“Hello Ms. D. Bakit napatawag ka? May problema ba?” “Ma’am ‘di ba may appointment kayo kay Sir today?” “Ha? Ngayon ba ‘yon? Nawala sa isip ko. Bakit ngayon ka lang tumawag?” “Out of reach po kayo kanina pa. Galit na galit na po si sir.” “Pasensya na ha. Nakalimutan ko kasi. Nandyan ba sya?” “Yes maam. Kaso may meeting po sya ulit mamaya. Paalis na po dito sa office.” “Ok thanks Ms. D.” “Sige po maam.” “Galit nanaman s’ya sa akin. Hay, ano ba Seline? Sorry GIF na lang isesend ko na message. Bear na umiiyak at sana tanggapin mo Andrew,” nag-aalalang sabi ko. Nang maisip kong magluto ng caldereta ay agad akong nagtungo sa grocery store para bumili ng mga kailangang sangkap. Pagbalik sa bahay ay agad kong isinalang ang beef para lumambot agad. Saka inihalo ang mga sangkap. kailangan