CHAPTER 33

2283 Words

Tiningnan nilang tatlo ang bahay. Isang tadyak lang dito ay babagsak na ito. May mga kausap na si Mang Tonyo na mag-aayos nito at ako ang magbabayad para maging tirahan ko ito sa isla. Limang araw lang daw ay tapos na ang two story kubo ko. Maliit lang na parang kwarto sa isang beach resort ang sa itaas, magkasamang kusina, sala ang sa ibaba at banyo naman sa labas Pagkatapos tingnan ang kubo ay nagsamsam na sila ng mga nakabilad na dinaing. Tulong-tulong kaming tatlong babae nginit hindi nag-iimikan. “Tulungan ko na kayo Aling Dolores,” isang lalaki ang lumapit sa amin. “Kamusta Claire,” nakangiti pang sabi nito. “Ayos lang,” walang ganang sagot naman nito sa binata. “Kamusta? Ako pala si Leo,” pakilala ng lalaki sa akin. “Kamag-anak ka nila?” usisa pa nito “Hindi. Kakilala lang,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD