Isang araw ay naisipan kongna dalawin si Andrew sa opisina nito. May dala akong porksteak para sabay kaming kumain ng lunch ng araw na iyon. “Parang nangyari na ito ha?” saad ko sa aking sarili. “Hwag lang kitang mahuli at lagot ka talaga sa akin,” muling sambit ko. Pagdating sa opisina ay bumati ako kay Dina na sekretarya ng aking asawa. “Ako na lang Ms. D. Hwag mo na akong ihatid.” Kinakabahan ako habang papalapit sa pintuan ng private office ni Andrew. May naririnig akong mga tawanan sa loob at naghihinala na ako. Bumuntong hininga muna ako saka kumatok sa pinto. Pinihit kongng dahan-dahan ang door knob at binuksan ang pinto. “Honey, napadaan ka,” nagulat na sabi ni Andrew “Wala lang para mahuli kita na may kasama kang babae.” “Ang freak mo pa rin pala, Seline,” saad ni Jc na b