Agad kamung nag-decide na magpakasal ni Andrew matapos ang anim na buwan na pagda-date namin at tatlong buwang preparation. Para kay Andrew ay importante ang mga investors na magtitiwala sa kanya pagkatapos ng aming kasal at para sa akin naman ay napamahal na ako ng husto kay Andrew. Gusto ko siyang makasama habang buhay.
Sinuyo akong maigi ni Andrew kaya't madaling nahulog ang loob ko sa kanya. Ang akala kong mayabang at babaero ay napalitan sa puso at isip ko na sya pala ay mapagmahal. Flowers, chocolates, jewelries, bags, shoes at kung anu-ano pang mamahaling bagay mapapayag lang ako sa kasal. Palagi kaming nagde-date at kumakain sa mamahaling mga kainan. Romantic garden at minsan ay sa isang island kami nagpupunta. May gift surprises kahit wala namang okasyon. May mga pabaloon at pabulaklak pa sa buong bahay ng namin. kilig na kilig ako sa mga ginagawa niya at paniwalang-paniwala ako sa pagmamahal niyang peke.
Magarbo ang kasal namin at talagang ginastusan. Nanghinayang man ako sa milyong gastos ay wala akong magawa dahil yun ang gusto ni Andrew at ng mga magulang niya. Forest ang theme sa isang sikat at mamahaling venue. Imbitado lahat ng kakilala lalo na ang mga business partners at investors ni Andrew. Masayang-masaya ako sa araw ng aming kasal dahil mahal na mahal ko ang aking pinakasalan na si Andrew. Pinaparamdam sa akin nito na ako ay parang isang reyna. Sinuhulan niya ako ng mga materyal na bagay at akala ko ay iyon na ang tunay na pagmamahal.
Nag-honeymoon kami sa Maldives ng isang linggo. Masasarap na pagkain ang mga inoorder ni Andrew at romantic dinner with candles gabi-gabi. Nagrent si Andrew ng isang Villa with private pool with sea view. Pareho naming gusto ang dagat at nag-enjoy kaming mabuti. Pinaparamdam ko rin ang pagmamahal ko sa kanya at madalas ko siyang ipagluto.
“Nagustuhan mo ba honey,” tanong ni Andrew.
“Oo naman. I’m so happy honey. Thank you andI love you so much.”
Magkatabi kaming nakahiga sa isang beach bed na magkayakap.
Pag-uwi sa Pilipinas ay agad inasikaso ni Andrew ang mga naiwang trabaho sa kumpanya. Nagpaka-housewife naman ako sa aking asawa. Ipinagluluto ko ito palagi kahit nagmamadali sa pag-alis si Andrew sa umaga at nakakain na ng dinner kapag umuuuwi kaya hindi na rin nakakain ng aking asawa ang aking niluto. Sa pagka-bored ko ay nag-try din akong magbake ng mga cakes and cupcakes na pinamimigay lang sa mga kapitbahay. Sa guard or sa mga kasambahay ng village.
“Kamusta na ang buhay may asawa? Kilig ba araw-araw ha?” usisa ng kaibigan kong si Margie
“Wish ko lang na araw-araw yung kilig kaso, pag-uwi namin dito after ng honeymoon, halos hindi na kami nagkikita sa pagka-busy nya sa work.”
“Sa umpisa lang pala si Prince Charming. Anong ginagawa mo dito sa bahay?” muling usisa ni Margie
“Ayan, magbake ng kung anu-ano. Tapos ipamimigay ni manang sa mga kakilala nya dito sa village.”
“Magtayo ka na lang ng bakeshop para kumikita.”
“Buti nga dumalaw kayo. Bored na bored na ako dito sa bahay.”
Lumipas ang tatlong buwan na halos hindi na kami nagkikita ng aking asawa. Sobrang busy ni Andrew na tulog na lang ang ginagawa sa bahay. Minsan ay nagpapahatid na lang ako ng nilutong ulam sa opisina ni Andrew.
“Gagabihin pala ako ng uwi. O baka nga umaga na. Birthday kasi ng isa sa mga ka-business partner namin. Matulog ka na at hwag mo na akong intayin,” ani Andrew.
“Isama mo kaya ako. Para makilala ko rin sila at para may magawa ako. Bored na bored na ako dito sa bahay.”
“Hwag na. Wala ka namang gagawin doon at wala ka namang alam tungkol sa business.”
“Anong wala? Business kaya ang course ko kaya marami akong alam. Ayaw mo lang talaga akong isama.”
“Pero iba yun sa totoong mundo na naka-experience ka na talaga ng business na ikaw ang naghahandle,” paliwanag pa niya
“Ok. Sige na hindi na ako sasama. Hwag kang mambabae doon ha.”
“Ano ka ba? Alam nilang lahat na may asawa na ako.”
Isang araw ay naisipan ko na sorpresahin ang aking asawa na magdala ng lunch sa kumpanya nito. kung wala syang time kumain sa bahay ay ako na ang mag-aadjust at dadalin ko ang luto ko sa opisina niya. Naglutoako ng adobong manok at baboy at agad nagbihis at nagpahatid sa aming driver.
Paalis na sana si Andrew nang dumating ako sa opisina ng aking asawa.
“Seline, what are you doing here?” balisang tanong ni Andrew.
“Dinalan kita ng lunch. Aalis ka ba?” tanong ko din sa kanya.
“Kakain sana with other executives. But since nandito ka na, sumama ka na lang,” anyaya sa akin ni Andrew.
“Ha, sayang naman itong dala ko. Tsaka nakakahiyang sumama,” saad ko.
“So, hindi ka na sasama? Kakainin ko na lang iyan mamaya sa bahay,” saad ni Andrew.
“Sige, sasama na ako,” mabilis na tugon ko at baka pauwiin pa ako agad.
“Hindi man lang ako pinilit sumama. Mas gusto niya pang kasama ang mga iyon eh palagi na nga silang magkakasama. Samantalang hindi na nga kami nagkikita,” bulong ko sa sarili.
“Ok come on,” sagot ni Andrew at mabilis na lumakad palabas ng opisina.
“Saan mo gustong kumain,” tanong ni Andrew
“Kung saan niyo gusto. Saan ba dapat kayo kakain?” tanong ko sa kanya
“Kumain na lang tayong dalawa. Hwag na tayong sumama sa kanila. Matagal na rin tayong ‘di nagsasabay kumain,” saad ni Andrew
Napansin ko na medyo cold ang pakitungo sa akin ni Andrew ng araw na iyon. Hindi sumusulyap sa akin kapag nag-sasalita at focus sa pagda-drive. Matigas ang boses at walang paglalambing. Mukhang hindi rin natuwa nang makita ako sa opisina. Matalas ang pakiramdam ko at alam ko na may kakaiba kay Andrew.
“Gusto mo ba ng Filipino food?” tanong ko sa kanya.
“Sige,” maiksing sagot ng aking asawa.
Sa loob ng resto ay hindi nagsasalita si Andrew. Busy ito sa pagba-browse ng kanyang phone at pagkatapos kumain ay may tinawagan si Andrew.
“Ipasusundo na lang kita dito sa driver. Kailangan ko nang bumalik agad sa opisina. Bye,” sabay tayo at humalik pa sa akin.
Hindi na ako nakasagot at napabuntong hininga na lamang. Dumating ang aking driver na si Mang Dante. Pero hindi muna ako nagpahatid sa bahay at nais ko munang mamasyal sa mall. Bagot na rin ako sa bahay at sa maghapong pagtunganga doon.
Sa daan ay napansin kong nakatigil sa isang restaurant ang sasakyan ni Andrew. Kinutuban akong maigi kaya pina-park ko muna si Mang Dante makalampas sa building na iyon.
Maya-maya pa ay lumabas din agad si Andrew na may kaakbay na babae. Kumirot ang puso ko at ang mga mata ko naman ay nakatitig maigi sa dalawang tao na iyon. Naisipan kong kunan sila ng picture ngaunit mabilis na nakasakay ang dalawa sa kotse ni Andrew.
“Nakita mo ba iyong Mang Dante?”
“Yes po maam. Baka ka trabaho lang po. Hwag kayong mag-isip ng masama,” paliwanag nito.
“Tumigil nga kayo diyan. Lalaki rin kayo kaya alam niyo kung ano ang totoo. Hindi ako tanga. Pero sa ating dalawa lang muna ito at walang ibang makakaalam. Sundan natin,” nanginginig na boses ko habang kausap ang driver.
Bumalik sa opisina si Andrew at nagtungo sa parking ng building nila. Ilang minuto pa ay saka sumunod din ako sa parking lot. Wala na ang dalawa pagdating namin ni Mang Dante kaya
umakyat ako at nagtungo sa security. Hinanap ko agad ang cctv footage sa parking lot. Lumabas ang mga crew at naiwan akong mag-isa sa loob ng room.
Nakita ko na naghalikan pa ang dalawa pagkababa ng kotse ni Andrew. Hindi ko kilala ang babae at nais kong malaman kung sino ito. Sobrang nanggagalaiti ako at gusto kong patayin si Andrew at ang babaeng iyon pero kinalma ko ang sarili. Si Andrew naman ay muling umakyat sa kanyang opisina.
Doon nadatnan ko si Andrew at ang kasamang nitong babae sa kotse na nagtatawanan sa loob ng pribadong opisina nito. Nagulat si Andrew nang bigla akong makita.
“Seline, bumalik ka. What’s wrong?” mahinahon na boses ni Andrew. Ito nga pala si Jane. Ang VP ng kumpanya.
Tumayo ang babae. Sabay sabi ng “Hello Mrs. Dela Torre.”
"You should call me Maam. Because I’m the President’s Wife,” pagmamalaki ko at ‘di ko pinansin ang inaabot na kamay para makipag-shake hands.
Lumapit ako sa aking asawa at niyakap ito. “Na-miss kasi kita. Umalis ka agad sa resto kanina. Wala ka naman palang gagawin dito sa opisina. And you Ms. Jane, hindi ka ba busy, bakit nandito ka sa opisina ng President?” pasaring ko sa babaeng kasama namin sa loob ng opisina
“May pinag-uusapan lang kami ni Mr. President,” sabay abot ni Andrew ng mga papeles kay Jane at lumabas na rin ito sa opisina ni Andrew.
“Nagmamadali ka ba kanina para makipagkwentuhan kay Jane?” kumpronta ko kay Andrew at nagbago ang aking mood ng wala na ang babae.
“Anong sinasabi mo diyan? Hindi kami basta nagkukwentuhan. We’re discussing about business,” sagot ng asawa ko.
Ok. So, magdinner tayo mamaya. Hintayin kita,” anyaya ko at di muna siya kinumpronta sa nalaman ko kanina.
“Maiinip ka lang dito. Bakit ‘di ka na lang muna mamasyal and magkita na lang tayo mamaya kung saan mo gustong mag-dinner.”
Nahalata ko na tinataboy ako paalis ng aking asawa. Masakit ang aking loob dahil nagbago na talaga ito at ‘di na kasing lambing noong nanliligaw pa lamang.
“Ok fine. Magkita tayo sa mall mamayang 5pm,” sagot ko sabay buntong hininga. Umalis na rin ako sa opisina ng aking asawa dahil di ko makayanan ang panloloko niya.
Hindi muna ako dumiretso sa parking lot kundi dumaan ako sa lobby ng building. Nagsuot ako ng malaking shades at kinausap ang mga receptionist.
“Hello!” bati ko sa mga receptionist sa ground floor.
“Yes ma’am, what can we do for you?” sagot naman ng isa
“Uhm, I’m applying for a secretary to Mr. Andrew dela Torre. Sabi ng nakausap ko to look for Ms. Jane,” pagkukunwari ko pa.
“Ahh, sure po ba kayo Ma’am na si Ms. Jane ang hinahanap n’yo at hindi sa HR department?” Sagot ng isa na tumingin sa iba pa nitong mga kasama.
“Yes, sure ako. Kasi mag-direct daw ako kay Ms. Jane. Dapat ba sa HR?” tanong ko sa babae.
“Kasi sa totoo lang, Miss, hindi ka matatanggap kung didirekta ka kay Ms. Jane. Bantay-sarado yun sa jowa este sa boss niya,” sabat ng receptionist
“Huy ano ka ba?” pigil ng isa.
“Akyat na lang po kayo ma’am sa 15th floor. Thanks po. Ingat kayo Ma’am,” sagot ng isa
“Sige, babalik na lang ako sa isang araw. Ico-confirm ko muna. Salamat.”
Lalong sumikip ang dibdib ko sa narinig at nakumpirma ang relasyon ng dalawa. Nagsisisi tuloy ako kung bakit pa ako nag-uusisa kaya umuwi na lang ako sa bahay. Ngunit hindi ako mapalagay at wala naman akong ibang masabihan ng problema. Ayaw kong mag-alala pa ang mga magulang at mga biyenan na napakabait sa akin. Iniyak ko na lang ang aking sama ng loob sa asawa hanggang sa makatulog ako. Nagising ako ng magring ang aking phone.
“Hindi kita masasabayang magdinner. May meeting pa ako,” saad ni Andrew.
Anong nangyari sa asawa ko na dati ay mahal na mahal ako? Bakit niya pa ako pinakasalan kung mambabae lang pala siya at babalewalain ako? Siguro nga ay dahil sa aking itsura. Mga tanong ni Seline sa kanyang isipan.
Ayaw kong ma-depress at walang gawin sa problemang ito. Isinuot ko ang aking nighties na regalo noong bridal shower ko. Mahubog ang aking katawan ngunit problema ang malaki kong bilbil sa tiyan. Kung maliit lang ito ay pwede na at seksi sana akong tingnan.
Si Andrew naman ay nagtungo sa condo unit ni Jane pagkagaling sa opisina ngunit galit na sinalubong sya ni Jane. Nalaman ko ito dahil may kakilala ako doon at nakita si Andrew. Pinakiusapan ko ang kakilala ko na magbantay sa unit kung saan pumasok si Andrew.
“Akala ko ba ay hindi mo mahal ang babaeng iyon? Isang sabi niya lang ay sumusunod ka agad,” galit na sabi ni Jane at malakas ang boses
“Iniwan ko nga siya sa restaurant para sunduin ka at ngayon nandito ako imbes na umuwi ng bahay. Ano pa bang gusto mo,” galit na sabi daw ni Andrew.
“I’m sorry honey, nagselos lang ako kanina. Pinamumukha niya kanina na sa kanya ka,” nagpapaawang sabi nito sa aking asawa.
“Kung ganyan ka ng ganyan ay maghiwalay na tayo, ayoko ng babaeng mareklamo,” galit sabay alis daw ni Andrew sa unit na iyon.
“Honey, wait. I’m sorry. Hwag kang umalis please.”
Kaya pala maagang umuwi ng bahay si Andrew ay dahil sa pag-aaway nila ni Jane. Ayaw niyang kinukuwestyon siya sa mga ginagawa niya at lalong ayaw niya ng mareklamo.
Naabutan niyang nag-hahain ako ng pang hapunan na nakasuot ng sexing damit. Ngayon lang ako nagsuot ng ganito. Lagi akong nakamahabang short o pajama sa bahay. Walang ayos at maluluwag na damit ang suot. Isang beses lang kaming nagtabi noong honeymoon namin at pagkatapos ay wala na siyang interes sa akin.
Nakita kong natulala si Andrew sa nakitang itsura ko. Lasing na sya?Maganda naman ang katawan ko. Malusog ang dibdib at maumbok ang puwitan. Sa titigg niya ay parang nais niya akong angkinin. Marahil ay hindi dahil sa may pagmamahal sa akin kundi sa tawag lang ng laman.
“Nandito ka na pala. Akala ko ay may meeting ka pa,” saad ko
“Maagang natapos ang meeting,” pagsisinungaling nito.
“Kumain ka na ba? Adobo lang ang ulam,” alok ko.
“Mamaya na,” mabilis na sagot ng asawa ko. Sabay hila nito sa baywang ko at hinalikan ang mga labi ko. Tinangka ko na itulak ang aking asawa ngunit mahigpit ang pagyakap nito sa akin. Dumidiin ang paghalik namin sa isa’t-isa. Naramdaman ko ang kakaibang sensasyon kaya’t kahit galit ako ay ‘di ko mapigilan ang aking asawa. Tinanggal ni Andrew ang pang itaas kong suot. Tumambad sa kanyang harapan ang malusog na dibdib ko kaya lalong syang nag-init at kinarga akong paharap. Matipunong lalaki si Andrew kaya nabuhat nya ako kahit mabigat ako at dinala agad ako sa aming kwarto.
Bumaba sa leeg ang mga labi ni Andrew. Tinanggal nya ang hook ng bra ko at dinama muna ng kanyang mga palad ang malusog kong dibdib bago tikman ng kanyang mga labi. Ang kamay naman niya ay nagbigay din ng kaligayahan sa akin nang damahin nito ang aking gitna. Nagpaubaya naman ako sa kung anong gustong gawin ni Andrew sa akin at hindi ko na inisip ang pagtataksil nito sa akin. Wala akong masyadong experience at isang beses lang may nangyari sa amin ni Andrew at noong honeymoon pa namin.
Si Andrew ang halos gumawa ng moves sa aming pagtatalik hindi katulad ng ibang babaeng naikama niya na marahil ay siya ang pinaliligaya. Pero alam kong nagustuhan niya ang aming pinagsaluhang init hindi katulad sa mga babaeng hayok na gumawa ng ganitong bagay. Nakangiti sya ng matapos na halatang nakuntento sa gabing iyon. Ako naman ay tumalikod at pumatak ang luha.
Pagkatapos namin ay saka bumalik sa aking isipan ang aking mga natuklasan. Maaaring tawag lang ito ng laman para kay Andrew kaya’t lalo akong nasasaktan. Hindi ko pinahalata sa lalaki ito ang aking pagluha. Pumunta agad ako sa banyo para maligo ngunit sinundan ako ng aking asawa. Sabay pa kaming nag-shower sa unang pagkakataon. Hindi pa nakuntento si Andrew kaya’t muli ako nitong hinalikan.
“Bilisan na natin at nagugutom na ako,” saad ni ko.
“Mamaya ulit mahal ko,” malambing na sambit ni Andrew.
“Gutom lang yan,” sagot ko naman
“Gutom at uhaw sa ‘yo. Lagi ka kasing mukhang losyang pero iba ka ngayong gabi. Nakakaakit,” bulong niya sa tainga ko sabay kagat ng marahan dito.
"Konting lambing niya lang ay nakalimutan ko na ang mga kasalanan niya kanina sa akin,” bulong ni Seline sa sarili.
Pagkatapos mag-shower ay sabay kaming nag-dinner ng niluto kong adobo. Napansin ko ang patuloy na pagngiti ng asawa habang kumakain.
“Akala mo anghel at walang ginagawang kasalanan,” muling sambit ko sa sarili na kinikilatis mabuti ang kilos ng aking magaling na asawa.
Ako naman ay walang ganang kumain at may pagkabalisa.
“Aalis pala ako bukas ng umaga. My flight ako sa Cebu para sa isang business meeting,” sabi ni Andrew.
“Sinong kasama mo? Pwede ba akong sumama?” tanong ko
“Hindi pwede. Hwag ka nang sumama. One day lang yun at kailangan ko na ulit bumalik dito,” paliwanag ni Andrew
Pagkakain ay nahiga na rin si Andrew at nakatulog. Di naman mawala sa isip ko ang mga natuklasan. Dagdag pa sa alalahanin ko ang pag-alis ng aking asawa papuntang Cebu at kung sino ang kasama ni Andrew. Naghihinala rin ako sa tunay na pagpunta nito sa Cebu kung totoong business meeting nga.