Fourteen Diamond’s POV Pinagtitinginan sila ng mga nanay, yaya at mga teacher sa school ni Tan-tan habang naglalakad sila papunta sa classroom ng anak nila. “What a perfect family” “Ang gwapo talaga ni Sir Ethan” “Ang cute nilang tingnan” Ilan lang iyan sa mga naririnig niya bulungan ng mga tao sa paligid nila habang naglalakad sila. Ewan ba naman niya kung bulong ba talaga ang mga iyon kasi rinig na rinig naman niya. Nang makarating na sila sa tapat ng classroom ng anak nila naglean forward siya para halikan sa pisngi ang anak nila. “Be a good boy Tan-tan, always listen to Teacher Hana”bilin niya sa anak. Tumango naman ang anak niya, maging si Ethan din ay humalik din sa anak nila at nagbilin din. Bago pumasok sa classroom ang anak nila hinawakan pa ni Tan-tan ang kamay nil