilingon ko naman at halos malaglag ako sa aking kinauupuan nang makita ko ulit ang lalaki. Paano may kasama na itong sexy na babae at paalis na sila sa restaurant.
Pakiramdam ko ay umurong ang mga bilbil ko. Hiyang-hiya sa katawan ng babaeng kasama niya. Tantiya ko nga ay isang hita ko lang ang balakang niya, eh. Saklap.
"Sino ba 'yon?" tanong pa talaga sa akin ni Corinne.
"Wala. Pangit na nagbebenta ng kabaong." Maasim ang mukha ko na umayos ng upo. Assumerang bullfrog na naman kasi ako. Hay!
"Weh? Crush mo 'yung lalaki kasi guwapo noh?" Pigil na pigil naman ni Corinne ang pagtawa.
Inirapan ko siya. Alam naman pala, nagtatanong pa.
"Kumusta mga bruha?" Buti na lang at dumating na si Xalene. Umupo ito sa tabi ni Corinne.
Ang hindi namin inasahan ni Corinne ay ang makitang ganoon ang hitsura ni Xalene. Natigilan kami parehas at nakangiwing nagkatinginan. Alam namin na parehas kami nang iniisip.
"O, bakit?" takang tanong tuloy sa amin ni Xalene.
Humalukipkip si Corinne, na akin namang ginaya. Mas mataas pa nga ang halukikpkip ko.
"Anong kagagahan na naman ang ginawa mo sa mukha mo? Hindi ba't sinabi ko nang huwag kang gagamit ng kung anu-anong produkto na akala mo ay makakapagpakinis sa mukha mo pero hindi naman. Nasisira lang lalo ang mukha mo, eh," panimulang sermon na ni Corinne.
"Oo nga. Tingnan mo nga 'yang mukha mo parang nasabuyan ng asido. Ang pula-pula," ayuda ko sa sinabi nito. Natatawa na ako pero pinipigilan ko lang.
Hindi naman sa dini-discourage namin si Xalene na magpaganda, pero lalo naman kasing dumadami ang pimples niya sa mukha sa kakagamit niya ng kung anu-anong produkto ng pampaganda raw. Hindi naman nakakatulong kundi lalong nakakalala.
Yeah, kung ako mataba, at si Corinne ay nerd, si Xalene naman ay halos taong pimples na dahil sa dami ng kanyang tagyawat. Friendship goal kami. Pare-parehas panget.
"Bakit? Nabawasan naman ang mga alaga ko sa mukha, ah?" nakangusong pagrarason ni Xalene.
Tumikwas ang kilay ko. "Ay, oo. Wala na nga masyado. Wala nang space sa mga bagong tutubo pa."
"Kumunti nga," giit niya pa talaga habang pinapanlakihan niya ako ng mga mata.
"Sige bilangin ko kung ilan ang nabawas," pang-aasar ko sabay turo sa kanyang mukha at nagkunwaring nagbilang. "Isa. Dalawa—"
"Heh!" Nagalit na tinabig ni Xalene ang salbaheng kamay ko.
"To be honest lalong dumami, Xalene," pangre-real talk naman ni Corinne sa kanya. At least, hindi ako ang nagsabi.
"Ang sama niyo talagang kaibigan!" malakas na angil sa amin ni Xalene. Lahat na tuloy ng tao sa restaurant ay napatingin na sa amin.
Nag-peace sign ako sa kanila na ngiting-ngiti. Ang sarap sabihing hindi ko kilala ang mga kasama ko ngayon sa table.
"Kaibigan mo kami kaya sinasabi namin ang ikakabuti mo at hindi," nakaka-touch na sabi ni Corinne. "Hindi ba, Leren? Hindi ba't tinigil mo na rin ang pag-inom ng kung anu-anong pampayat na binibili mo rin online?"
Napalunok ako. Dinamay pa talaga ako, eh, noh?
"Hindi 'yan. Nakita ko may parcel na naman na dinelever sa kanilang bahay. Sure ako na pampayat na naman 'yon," pambubuking sa akin ni Xalene.
Bumuka ang mga bibig ko. Sasabihin ko sanang hindi totoo iyon, na bag ang laman ng parcel ko.
"Huwag kang magsisinungaling! Tataba ka lalo!" ngunit ay maagap na sabi ni Xalene. Tinuro pa ako ng gaga na animo'y nanunumpa.
"Umamin ka, Leren." Ang sama na rin ng tingin sa akin ni Corinne.
Wala na akong nagawa kundi maasim ang mukha ko na tumango.
"Kitam!" Kay lakas tuloy nang naging tawa ni Xalene. Ang sarap kalbuhin. Grrr!
"Bahala kayo sa buhay niyo. Huwag niyong sasabihin sa akin na hindi ko kayo pinayuhan na masama ang paggamit ng mga produkto na hindi nagpapakonsulta sa doktor. Bahala kayo sa buhay niyo kapag nagkasakit kayo sa kidney, sa atay, sa dugo, o sa puso. Hindi ko kayo dadalawin sa burol niyo," nainis na sa amin ni turan ni Corinne.
Nakangiwi na nagkatinginan naman kami ni Xalene. Burol agad, eh. Hindi man lang kami dinala muna sa ospital. Tss!