“Hoy Leo, saan ka pupunta?” “Dyan lang kina kapitan. May ipagagawa daw sa baranggay hall.” “Sama ako.” “Bakit nanaman? Dalawang araw pa lang kayo, imbyerna ka na sa buhay may-asawa.” “Nakaka bwisit eh. Puro na lang Claire, Claire, Claire! Paano naman si Seline?” galit na sabi ko “Baka hanapin ka nun?” “Walang pakielam sa akin yun. Tara na. Dami mo pang satsat,” pagmamadali ko para makalayo na kay Andrew Nakita ko lalo ang hirap ng mga mamamayan doon. Kulang sa mga personal na panganngailangan, gamot, pagkain at kung anu-ano pa. Nagkausap kami ng Kapitan ng Baranggay na tutulong ako sa mga mamamayan doon. Sa mga nanay na walang trabaho at sa mga batang kulang sa mga kagamitan sa paaralan. Pati na rin dagdag puhunan sa mga ama na nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Sa pagkatuwa ni