XIA Binuksan ko ang magiging kwarto ko, after I punched the card to the punch machine that located at the left side of the door. Dahan-dahan akong humakbang papasok habang hila-hila ang dala kong maleta. Nang tumingin ako sa paligid ng kwarto ay tumambad sa akin ang tatlong babae na nandoon. Nakaupo sila sa kani-kanilang mga kama. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala akong nakikitang emosyon sa mga mukha nila. Basta nakatingin lang sila sa akin at inoobserhan ang kahit maliit na kilos na ginagawa ko. Biglang naging awkward ang pakiramdam ko sa paligid. Pero ganunpaman pinilit kong ngumiti. "H-Hi... ako nga pala si Xia." Baka siguro ganoon ang tingin nila sa akin kasi hindi pa nila ako kilala. "X-Xia... Lewis," paglilinaw ko at nilawakan ko ang ngiti ko. Walang nagsalita. Pa