NEVIE "Malayo pa ba tayo, Aubree? Nangangalay na ako maglakad. Parang paikot-ikot lang tayo dito sa Sadirah!" Binaba na ni Safi ang hood ng kanyang cloak dahil sa inis. "Paano ko naman masasabi na malapit na tayo o malayo? eh kahit ako mismo hindi ko din alam kung saan ang tindahan ng matandang wizard na 'yon." Yeah, we're here in Sadirah. Umalis kami sa Trojan Academy for urgent purposes since busy naman ang school sa gaganapin na event mamayang gabi. Muli kong tiningnan ang maliit na libro na hawak ko. Tumabi sa akin si Safi at sinipat din ang larawan na nasa libro at muling tumingin sa paligid. "Oh? Wala namang estatwa ng owl dito. Hay! Umuwi na lang kaya tayo? Ang init-init na oh! Tagaktak na ang pawis ko! Ang kapal pa naman ng mga cloak natin." Napairap ako. At pinanlakihan