Kinabukasan ng umaga ay bigla akong nagising nang pumasok si Andrew sa aming kwarto.
“Kanina ka pa?” tanong ko.
“Ngayon lang. Magsho-shower lang ako,” tugon nito
“Papasok ka na ba agad sa trabaho?” usisa ko
“Oo. Maraming aasikasuhin sa opisina.”
“Kakain ka? Magluluto ako.”
“Hindi na. Nagmamadali ako.”
“Can I tell you something?”
“What? Make it fast.”
“I want to put up a bake shop dito sa village.”
“What do you know about business? Baka malugi ka lang. Sayang ang effort mo.” diniscourage nya agad sko kahit di pa nauumpisahan.
“I just want to try.”
“Madami ka nang makakalaban kung hindi masarap ang bake products mo. And besides, masyado kang mahiyain paano mo ima-market ang products mo?”
“Syempre sasarapan ko ang gawa and ipopost sa social media.”
“I’ll think about it.”
Agad ding umalis si Andrew pagkabihis at pumasok na sa opisina. Bored na bored na ako sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa mall para magshopping at mamili ng mga baking ingridients nya. Paguwi ni Andrew sa bahay:
“Honey, tikman mo itong cake na ginawa ko. Papasa na ba?”
“Patikim mo na lang kay Manang, I don’t like cakes. Kung gusto mo dadalin ko sa opisina para ipatikim sa mga staff.”
“Hwag na. Kakainin na lang namin ni Manang at ni Manong Dante,” naiinis na sabi ko.
“Bahala ka.”
“Hmp. Kaimbyerna. Baka sa babae mo lang ipakain ito,” bulong ko sa sarili.
“May event pala bukas ng gabi, sumama ka kung gusto mo.”
“Magdadala ako ng cake?”
“Hwag na at maraming food doon. Mamahalin at sikat pa na mga cakes.”
“Ok fine. Anong oras at anong attire?”
“6pm papasundo kita kay Manong Dante and formal attire. Meron ka ba? Bumili ka bukas ng umaga. I think tumaba ka kaya hwag ka na kumain ng lunch. Mag snack ka lang.”
“Kung hwag mo na kaya akong isama.” sarcastic na saad ko
“It’s up to you.”
“Buset ka talagang lalaki ka,” bulong ni Seline.
“Sasama ako. Bukas payat na ako. Tsk.”
Kinabukasan ay nagbake parin ako ng mini cupcakes at mini chocolate chip cookies para dalhin sa event. Sa pagkabusy ko ay nakalimutan kong bumili ng formal dress. Iniwan ko ang mga dress ko sa Cavite. Wala rin syang mahihiraman dahil mapapayat ang mga kaibigan ko.
“Manang may pangsimba po ba kayong damit? Pahiramin nyo po ako at may event kami na pupuntahan mamaya. Hindi na ako makakabili.”
“Halika tumingin ka sa kwarto ko kaya lang ay pangmatanda na ang style ng mga iyan.”
“Tatahian ko na lang po para magmukhang pang dalaga,” natatawang sabi ko.
Panay floral ang damit ni manang at mga mukhang pang manang talaga. Pumili ako ng isa at sinukat. Medyo maluwag at mahaba. Pinutol ko ang manggas at ginawang halter top. Ginupit nya rin ang colar ng pa V-neck at nilagyan ko ng slit hanggang kalahati ng hita. Pagkasuot ay tinupi ko sa may bewang ang damit para umiksi. Ikinulubot ko sa gilid para humapit sa aking katawan at saka nilagyan ng makapal na belt. Saka ko pinatungan ng itim na coat ni Andrew. Hindi na halata na gupit lang sa malayo ang aking damit. Mabuti at nadala ko ang silver kong stiletto na ginamit noong kasal namin ni Andrew.
Pagkabihis ko ay tumawag sa akin si Andrew para ipasundo ako sa driver. Nai-box ko na rin ang mga cupcakes na itatago ko sa likod ng sasakyan.
Namangha ako sa ganda at garbo ng decorations ng event. Parang wedding ang aming pinuntahan pero gathering lang ng mga business tycoon. Billionaryo ang host ng party na si Mr. Chua kaya bale wala lang ang mga gastusin sa event.
Nasa likod lang ako palagi ni Andrew habang kumakausap ng iba pang businessmen.
“Baka napapagod ka na. Umupo ka muna at may mga kakausapin pa ako,” saad ni Andrew.
“Ok. Dito lang ako.”
Pag-alis ni Andrew ay sabay labas ko para kuhanin ang cupcakes sa sasakyan. Ibinigay ko ito sa mga receptionist para ipaalam kung pwedeng magpasok ng cupcakes na gawa ko. Pumayag naman ang host ng event na si Mr. Chua pagkapaalam nila at saka inabot sa catering service. Inihain ito kasama ng iba pang snacks sa bawat table habang nakikinig ang mga bisita ng speech ng iba’t ibang negosyante.
“I like this cupcake,” sabi ng babaeng katabi ko sa kasama nito.
“Try the cookies. Its nice too,” sabi pa ng isa
Napangiti lang ako ng palihim. Bago matapos ng event ay nagikot ako sa mga table. Napansin kong halos nakain naman ang mga dala kong cupcakes at cookies at kaunti lang ang natira. Palabas na kami ng hall ni Andrew ng tawagin kami ni Mr. Chua.
“Mrs. Dela Torre.”
“You know my wife sir?” takang tanong ni Andrew
“Thank you for the goodies. It’s really good and my wife loves it. Darling, come here,” tinawag nito ang kanyang asawa.
“Hi! I like the cookies so much. Thank you,” sabay beso ni Mrs. Chua sa akin.
“Your welcome, Maam, Sir!”
“Can you bake me some of it again? I’m going to give you a big deal for it.”
“Sure ma’am,” at nagbeso ulit kami ni Mrs. Chua na sarap na sarap sa cupcakes na dala ko.
“Come let’s talk about the details.”
Nagtataka naman si Andrew sa mga pangyayari na halata sa mukha niya. Pagbalik ko ay kinausap ako ni Andrew.
“Nagdala ka pa rin pala ha.”
“Hindi ka naman napahiya at nagustuhan nila. Anong problema?”
Hindi na lang umimik si Andrew at alam ko na nakaisa ako kay Andrew na walang tiwala sa akin pagdating sa ba-bake ng cake.
Isang araw ay tumawag si Andrew sa akin habang nasa opisina ito.
“Hello Andrew. Bakit?”
“Seline, nasa bahay ka ba ngayon?” tanong ng aking asawa
“Oo bakit?” saad ko
“Sabi ng mommy ay marunong ka daw mag Japanese. Can you come to the office? Very urgent. I’ll see you here asap please,” natatarantang boses ni Andrew
Agad naman akong nagpahatid sa driver papunta sa office nito.
Sa lobby pa lang ay sinundo na ako ni Andrew. Nagmamadali kaming naglakad papasok sa elevator.
“May client kami na Japanese today. Unfortunately, walang translator. Naii-stress na kami at nagwawala na ang Japanese. Gusto na nitong umalis dahil hindi kami magkaintindihan. Just keep him company. Pakalmahin mo lang hanggang maayos naming ang presentation. Ok.”
“So what’s the deal?”
“Deal? What do you mean?”
“I might save you right now, so what’s my reward?”
“What do you want?” tanong ni Andrew
“20% of the contract. Barya lang yan.”
“Seline, that’s too much!” apila ni Andrew
“Ok bye!”
“Wait, 5%?”
“Nope 10%,” tawad ko pa
“Ok deal!”
Agad kaming lumabas ng elevator at pumasok sa opisina ni Andrew. Nandoon nga ang Japanese at mukhang stress na ang bawat isa
“Ohayo gozaimasu,” bati ko
“Watashi no namae wa Seline desu,” pakilala ko sa Japanese
Kinausap ko ang Japanese investor at pinakalma. Matanda na ito kaya di marunong mag-English kaya pinakiusapan ko na mag-stay muna ito saglit at ipaliliwanag ko ang presentation. Naisip ko rin na gumawa na agad ng kasulatan para sa deal namin ni Andrew at para di ako maisahan ng magaling kong asawa.
“Mabuti na ang may kontrata para sigurado,” saad niya sa kanyang sarili.
Bago mag-umpisa ang presentation ay pinakita ko ang ginawa kong kontrata.
“What’s this?”
“Read and sign it Mr. President.”
napangisi si Andrew sa ginawa kong iyon. Di nya akalaing pagbabayarin ko siya para sa aking serbisyo.
“Matalinong babae.”
“Hindi na kasi ako madadala sa mga sabi lang lalo na sa mga taong sinungaling.”
“I never lie to you,” saad ni Andrew.
“Really?”
Pinapirmahan ko ito kay Andrew. Akala ni Andrew ay wala akong alam at kaya nya lang paikutin pero nagkamali siya. May pagkatuso ako at matalino rin naman ako.
Naidetalye ko na ang kontrata dahil na rin sa pag-uusap namin ng Japanese investor.
Nai-translate ko ang buong presentation. Mabuti at ‘di ko pa nakalimutan ang lenguwaheng ito na inaral ko noong 3rd year college ako. Natuwa ang Japanese sa akin kaya nagdeal agad ito sa investment.
Pagkatapos ay nakapagpirmahan na sila ng kontrata at naipadala na rin agad ang pera from Japan bank account papunta sa account ni Andrew. Sa tuwa ng Japanese sa akin ay nais niyang magkita kaming muli pagbalik niya sa Manila kasama ang kanyang asawa.
“Sayonara. Arigato gozaimasu,” paalam ko
Ulitin mo, utos ko kay Andrew
“Sayo-nara, ari-gato gozai-masu,” nabubulol na bigkas ni Andrew.
Nang makaalis na ang Japanese ay hinarap ko si Andrew
“So, where’s mine?”
“I’ll send it to your account.”
“Do it now. I want it now.”
Napangisi naman si Jane sa pagmamadali ko na makuha ang porsiyento ko.
“You have a problem with me?” mataray na sabi ko kay Jane
“Nakakatawa ka kasi Ma’am Seline. Bakit nangungumisyon ka pa sa sarili nyong kumpanya?”
“Kumpanya namin? Are you sure? Baka nga ang mga kalaguyo pa ang nakikinabang at ang sariling asawa ay di nabibigyan.”
Napaismid ulit si Jane at di na sumagot pa.
“Tama na yan. Let’s just celebrate na na deal na natin yung Japanese client,” sabat ni Andrew
“Wait, who’s fault bakit walang translator at muntik nang mag-backout ang client. Ikaw ba Ms. VP?”
“Excuse me! It’s the translator’s fault and not mine. Ako ba ang hindi sumipot?” mataray na sagot nito
“It just means na uncompetitive ka. Wala kayong plan B if plan A failed. What kind of VP are you?”
“Please stop. Seline ipahahatid na kita sa driver,” sabat ni Andrew
“I am the one who convinced your client and made the deal tapos pauuwiin mo na ako. You’re so unbelievable Mr. Dela Torre. At kayo ng VP mo ang magce-celebrate right?”
“No, that’s not what I meant,” tanggi ni Andrew
“Eh di yang VP mo ang ipahatid mo. Wala naman yang nagawa dito.”
“She’s also important here,” pagtatanggol nya kay Jane
“Mamili ka,” ani Seline.
“Seline, just go home and mag-usap na lang tayo mamaya sa bahay. May pag-uusapan lang kami ni Jane.”
“Ok fine Mr. Andrew dela Torre. You have chosen your fate and you’ll regret it,” pagbabanta ko sabay alis sa opisina.
“Seline.”
Naiwan naman si Jane at Andrew sa opisina.
“Grabe yang asawa mo, may pagka-tuso rin pala at mukhang pera. That 10% is 10 Million.”
“10 Million ang nawala dahil ‘di mo ginawa ng ayos ang trabaho mo. Where’s that f*cking translator that you hire? Mas maigi nang 10M lang ang nawala at hindi ang 100M dahil sa kapabayaan mo. Hindi ka ba nag-iisip?”
“I’m so sorry. Hindi ko rin alam kung bakit ‘di sumipot yung translator na yun. Let's just celebrate at thank you sa pagpili mo sa akin na mag-stay at ‘di yung tuso mong asawa,” kompiyansang saad ni Jane
“No, I’ll go home early. I’ll make up with my wife,” nagmamadaling alis ni Andrew at iniwan si Jane sa opisina
“Andrew, wait. You fool!” galit na sabi ni Jane
Hindi nila alam na naroon lang ako sa malapit at naririnig ang pinag-uusapan nila. nagtago lang ako sa fire exit pag-labas ni Andrew kaya di niya ako nakita.
Sa sasakyan ko naman ay napaluha ako. Nasaktan ako ng hindi ako pinili at pilit pang pinapauwi na kaya masamang masama ang loob ko sa aking asawa.
“Manong paki baba mo na lang muna ako sa mall. May bibilhin lang ako at hwag mo na akong intayin. Magtataxi na lang ako mamaya.”
“Sigurado po kayo Ma’am? Intayin ko na lang po kayo. Baka mapaano pa kayo,” pag-aalala ni Mang Dante.
“Ok lang ako, uwi na lang kayo ng maaga.”
Pumasok ako sa mamahaling bag store. Tumingin-tingin ng magugustuhan kong design. Ilang beses na akong binigyan ni Andrew ng mamahaling bag pero nais kong bumili pa ulit. Baka mawala ang sama ng loob ko at bigyan ako nito ng kaunting kaligayahan. Napukaw ang atensiyon ko sa ganda ng napili kong bagong modelo.
“One hundred fifty thousand po ma’am,” saad ng sales lady.
Inabot ko naman ang atm na may 10Million mula sa kumisyon ko sa Japanese investor kanina. Bumili rin ako ng steak na lulutuin para sa dalawang kasama ko sa bahay at sa akin. Sa bahay na lang ako magce-celebrate kung ayaw ni Andrew. May kasama pang red wine at cake akong binili para sa celebration namin ng mga kasama sa bahay.
Pag-uwi ni Andrew ay nandoon ang driver pero wala si Seline
“Sir, nagpaiwan na po sa mall si Maam. Mukhang malungkot po eh. Magsho-shopping po siguro. Madalas na ganon po ang ginagawa ni Maam kapag nalulungkot,” paliwanag ni Mang Dante.
“Manang, ano po bang gustong kainin ni Seline? Magluto ka ng marami. Nakapag-deal sya ng big time na client, kaya we need to celebrate kaso lang ay masama yata ang loob sa akin.
Sige po Sir, barbeque liempo ang gusto ni Maam at fried chicken. Paniguradong mawawala ang sama ng loob noon kapag nakita ang handa natin,” pagbibida ni Manang Celia na ikinuwento rin sa akin ang mga pangyayaring iyon sa bahay.
Ilang saglit lang ay dumating na rin ako sa bahay. Nagtataka na may ilaw sa may pool at bukas ang music player sa loob ng bahay na madalang magamit. Iniwan ko sa mesa ang mga pinamili at lumabas sa may pool. Nakita ko si Manang na nag-iihaw malapit sa pool.
“Bakit kayo nagbarbeque Manang?” usisa ni Seline
“We’re celebrating!” sabat ni Andrew
“Why you’re here Mr. dela Torre?” masungit na tanong ko sa magaling kong asawa
“To celebrate,” saad nito
“100M ang na deal mo tapos barbeque lang? Buti pa ako, may steak at red wine. Kaso pang tatlo lang. kay Manang Celia, Kay Mang Dante at sa akin.”
“Naku Maam, sa inyo na lang po ni Sir yun,” pagtanggi ni Manang.
“May ibang ka celebrate yan kaya sa ating tatlo lang yung steak.”
“Ibang ka celebrate? Eh nauna pa nga akong umuwi sa iyo. Ang hirap kasi sa iyo nagseselos ka agad. Pwede naman akong hindi mag-steak at ibang steak ang kakainin ko mamaya,” pabulong nito sa asawa.
“Tumigil ka nga diyan. Kadiri ka,” agad akong tumalikod at pumunta sa kusina para iprepare ang steak.
Napangiti naman ako at kinilig nang pinili ni Andrew kaysa kay Jane. Pinalamig ko sa freezer ang wine. Niluto ko na rin ang tatlong steak. Naisip kong mamaaring gusto na rin talaga ako ni Andrew pero ‘di na mawawala ang pagkababaero nito. At alam ko sa isip ko na may kasama itong ibang babae sa Cebu na gumugulo pa rin sa isip ko.
Pagkaluto ay naghain na sila sa garden, bbq liempo, fried chicken, steak, redwine at cake. Halata ang kasiyahan ni Andrew. Nakangiti at nagkukwento ng kung anu-ano. Dahil siguro sa na-deal na investment o kaya ay dahil din kaya sa akin. Ako naman ay tahimik lang na kumakain at nakikinig sa aking asawa. Nakikitawa din minsan para hindi mahalata na may malalim akong iniisip at dinaramdam.