"Bestie, may problema ako."
Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mahadera kong kaibigan na si Ethan. Hindi kasi maipinta ang mukha niya sa totoo lang.
Ang aga-aga pinuntahan ako sa condo ko para lang dramahan.
"Ano naman kinalaman ko sa problema mo, bakla?" pagtataray ko nga.
Hindi kasi maganda ang gising ko dahil ilang oras pa lang akong nakatulog dahil sa dami ng mga plano ng bahay na kailangan kong tapusin.
And yes bakla po ang dakila kong kaibigan na si Ethan.
"Actually malaki, bestie kailangan ko ng tulong mo," maarteng kunwari pang nagpunas ito nang imaginary nitong luha.
"Ang arte mo bakla. Bilisan mo ng sabihin ang problema mo para naman makabalik na ako sa pagtulog ko." pagtataray ko ulit.
"Kailangan ko kasi ng anak," mahina lang na sabi nito pero sakto lang para marinig ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ano naman magagawa ko kung kailangan ng baklang 'to ng anak.
"So..." sabi ko bago ako uminom ng kape ko.
"Pwede bang ikaw na lang maging nanay ng anak ko?"
Naibuga ko ang kape sa mukha niya sa sobrang pagkagulat ko sa sinabi nito.
Ako? balak akong gawing ina ng anak nito. Ano ako? paanaking baboy? o palahian na aso?
Seryoso...
............