Matulog ka muna,” saad ni Jc. “Ayoko. Dito lang ako. Ikaw, magpahinga ka muna. Ok lang ako dito at maya-maya ay papasok na rin ako sa kwarto.” “Sigurado ka?” “Oo. Sige na, pumasok ka na. Susunod na rin ako mamaya.” Sa palagay ko ay pagod na rin si Jc. Alam kong di naman din ako mapapakali sa loob ng kwarto kaya naupo lang ako sa may dalampasigan at naghintay para sa pagbabalik ni Andrew. Ang araw at ang gabing ito ang pinakamatagal sa buong buhay ko. Nakakainip at gusto ko nang makita ang aking asawa. Nasaan na kaya siya? Nagpapalutang-lutang kaya kung saan man? Bakit sa lahat ay siya lang ang hindi makita? Lumapit ako sa dagat ngunit lalo akong nalungkot at napuno ang puso ko ng pag-aalala. Nakatayo ako sa parteng nag-aabot ang buhangin at ang tubig dagat. Kinuha mo na ba sya? Ple