Nine Diamond... Noong first night nila ni Ethan sa condo pa din niya sila umuwi na dalawa. Sa sobrang pagod nilang dalawa nakatulog sila agad. Kinabukasan naman tumawag sa kanya ang boss niya na kailangan niyang pumasok sa trabaho niya. Hindi natuloy ang binigay sa kanilang honeymoon trip ng lola ni Ethan kasi naman biglang nagkaproblema sa site nila na siya ang architect kaya naman inuna pa niyang gawin ang trabaho niya. Isang linggo na silang kasal ni Ethan at isang linggo na din silang hindi nagkikita na dalawa dahil out of town ang trabaho niya. “Hindi ka pa ba uuwi ngayon?”naiirita ng tanong sa kanya ni Ethan sa phone. “Bakla naman, madami pa kasi kaming problema dito. baka bukas ako uuwi”sagot naman niya. On site siya ngayon, buti na langmulti tasking siya. Hawak kasi niy