Chapter 5

1828 Words
Kinabukasan ay nagising na lang ako na nage-empake na si Andrew ng kanyang mga dadaling gamit sa Cebu. Isang maliit na bag lang ang dala, ilang tshirt at pants. “Paalis ka na ba? tanong ko “Oo, baka ma-late ako sa flight,” sagot ng aking asawa. “Kumain ka na?” ipagluluto kita. “Hindi na,” kagabi lang ay masaya siya ngunit ngayon ay wala syang emosyon. “Magbaon ka ng food. Sausage o ham.” Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Andrew. Dumiretso palabas ng bahay at di na nagpaalam pa sa akin. Tinanaw ko lang si Andrew palabas ng aming bahay at wala na akong nagawa. Naisip ko na pumunta sa opisina ni Andrew dahil may kutob ako na di ko maipaliwanag at nais ko ng kasagutan. “Hi Miss Dina,” bati ko sa secretary ng aking asawa. “Ma’am wala po si Sir, nasa Cebu. Di niyo po ba alam?” agad na sagot ng sekretarya. “Yeah, i know. I'm looking for Jane. Yayayain ko sanang maglunch,” saad ko. “Maam, wala rin po sya,” saad nito “Is she in Cebu also with Andrew? Tell me,” ma-autoridad na sabi ko sa sekretarya. “Ma’am I’m not sure po kung magkasama sila ni Sir. Isang ticket lang po ang pinakuha ni Sir sa akin,” paliwanag ni Dina “Ok. Paki-open na lang ang office ni Andrew. May kukunin lang ako,” saad ko na malumanay na nakiusap. “Yes Maam. Ok po,” sagot ni Dina Nagmasid-masid ako sa loob ng opisina at wala naman masyadong kakaiba. Umupo ako sa office chair at pinagmasdan ang lamesa. Wala ang laptop. Dala marahil ni Andrew sa Cebu. Binuksan ko ang mga drawer at panay papeles lang ang laman. Wala akong makitang ebidensya ng pagtataksil ng aking asawa sa loob ng opisina. Maghihire na ba ako ng tao para sundan ang aking asawa? Maya-maya pa ay may pumasok sa opisina. “Andrew, I need to talk to-,” sa boses nito ay mukhang importante ang sasabihin. Matangkad ang lalaki at matipuno ang katawan. Gwapo ito at halos kasing edad lang din ni Andrew. “I’m sorry but unfortunately, he's not here,” saad ko sa lalaki “Oh, Mrs. dela Torre,” gulat na sabi ng lalaki “He's in Cebu for some business meeting. Can I help you?” “What? In Cebu? Anong business meeting?” saad ng lalaki “So, walang business meeting sa Cebu?" nagtatakang tanong ko. Natigilan ang lalaki at di alam ang isasagot. “Uhm I'm sorry. I'm really not sure,” natatawa na nauutal na sabi ng lalaki sabay labas sa opisina ni Andrew. “Wait,” hinabol ko ang lalaki at nag-abot kami sa elevator. “What do you know? Tell me the truth. May meeting sa Cebu o wala?” may pagbabantang tanong ko sa lalaki “Mrs. dela Torre, Hindi ko talaga alam? I just need to talk to him right now at di nya sinasagot ang mga tawag ko,” paliwanag nito “Bakit gusto mo syang kausapin. Anong kailangan mo sa kanya?” usisa ko pa dito. Habol ko pa rin ito hanggang sa basement parking at hindi ko tinantanan ang lalaki hanggang wala akong nakukuhang sagot mula rito. “Business as usual Mrs dela Torre,” safe na sagot nito. “Bakit mo ko iniiwasan?” pangungulit ko pa. “Ma’am I'm also a businessman. Busy ako at maraming kailangang gawin. Nagmamadali lang ako.” Pinindot ng lalaki ang unlock button ng remote ng sasakyan. Agad itong sumakay at sinabayan ko din sya ng pagsakay sa passenger seat. “Maam, what are you doing?” nagtatakang tanong ng lalaki “Sasamahan kitang hanapin si Andrew,” sagot ko sa kanya “We’re going to Cebu?” “Not exactly. Pero kung gusto mo, pwede naman. What’s your relationship with Andrew? Wala man lang akong kilalang friends nya or business partners.” “So, what do you want to know? Sasama ka ba talaga sa akin? Hindi ka ba natatakot Mrs. dela Torre?” Napangisi ako at napatitig ng masama sa lalaki. “Ikaw ang matakot sa akin. Just drive. Go where ever you want to go and answer all my questions and don’t even lie to me,” pagbabanta ko pa sa lalaki. “Papasok na ako sa work. Umuwi ka na Mrs. dela Torre.” “Just call me Seline and we can be friends. Saan ang office mo?” “Dyan lang sa JC building. Ipahahatid na lang kita sa driver ko.” “Nope Mr. businessman. May dadaanan din ako dyan sa JC building.” “At sino naman? Alam mo ba kung anong mga business ang nasa building na yan.” “Of course. I need to see JC. We’ll have lunch today,” confident na sagot ko na halatang imbento ko lang. “Sinong JC,” nagtatakang tanong ng lalaki. “Ikaw pala ang walang alam. Si JC yung may-ari ng JC building. Sino pa? Maybe that’s why your looking for Andrew. Kasi wala kang masyadong koneksyon na matataas. What’s your business ha? Small time ka ba?” pang-iinis ko sa lalaki na sa palagay ko ay kasama lagi ni Andrew sa pangbababae. Natatawa naman ang lalaki sa mga sinasabi ko. "You’re a crazy girl and slight funny. For your information Ms. Seline, matagal nang patay si JC ng JC building." “Talaga? Sayang naman? Ang taas pa naman ng tingin ko sa kanya. Kasing taas ng building niya.” “So, saan ka na pupunta ngayon?” “Dyan na lang sa opisina mo. I-tour mo ako or we can be business partners.” “No, you can't do that.” “Why? My tinatago ka? Hindi pwedeng magsama ng babae? Ilang babae na ba ang nadala mo sa office mo,” panunukso ko sabay tawa ko. "No, listen to me. Hindi ka pwedeng sumama sa akin sa office ko at baka mapagtsismisan tayo." “Ok. Hintayin na lang kita dito sa parking lot tapos mag-lunch tayo mamaya,” feeling jo naman ay magkakasundi kami. “Are you sure? Umuwi ka na kaya,” pero parang ayaw nya akong maging friend “Mamili ka isama mo ko sa office mo o intayin kita sa parking?” “Ok fine. Just stay here or sa lobby pwede ka dun mag-intay. Lalabas ako before lunch time at hwag kang gagawa ng gulo o eksena,” paalala pa nito sa akin “Hwag kang mag-alala, hIndi ako papansin na tao.” “9am pa lang at matagal pa ang iintayin ko. Lagot sa akin ito kapag tinakasan ako. Hindi ko pa nakuha ang pangalan nya at saan kaya ang opisina nya dito?” tanong ko sa aking sarili. Hinanap kk sa social media ang lahat ng business company sa building at ang mga may-ari nito. Swerte at makalipas lang ang 30 minutes ay nahanap ko na ang pangalan ng lalaking kasama ko kanina. “So, JC rin pala ang initials nya kaya tawang-tawa sya sa mga pinagsasabi ko.” Umakyat ako sa opisina nito at nagtanong sa secretary. “Hi Miss! Is Mr. Jc Cuevas in his office,” tanong ko. “Sino po sila Maam? May schedule po ba kayo today?” “Yes, he’s expecting me. I’m Seline dela Torre,” maangas na sabi ko para masindak ang sekretarya at papasukin agad ako. “Ok po ma’am this way po.” “Sir, may bisita po. Ms. Seline dela Torre daw po.” “Wait,” pigil ni Jc. Nakapasok na akk bago nya pa ako pigilan “Bakit ba natatakot ka? Selosa ba ang girlfriend mo Mr. Jc Cuevas?” “So, na search mo na pala ang name ko. Ayoko lang ng gulo. Mahirap kalaban si Andrew.” “Kalaban? Don’t worry about him. I can kick him in his a**. Kaya sunod-sunuran siguro ang marami sa kanya. So, nasaan ba siya? “You told me nasa Cebu.” “Kasama ba yung Jane?” “Alam mo na?” “Alam mo din?” gulat na tanong ko. “Pero hindi ko sure kung nasa Cebu din si Jane ngayon. Pero madalas silang magkasama sa mga events and parties. So I guess.” “Hay, bwisit na babaeng yun at lalong bwiset yang Andrew na yan.” “Kumalma ka muna please. Hwag kang magwawala dito sa opisina ko,” pakiusap nya “Anong akala mo sa akin? Warfreak.” “Maypagka-freak. Di ko lang alam kung warfreak din.” “Hay! Malapit na. Tatawagan ko ang mokong na iyon at hwag kang maingay dyan.” Ring lang ng ring ang phone ni Andrew at hindi sinasagot. “Kaya pala hindi nya ako sinasama sa mga event and parties. Yung Jane nay un pala ang laging kasama. Mga walang h***!” “Kalma ka lang please! Gusto mo bang kumain muna? Early lunch and late breakfast. So, brunch,” anyaya ni Jc “Sige, mauuna na akong lumabas para walang issue. Intayin kita sa parking.” Umalis na agad ako at maya-maya ay sumunod na rin si Jc. Sa resto habang kumakain: “Friends ba kayo ni Andrew o business partner lang?” “Yes, friends kami at matagal na kaming magkakilala. Lagi kaming nagkikita sa mga parties and events. We talk and sometimes we do business together. Kayo?” Napatawa ako sa sinabi niya. “Kami? Recently lang kami nagkakilala tapos um-oo agada ko na magpakasal sa kanya. And we’re not friends! Especially now. We’re enemies. Hay, sobrang nakakainis sya. Pagkatapos ng lahat.” “Kelan mo nalaman?” usisa ni Jc “Yung sa kanila ni Jane? Kahapon lang. Iniwan nya ako sa resto matapos naming kumain pagkatapos pinuntahan niya yung babaeng iyon. Napaka walang h*ya ‘di ba?” Napailing lang si Jc. Iniimagine ang mga pangyayaring kinukwento ko habang kumakain kaming dalawa.. “So, what's your plan?” usisa nito “Bakit ko sasabihin sa iyo? Kaibigan mo yun. And please don’t tell na nagkita tayo. Please keep it a secret. Pwede ba?” “Of course, it’s a secret. Hwag mo lang akong ilalaglag kay Andrew.” “Di mo man lang pinayuhan yung mokong na yun o ka-kontsaba ka sa mga kalokohan niya?” “Nobody can stop him from what he wants to do. Mag-aaway lang kami.” “Kaya hinayaan mo na lang.” “I’m sorry Seline but I’m not in the right position. Tell his dad. Takot siya doon.” “I’m sorry din Jc kung na pe-pressure kita. I’m just so angry right now.” “Just calm down and talk to him when he gets back.” “Thank you for your company and hope to see you again. Thanks din sa lunch. Next time ulit.” Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako kay Jc. Tumawag na lang ako ng taxi na sasakyan pauwi sa aming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD