Hinatid pa ni Claire si Andrew hanggang sa bangka at ako naman ay nakatulog muli sa kama. Alas sais nang gisingin ako ni Caloy dahil alas siyete ang biyahe papunta sa bayan. “30 minutes pa. Antok pa ako.” Pero bumangon na rin si ako bago mag 6:30. Naligo na ako at nagbihis saka kumain ng almusal na daing na isda. “Puro daing ang ulam dito ha,” pabirong saad ni Caloy “Ok lang pangalawang araw ko pa lang naman. Hwag nang pangatlong ulam ha,” biro ko din sa kanya “Pasenya ka na. Yan lang talaga.” “Joke lang naman yun. Masarap kaya. Tsaka bakit di mo lutuin yung mga dala kong de lata?” “Nakakahiyang buksan tsaka nakakahinayang.” “Ano ka ba? Baka maexpire lang yan. Mas lalong sayang.” “Bilisan mo na at baka maiwan pa tayo ng jeep.” Pagdating sa bayan ay inuna kong bumili ng damit para